Sa pangunahing tagapagsalita, sa ating punong guro, Dr. Rhandell Guirre, sa ating managing director na si G. Ceazar Caro, mga guro, mga kasama sa paaralan, sa ating gurong tagapatnubay, Bb. Maribel Laylo, sa mga magulang, batchmates at panauhin.
“Ang pagsubok at pagkakamali ang nagtuturo sa atin kung paano bumangon mula sa pagkakadapa at isang paraan para tayo ay matuto”. Ito ang isa sa mga pilosopiya ko sa buhay na ginamit ko sa pag abot na inaasam kong tagumpay. Heto ang isang istorya kung paano ako bumangon at natuto mula sa aking pagkakadapa at pagkakamali.
Sa pagbalik ko sa nakaraan kong karanasan, tandang-tanda ko yung araw kung saan nagsimula ang lahat. Sa pagyapak ko sa institusyong ito, ditto ko naramdaman ang tunay na ibig sabihin ng isang tunay na mag-aaral. Sa unang araw ko, tandang-tanda ko na ang bawat isa’y hindi pa gaano magkakakilala. Noong araw na iyon wala pa kong kilala maliban sa mga naging nakaraan kong mga kaklase. Para bang bago ang lahat, na para bang bago kang silang sa mundong ito. Sa paglipas ng mga panahon, dumating ang pinakaayaw ko ang “PAGSUBOK”. Ang pagsubok na sumubok sa aking katatagan bilang isang tunay na mag-aaral. Noong panahon na ako’y nasa gitna ng pagsubok dito ko kinumpara ang aking sarili sa isang buto. Buto na kung saan may pagbabago.Sa institusyon na ito, dito ko naranasan ang paggawa ng tesis. Ito ang isa sa mga naging hamon o pagsubok sa pagpasok ko noong nasa 11 na baitang ako. Sabi nila mahirap daw ito. At noong naranasan ko na ito, talaga naman napakahirap kapag wala ka pang karanasan sa paggawa nito. Tandang-tanda ko pa noon na halos gabi na kami umuwi noon sa pagagawa ng tesis. Ito ang isa sa mga bagay na sumubok sa akin bilang isang mag-aaral.
Ang isa sa hindi ko malilimutan noong ako’y nasa 11 na baitang ay ang mga pangyayari na kung saan tumatak sa aking puso at isip. Una, ay noong lumaban kami ng hindi naghahanda ng Nutri jinglei pero nakakuha pa rin kami ng pangalawang pwesto. Pangalawa ay ang mga Spirit Day na nagaganap sa amin paaralan. Tanda ko noon na halos lahat kami ay naghahanda upang may maisuot lamang sa araw na iyon. Pangatlo, ay noong Christmas Party dito ko naranasan na may pangalawang pamilya ako. Dito ko naranasan yung saya na hindi ko naranasan noong ako’y nasa junior high school. Pangatlo ay noong M.S.U.S. Play naging narrator ako ng naging dula naming sa aming paaralan. At una kong naging karanasan yung magnarator sa maraming tao. Sobrang saya kasi dito ko naranasan na sa lahat ng paghihirap mo ay bunga ng kaginhawaan. At panghuli, ay noong Closing dito kami nagpraktis ng kanta para sa pagtatapos ng taon noong kami’y nasa 11 na baitang. Sa mga karanasan na ito dito ko masasabi na ang nagsimula sa buto ay may pagbabago na kung saan habang lumalaki ay mas tumatag dahil sa mga problema na sumusubok kung gaano hanggan ang kaya mo. Sa pagpapatuloy ko ng aking lakbayin bilang isang mag-aaral ay hindi mawawala ang pagsubok.
Sa pagyapak ko naman ng 12 na baitang sa institusyon na ito ay may panibagong pagsubok na naman ang kinaharap ng bawat isa. Ang isa sa mga pagsubok na kinaharap naming ay pamanahong papel na talaga naman nagpahirap uli samin. Pero dahil sa tesis na pinagdaanan naming noon ay nagkaroon na kami ng karanasan kung paano ito gawin. Ang pangalawa pa ay noong Festival of Talents na kung saan talaga naman na naghanda ang lahat ng mag-aaral upang may maipakita sa mga manonood. At panghuli ay ang mga requirements na kailangan ipasa ng nasa tamang oras. Tandang-tanda ko noon na halos lahat ay maraming ginagawa at hindi alam ang uunahin. Kahit na maraming pagsubok ay hindi mawawala sa bawat isa ang ngiti na kung saan isa sa mga naging sandata ng bawat isa upang harapin ang problema ng positibo. Dito ko naranasan na kahit na may pagsubok na kinakaharap ay di pa rin mawawala ang saya na kung saan pinatatag ang samahan ng bawat isa.
Sa dalawang taon na namalagi tayo sa institusyon na ito ay naririto tayo upang saksihan ang pagtatapos ng bawat isa. Gusto kong tandaan ng bawat isa ay kapag may hirap may ginhawa. At ngayon may prutas na ang mga paghihirap natin tatanggapin na ng bawat isa ang diploma na nagsisilbing katunayan na ang paghihirap na ito ay may ginhawa na kaakibat. Hinding-hindi ko malilimutan ang lahat ng mga ala-ala na nabuo sa institusyon na ito. Hindi pa ditto natatapos ang paglalakbay natin bagkus ito palang ang simula. At sa pagtuntong natin ng kolehiyo ay nawa baunin ng bawat isa ang mga aral na ating natutunan noong nagaaral palang tayo sa paaralan na ito.
Nais ko pong pasalamatan ang lahat ng mga taong naging bahagi ng masaya’t makulay kong buhay ngayong senior high school:
Sa aking mga magulang na kumalinga sa akin simula’t sapul, hindi kop o lama kung paano kop o kayo pasasalamatan. Salamat po sa lahat kung hindi po dahil sa inyo ay hindi ko makakamit ang karangalan na ito. Tay, Nay, para sa inyo po ito. Mahal na Mahal ko po kayo.
Sa lahat ng mga guro na nagturo sa amin, hinding-hindi ko po kayo malilimutan lalo na ang mga aral na inyong binahagi sa amin. Sa una kong naging magulang sa institusyon na ito, G. Peter Allen Hernandez Gomez maraming salamat po sa lahat ng aral na binahagi niyo po sa amin. Hinding-hindi ko po kayo malilimuta. Salamat po!. Sa aming gurong tagapayo, Bb. Sara Jane Esmana Salamat po sa palaging pag iintindi sa amin kahit na may nagagawa kaming kasalanan hindi kayong nagsasawang patawarin kami. Salamat po!
Sa aking mga naging kaibigan, salamat po sa inyo hinding-hindi ko kayo malilimutan!
Sa mga kinauukulan ng paaralan na ito. Maraming Salamat po sa inyo.
Higit sa lahat ang aking tagumpay ay iniaalay ko sa Diyos, dahil sa kanya ay napagtagumpayan ko ang mga pagsubok na kinaharap noong nag-aaral palang ako sa institusyon na ito. At sa lakas at gabay na binigay niyo sa akin, Salamat po! Sa iyo lamang po ang papuri at pasasalamat.
Sa ating lahat na magsisipagtapos ay iiwan ko ang isang hamon: Hindi pa dito natatapos ang mga pagsubok, nagsisimula pa lamang ang lakbayin natin. Nawa ay ipagpatuloy natin ang ating nasimulan at patuloy natin gawin ang ating makakaya!
Muli, isang magandang hapon po sa ating lahat!
Congratulations for your success! As I read in your article you were great student and parents are proud of you.I wish you happiness in life in future too.