read.cash Log in
S@Skyram

Paborito kung bumiyahe kahit saan. Para mawaglit kahit saglit ang mga alaala ng kahapon. Na nagbibigay lamat sa sulok ng aking pagkatao. Sa pagsiksik sa sarili sa yakap ng kalikasan maramdaman na hindi ka nag-iisa. Andiyan ang haplos ng hangin na minsan may dalang ulan. Dumampi sa labi ang tubig na dala ng bukal. Nakiligo sa batis dahil walang tubig sa lansangan. Andiyan lagi ang Inang Kalikasan naging kanlungan sa pusong hinagupit at sugatan. Makalingap na kamay na handang umampon. Nasa isip ko lagi sa kanya ako sisilong. Wala kang marinig kundi mahinang sipol ng hangin sa talampas ng bangin. Nakaharap sa dagat na handang kumalinga at magbanlaw. Sa damdaming sa tubig alat ay uhaw. Doon maipagpag ang pangulila sa kalinga. Si Inang Kalikasan lang talaga ang may pusong maaruga.

11 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.