Mayaman ka, tayo

0 13
Avatar for Sophia
Written by
4 years ago

Wala pa kong napapatunayan sa buhay, mareklamo na ko. Wala pa kong napapatunayan sa buhay, pagod na ko. Wala pa kong napapatunayan sa buhay kaya nang magalit ang magulang ko sa akin? Alam mo ang sabi nila? "Mayaman ka, tayo"

Swerte. Oo swerte ako. Swerte ako kasi nakakapag-aral ako. May naisusuot ako. May pinagkakalibangan ako. May pamilya ako. May pera ako kahit hindi ganoon kalaki. May natitirhan ako. Swerte ako. Swerte ako.

Hindi mo malalaman ang halaga ng isang bagay kapag wala na sayo. Nangyari sa akin ang kasabihang ito. Namatay ang tatay ko. Namatay dahil yata sa tigas ng ulo ko, sa tigas ng loob ko.

Swerte? Anong swerte? Ako? Swerte? Hmm. Swerte ba ang mamuhay dito sa mundong ito kung saan puro limitado lang ang nakukuha ko? Di gaya ng ibang tao, lahat ng gusto isang turo lang 'akin na to' isang turo lang tuturo nanaman ng panibago. Hindi ko nagagawa iyon. Kasi kapag nagtuturo ako na 'papa gusto ko iyon' ngiti lang ang sagot. Anong magagawa ng ngiti??!!

Lumaki akong malayo ang loob sa kanya. Kahit anong gawin niyang kayod sa buhay wala iyong halaga. Aanhin ko naman ang kakapiranggot na kita niya sa isang araw sa pamilya niya? Kahit anak niya ko nakakabanas na. Iyon na daw ang kaya niya, ito na ang kaya niya.

Gusto ko sa malalaking unibersidad. Gusto ko ng mamahaling gamit. Gusto ko! Gustong gusto ko! Pero anong gagawin ni papa? Ngingitian lang ako. Ang saya diba?

Minsan ko nang hiniling na sana hindi nalang sila ang magulang ko. Sana hindi na lang siya ang papa ko. Sinasabi ko iyon sa harap niya hanggang isang araw namatay siya.

Namatay ng hindi man lang napapawi ang galit ko. Namatay ng hindi man lang napapanatag ang buhay ng pamilyang iniwan niya rito.

Galit ako! Dapat galit ako! Kasi hindi siya nagsumikap! Pero imbis na magalit ako umiiyak ako nagmamakaawa sa poong may kapal na parang awa niyo na ibalik niyo ang papa ko.

Huli na eh, huling huli na.

May kaibigan ako na napagsasabihan ko ng problema ko, madalas ko siyang kasama, at siya ang dahilan kung bakit umiiyak ako sa harap ng papa ko.

Tinanong ko siya kung bakit lagi ko siyang kasama. Masaya naman ako na kasama siya, pero huwag naman sana na buong araw ay nasa tabi ko siya. Hanggang sa isang pumunta kami sa kinaroroonan niya, nanahimik nalang ako. Ang ganda at ang garbo ng bahah nila.

Pero alam mo? Doon ko nalaman na ang swerte ko pala. Ang yaman ko pala. Siya ang nagsabi sa akin na mayaman ako. Mayaman sa pagmamahal.

Mapera sila oo, pero kulang siya sa atensyon at pagmamahal ng magulang habang kami naman ay walang pera pero puno pala ako ng pagmamahal at atensyon nila.

Bata pa kasi ako noon kaya hindi ko basta maalala, pero sa abot ng aking makakaya, pagkatapos ngumiti ng aking ama, alam mo ang sinasabi niya?

"Anak pasensya na ha, di pa kaya ng pera"

...

Napakahalaga ng pera sa buhay ng isang tao, pero kung puno naman ng pagmamahal, huwag mo nang ipagpalit ito, huwag mo nang gayahin ang inakto ko.

Basahin mo ito, tingnan mo ang miyembro ng pamilya mo na kagaya ko at ito ang sabihin mo,

Mayaman ka, tayo.

(Ginawa ko lang ito at hindi ko ito sariling istorya, interpretasyon lamang)

1
$ 0.00
Avatar for Sophia
Written by
4 years ago

Comments