"Hindi lahat ng lalaki Tanya katulad ng iniisip mo" mahinahong sabi niya.
"May sinabi ba akong lahat mostly lang" naka ngusong sabi ko.
"Eh parang sinasali mo ako sa mga lalaking manloloko eh" seryosong sabi niya.
"Hindi ah baliw nato" sabi ko sa kanya sabay hampas.
"Hindi naman kita mamahalin ng ganito katagal kong isa ako sa kanila diba" naka ngusong sabi niya.
"Tanya Celestine babangon ka o babangon ka" narinig kong sigaw ni mama sabay hila ng kamay ko dahilan para mapaupo ako sa kama.
"Mama naman eh ang kj naman" naka pikit na sabi ko.
"Anong kj mag grogrocery pa tayo para sa debut mo bukas tayo na jan" bulyaw niya nang may maalala ako.
"Ay mama guess what" naka tiling sabi ko.
"Ano na napanaginipan mo nanaman ang soulmate mo" walang ganang sabi niya habang hinahanda ang damit ko.
"Oo at ang sabi niya mahal niya ako" naka ngiting sabi ko.
"Baliw kana talaga bumangon kana jan at nag hihintay papa mo sa kusina kakain na tayo" sabi niya ng hindi ako tinitignan.
"Lumabas kana don maliligo na ako" pag tataboy ko kay mama.
Habang pababa ako sa hagdan narinig kung nagtatawan sina mama at papa at naabutan ko pa silang magka yakap.
"Ang PDA niyo pi" sabi ko sabay upo at kumuha ng hotdog.
"Ingit kalang wala ka kasing jowa" panunukso ni mama na tinawanan naman ni papa.
"Ang baduy mo Mama may pa croptop kapang nalalaman laki naman ng bilbil mo" tukso ko sa kanya.
Tinuloy namin ang masayang pag aalmusal nayun, pasalamat talaga ako sa parents ko na super supportive sakin feeling teenagers nga eh.
"Yang sampay mo muna tong towel ko sa likod bago tayo umalis" utos ni mama sakin.
Habang sinasampay ko yung towel napansin ko nanaman si chin ang aking aso na nag bubungkal nanaman sa lupa, dalawang araw narin niya tong ginagawa baka may treasure jan.
"Chin hanapin mo yung gold ha wag yung silver" sigaw ko sa kanya at tinignan niya lang ako at nag bungkal ulit, ang maldita ng asong to.
Nung araw nayun natapos yung pamimili namin nila mama at papa, marami ring nag prepare sa darating na debut ko.
"Dapat may regalo ka sakin bukas ah" nakangiting sabi ko sa kanya.
"Syempre naman mahal ko" naka ngiti ding sabi niya sabay halik sa kamay ko.
"Mas mahal kita Felix" naka ngiting sabi ko sa kanya.
"Tanyang gising na marami pa tayong gagawin bago pupunta sa venue" yugyug sakin ni mama.
"Mama naman nag uusap pa kami ni Felix eh" naka ngusong sabi ko.
"Babangon ka jan o bubuhusan kita ng tubig puro ka Felix parati nalang Felix hindi naman totoo" bulyaw niya, kaya wala akong nagawa kundi bumangon nalang.
Nang araw nayun masaya kaming pumunta sa venue ng debut ko, marami na ring tao ang nag hihintay nun. Naging tagumpay naman ito kasi kompleto ang mga kaibigan at classmates ko.
"Nak ikaw nalang mag sara niyang pinto antok na antok nako" humihikab na sabi ni mama nung naka uwi na kami.
"Sige mama hanapin ko lang si chin hindi ko pa yun napapakain" sabi ko sabay labas ng bahay.
Nilibot ko na ang harapan ngunit hindi ko makita si chin kaya naisipan ko baka nasa likod yun nag bubungkal at hindi nga ako nag kakamali nandon nga si chin pero hindi na siya nag bubungkal naka tingin nalang siya sa binungkal niya.
"Chin lika na kain na tayo may dala akong chicken" tawag ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinansin.
"Hoy chin ang maldita mo ah ano ba kasi tinitignan mo jan" sigaw ko habang lumalapit kay chin.
Pag lapit ko sa kanya may nakita akong isang kahon sa binungkal ni chin.
"Wow chin ito naba yung gold" naka ngiting hawak ko kay chin pero tumahol lang ito.
Binuksan ko ang kahon ngunit isang papel lang at kwentas ang nakita ko. Isang kwentas na may pendant na pusong hinulma sa kahoy, masasabi mo talagang gawa sa effort, binuksan ko ang papel at binasa ang laman nito.
Mahal kong Tanya,
Naalala mo paba yung sinabi ko sayong may regalo ako, ito nayun pasensiya nat wala ako jan para ako mismo ang magsusuot sayo niyan, gawa ko yan sana magustuhan mo, Hindi man kamahalan ang regalo ko pero galing yan sa puso ko, ginawa ko yan ng pagmamahal. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita kahit sa panaginip lang tayo nagkikita.
Nagmamahal,
Felix.
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Ang lalaking sa panaginip ko lang minahal at nakikita totoo pala.
End.
Written by: Solene
Very Informative.