"Girl despirada kana ba talaga diba sabi mo pupunta kalang ng paris pag may jowabels kana" sabi ni mira sabay laklak ng alak.
Nandito kami sa bar ngayon ni libre niya ako kasi bukas na ang alis ko.
Yes pupunta akong paris ng mag-isa, they said na kailangan daw may jowa kung pupunta ka sa paris, well for me jowa ko naman yung sarili ko kaya keri na to.
"Wala akong pake sa jowabels nayan basta pupunta akong paris me myself and I" naka ngisi kong sabi sa kanya.
"Bahala ka ma juntis ka sana don kaloka to" naiirita niyang sabi, kaloka tong babaeng to.
This is it the day that I've been waiting for paris here I come.
"1 week kalang don ha baka maka hanap kana ng jowa don di kana uuwi samin ng papi mo" nag eemote na sabi ng mama ko.
"Basta anak enjoy mo lang don ha" naka ngiting sabi ni papa.
Habang nag iimagine ako kung ano ang pweding gawin sa paris kung maghahanap ba ng boylet o tatalon sa eifel towel biglang nag announce ang pilot na mag lalanding na.
Ingay ang naririnig ko pag labas ko ng airport maraming mga turista ang aking nakikita halos asian.
"Paris ang bango mo" sigaw ko habang umikot ikot.
"Miss bagong labas kaba sa kulungan" natigilan ako sa sinabi ng isang lalaking naka sandal sa poste.
"Ako ba tinutukoy mo" sabi ko sabay turo sa sarili ko.
"Ikaw lang naman ang mukhang timang dito edi sino paba" naka ngising sabi niya.
"Ewan ko sayo hindi kita kilala bruha" sabi ko sabay flip hair sinisira niya ang first day ko sa paris ah.
Habang nag lalakad ako pilit kong binabasa ang hotel na binook ni mama para sakin.
"Hays ang hirap naman basahin nito" reklamo ko habang binabasang mabuti ang pangalan ng hotel nato.
"Need help miss" may biglang nag salita sa gilid ko hay salamat.
"sir can you read thi-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ang lalaking tinawag akong timang kanina.
"Wag na pala baka kung saan mo pa ako dalhin" sabi ko sabay walk out.
"La broueqit hotel" natigilan ako sa sinabi niya ganon pala yun akala ko la brok basahin yun.
"Napahinto ka yata edi you need my help" natatawang sabi niya.
"Hoy lalaking poste" turo ko sa pag mumukha niya.
"Sumunod ka sakin malapit lang naman yan dito" nilagpasan niya ako at wala akong nagawa kundi sumunod nalang alangan naman tatayo lang ako dito.
Unang araw ko ngayon kaya dapat pahinga muna ako nakaka pagod kaya sa biyahe natulog lang ako buong araw bukas nako gagala kahit whole day ako di matulog.
"How much is the bracelet" ano bato pag ako lang mag isa ang galing ko mag english pero pag foreign kaharap ko ang hirap nakaka bulol.
Naglakad lakad nalang ako habang tinatanaw ang magandang view ayoko ng kumausap ng kano baka mamatay ako ng maaga.
"Kawawa ka naman nag iisang gumala sa paris, city of love pa naman ito" bigla akong napalingon sa lalaking nag salita sa likod ko.
"Ikaw nanaman alam mo malas ka talaga" inis na sabi ko sa kanya.
"Ganyan kaba mag pasalamat" naka taas kilay niyang sabi bat ang gwapo nito kaso ang yabang kaya diko bet
"Edi salamat po" sarcastikong sabi ko sa kanya.
"Gusto mo ako nalang maging tour guide mo" naka ngiting sabi niya sabay kindat, hinawakan ko naman ang baba ko baka tumulo laway ko bat ba kasi ang gwapo nito ayoko pa naman mapasama sa mga babaeng gwapo lang ang habol pero itong lalaking to nakakainis.
"Ikaw bahala"diko alam sa sarili ko kung bat ko nasabi yun.
"Tara una nating pupuntahan ay louvre museum malapit lang naman yun dito" sabi niya sabay hila sakin nakita ko pa na tinaasan ako ng kilay ng isang babae ingit siguro to.
"Alam mo ba na ang Louvre Museum is the world's largest art museum and a historic monument dito sa Paris" sabi niya habang papasok kami sa museum.
Nilibot ko ang paningin ko grabi ang ganda at sobrang laki pa siguro kasiya dito ang pilipinas charot.
"Grabi ang ganda" namamanghang sabi ko.
Halos umabot kami ng dalawang oras kaka libot sa loob ng museum pero hindi ko talaga naramdaman ang pagod sa gandang nakikita ko.
"Tara na labas na tayo tumunog na yung tiyan mo oh" tumatawang sabi niya.
"Pake alam mo usto mo kainin pa kita jan eh" pabulong kong sabi
"Narinig ko yun" sabi niya habang tumatawa na kinagulat ko saka siya naunang mag lakad.
Pagka rating ko sa hotel hindi mawala ang ngiti sa labi ko kahit na naka higa na sa kama naka ngiti parin hindi ko alam kong bakit, siguro masaya lang ako kasi ang ganda ng lugar na to.
Ikatlong araw ko na to sa paris habang nag hihintay ng taxi sa labas kinuhanan ko pa ng picture ang hotel, yun kasi ang bilin ni papa.
"Nandito na ang gwapo mong tour guide" biglang nag salita ang kupal sa likod ko na hangang ngayon diko pa alam ang pangalan
"Baliw ka hindi ka gwapo slight lang" sabi ko sabay pakita ng hand gesture.
"So ano tara na" sabi niya sabay una nag lakad.
"Wait ano nga pala name mo" tanong ko sa kanya.
"Luis" iksing sabi niya.
"Ako naman si Savanah" pakilala ko din sa kanya.
"So san tayo pupunta" tanong ko sa kanya at sinabayan siyang mag lakad.
"To my favorite place the Luxembourg Gardens" napaka tipid talagang mag salita nito.
Sobrang gandang tanawin ang bumungad sakin pag dating namin sa garden na sinasabi niya, kinuhanan ko agad ito ng picture at nag selfie.
"Luis halika selfie tayo" tawag ko sa kanya.
"Ikaw nalang di naman ako mahilig jan"sabi niya habang naka upo lang sa bench.
Bahala ka sa buhay mo basta ako mag pipicture nalang ako dito.
Sa mga araw na nagdaan hindi naging malungkot ang gala ko sa paris kasi nanjan si luis na parati akong sinasamahan, sabay na nag tatawanan hindi ko alam pero sa tuwing makikita ko siya bumibilis ang tibok ng puso ko tama nga sila hindi sa taas ng panahon ang magpapatunay kung gusto mo ang isang tao kagaya ni Jack at Rose sa titanic diba.
Pumunta panga kami sa apartment niya kasi gabi na kami naka uwi galing Disneyland akala ko nga ma jujuntis nako pero napaka gentleman niya ako ang natulog sa kwarto niya at siya sa sala.
Huling araw ko na to at nandito kami ni Luis sa Eifel tower view.
"Bukas na ang alis ko Luis" sabi ko sa kanya habang nakatitig lang sa tower.
"Kailangan mo paba talagang umalis" sabi niya sabi tingin sa mga mata ko.
"Oo hindi naman ako taga dito saka isa pa may trabaho ako sa pilipinas" malungkot kong sabi sa kanya, parang ayaw ko nanga ding umalis eh.
"Salamat Sav kasi sa mga panahong nandito ka naging masaya ulit ako you maid me very happy" naka ngiting sabi niya.
Umiwas ako ng tingin kasi baka ma rape ko to ng wala sa oras hayop.
"Ako nga eh inlove sayo" sabi ko ng pabulong.
"Narinig ko yun at ako din naman" natulala ako sa sinabi niya ito bayung sinasabi nilang love at short period of time gaga talandi mo Savanah.
"Pwede namang bisitahin mo ako sa pilipinas diba" diko alam kong bakit ako naluluha ngayon basta fineel ko lang yung moment at gusto ko din siyang yakapin.
"I'll try I wish na kasama nalang kita parati" naka ngiting sabi niya.
"Edi pumunta ka sa pilipinas tas ligawan mo-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla niya akong hinalikan.
"Sana ganito nalang tayo parati but" hindi na niya natapos ang sasabihin niya kasi niyakap nalang niya ako bigla
"It's okay" sabi ko sa kanya at niyakap din siya alam kong isang lingo palang kami nagkakilala pero follow your heart eh nahulog nako.
Matapos ang gabing yun hinatid niya ako sa hotel ko hinalikan niya pa ako sa noo bago ako pumasok sa loob at sinabi pa niyang 'I'll meet you in your dream'
Ngayong araw na ang uwi ko sa pilipinas pero dadaan muna ako sa apartment ni Luis kasi gusto ko siya mag hatid sakin sa airport kumatok ako pero walang bumukas pero hindi parin ako sumuko kumatok ako ulit at biglang lumabas ang mid fourty na babae.
"Hi po ako po si Sav kaibigan ni Luis" kaibigan nalang ang sinabi ko kasi diko pa naman alam kong ano ba talaga kami.
"Kaibigan ka pala ng anak ko bakit hindi kita nakita sa burol niya one year ago" para akong binubusan ng yelo sa narinig ko hindi ko alam kung ulol ako o ulol tong kausap ko.
"Po diko po kayo ma gets" naguguluhan kong tanong.
"Namatay si Luis nasagasaan siya habang papunta sa Luxembourg Garden noon favorite place niya kasi yun" naka ngiting may lungkot sa matang sabi ng ali.
Diko mapigilan ang pag bagsak ng luha ko sobrang sakit, napaka sakit malaman na namatay na pala yung lalaking nagpapasaya sayo.
Yes I'm just one week in paris alone, But the soul of luis makes me happy on my one week trip.
End.
________
Writen by: Solene
Galing nman po parang nagbabasa ako ng pocketbook hehe keep on writing lang po..