Isang araw

0 3
Avatar for Sophia
Written by
3 years ago

Isang araw, isang araw lang ang kailangan para malaman mo ang lahat ng bagay. Hindi lahat ng matang nakabukas, nakakakita. Hindi lahat ng mga taong makikita mo na wagas kung tumawa, masaya. Hindi lahat ng makita mong pumapalakpak, bumibilib. Isang araw, maiintindihan mo rin ako, isang araw.

Isang araw, malalaman mo rin ang lahat ng bagay. Kung bakit may mga mapanlinlang na tao sa paligid mo, bakit pa sila nabubuhay. Bakit pa may mga inosente? Ignorante? O mas dapat kong sabihin ... Bakit may mga taong laging suki ng panloloko. Walang manloloko kung walang magpapaloko. Pero wala rin namang magpapaloko kung walang manloloko. Isang araw, malalaman mo rin ang lahat ng bagay.

Isang araw malalaman mo rin ang lahat ng bagay. Kung bakit hindi lahat ng nakangiti ay hindi masaya. Sabi ng iba, madaling tumawa o ngumiti sa iba. Pero kapag kaharap mo na ang salamin? Parang kinamusta mo na si 'parusa'. Bakit may mga taong mapagkunwari? Iyong pipiliing manahimik nalang, iyong pipiliing matiwasay ang buhay, yung totoo, matatahimik ka ba sa lugar kung saan ang nakapaligid sayo ay masama ang atmospera sayo? Isang araw, malalaman mo rin ang lahat ng bagay.

Isang araw malalaman mo rin ang lahat ng bagay. Kung bakit lahat ng kakilala mo hindi mo nagiging kaibigan. Ugali, isa sa dahilan kung bakit hindi nagkakaunawaan. Maging maingat ka sa mga labing nakangiti sa iyo. Nakadepende sayo, susuklian mo o kikilatisin mo. Palakpak. Kahit sino pwedeng pumalakpak. Pero hindi mo masasabi kung kaninong palakpak ang may binabalak. Isang arawarawmaiintindihan mo rin ako.

Sa araw na maiintindihan mo ang mensaheng ito, mapapatulala ka nalang at masasabi mo, na dumating na ang araw. Isang araw.

1
$ 0.00

Comments