Naranasan mo rin ba?[YEAR 2020]
This is a poem originally written by yours truly, during lockdown. This is based on my experiences and observations as well in the year 2020 where there was a lockdown and at the same time binuksan ang taong panuruan 2022-2021. PS: it is written in FILIPINO LANGUAGE, I hope you will read and appreciate it. I will publish also the English version of it soon. Thank you! July 14, 2021 11:29am Ang buhay ng tao ay parang nobela Nahahati sa mga kabanata Bawat taon ay may bagong istorya at sa bawat istorya ay may lungkot at saya Taong 2020, binago niya ang lahat Ito ang taon kung saan sinubok ang katatagan ng marami sa atin Maraming nawawalan na ng pag-asa Hindi na alam kung saan kukuha ng lakas para magpatuloy pa maraming mga tanong sa isip at marami ring nakadama ng takot at pagkadismaya.
**Isa ka ba sa kanila?** araw-araw nilalamon ng pangamba kung kakayanin pa, kung magpatuloy pa ba, dahil nakakapagod na ng sobra Sa tuwing gigising sa umaga wala na ang tuwa sa mga dating ginagawa parang ang hirap nang hanapin ng saya hindi naman sa tinatamad ka ngunit hindi makahugot ng lakas kung papaano sisimulan ang lakad bakit sa bawat pag hakbang ay may takot at pangamba bakit sobra naman ata ang kaba Pilit na bumabangon pero bakit parang may humihila pabalik sa madilim na sulok na nakasanayan na nga atang kasama Pinipilit namang kumawala, pero bakit ang bigat, bakit ang hirap hindi makita, hindi masilayan, unti-unti nang nabibitawan ang salitang PAGLABAN.
Parang humihinto ang mundo, hindi na alam kung saan patungo, saan dadako? hanggang sa maligaw nanaman ako Nasaan na nga ba ang daan? wala na bang paraan? Parang isang kandilang unti-unting nauupos, liwanag nito'y unti-unti ring nauubos. kailangan pigilan ang pagpatak ng kandilang ito, na kumakatawan sa mga luha ko
Hindi maaaring marinig ng iba, ang hikbi at iyak, dahil sanay silang nasisilayan ang matamis na guhit ng aking mga labi: ang ngiti, ang tawa, ang saya **GANOON NILA AKO NAKILALA...** Hindi maaaring makita nila ang malakas na "AKO" na ngayon ay nanghihina tinatangay nanaman ang isip ng malakas na alon hindi nanaman alam pa'no aahon nalunod nanaman sa kalungkutan 'di nanaman alam pa'no lalaban nandito nanaman ang isip ko bumubuo nanaman ng sariling mundo hindi nanaman alam saan huhugot ng lakas hindi alam paano tatakas **WAKAS!**
**END THOUGHT** Always find time to talk to your loved ones, you don't know what they're going through everyday and the word "hello" "how are you" really means a lot to them. Because **DEPRESSION HAS NO FACE!** I read the publish article of @TengoLoTodo it is mentioned there that he is struggling with depression and I hope and Pray that you will cope with it. God will protect you. Thank you as always to my very kind sponsors @TengoLoTodo @Bloghound @OfficialGamboaLikeUs God bless you and your family ❤️❤️❤️ Yours Truly❤️ --Sirpogs
14 comments
Kailangan ko to today, kapatid. Minsan, nakakalimutan natin.
Mahalaga talaga ang salitang COMO ESTAS (Kumusta). Sana parati nating banggitin sa kanila.
kumusta ka naman, sirpogs? mixed spanish pala po ako. como estas, mi amigo?
Nasa mabuting kalagayan naman na po. Paunti-unti nilalagpasan 'yong mga pagbabagong dala ng pandemya.
that's amazing!
I wrote a poem about this pandemic and how I thought that I need to keep going sa kabila ng mga nangyayari. Just want to share it here. Hope you don't mind. :) Laban lang tayo! :) **"PANDEMYA"** Sa hindi inaasahang pagkakataon Halos ang lahat ay nakulong ng isang taon Nakulong ng walang kasalanan Sapagkat ang pandemya ang dahilan Ngayong pandemya, samo't sari ang nadarama Ang lahat ay nangangamba Nangangamba na baka mahawa At kumalat sa buong pamilya Araw araw ay namomroblema Ang hiling sana ay matapos na Sapagkat ang sinasabing new normal Ay hindi na kinakaya pa ng mag-aaral Mag-aaral na hindi na alam ang gagawin Hindi alam kung ano ang uunahin Pamilya, pandemya o pag-aaral ang iisipin Ngunit sa kabila ng mga ito ay kakayanin Para sa pangarap, ang nasimulan ay tatapusin.
Mahusay kapatid. Iba ang nagagawa ng pagsusulat sa buhay ng tao, sa pamamagitan nito nailalabas natin 'yong mga nais nating isuko, upang makapag adjust din tayo. PATULOY NA SUMULAT PARA MAGPAMULAT. LABAN sa buhay at sa Pangarap
Yes. That's what we need! At maging matatag tayo. 💚
"araw-araw nilalamon ng pangamba kung kakayanin pa, kung magpatuloy pa ba, dahil nakakapagod na ng sobra" that's me, idk kung tutuloy paba ako sa araw-araw, I can't find my happiness for the last few days, pakiramdam ko nasabilangguan ako na di ako magawang suportahan ng mga taong malapit saakin. Idk myself anymore HAHAHAHA, wala akong idea kung pinipilitko nalang ba sarili kong tumayo araw-araw para salubungin ang bagong bukas, napapagod ako. Idk what is happiness anymore, idk myself...idk anything about my feelings and emotions anymore. It feels like na I'm waiting sa isang bagay and also idk what kind of thing it is. I wrote a poem about sa nararamdaman ko, lalagay ko dito sana okay lang sayo sir. "Sa lugar kung saan ay daig pa ang bilangguan, Andito ako nakaupo at inaalala ang nakaraan hinahanap ang pagmamahal ng magulang, suporta ng mga tao saaking kapaligiran. Pero tila'y isang papel na bangka ang aking sinasakyan, na dahan-dahang nababasa gaya ng aking mga unan. Ang luha'y tumutulo nanaman, Hindi ko malaman kung saan ang kasiyahan ay muli kong matatagpuan. Pero laging isang katanugan ang meron saaking isipan, Ano ba ang misyon ko sa mundo na aking ginagalawan? Dahil pahinga ay hinahanap ng aking katawan, at napapagod na ako....magpatuloy sa daan ng aking kinabukasan"
Mahusay po 'yong pagkakagawa ng Tula. Minsan talaga sa buhay natin nararamdaman at nararanasan nating wala tayong karamay, ganoon paman piliin nating magpatuloy parati. Ang nakakatuwa dito ay nakahahanap tayo ng sandigan para unti-unting iwaksi yong mga negatibong nararamdaman katulad na lamang ng pagsulat. Dito maihahayag natin lagat ng guato nating sabihin na somehow nakatutulong ma relieve yong stress natin.
oo sir, nagiisip ako if gagawa bako ng article na base rin sa nararamdaman ko.
mas maganda, may paghuhugutan.
Isa ako sa dyan , araw araw halos di ko na alam ang aking gagawin, ang aking pakiramdam ay wala ng saysay ang aking buhay dahil hindi ako matulong sa aking pamilya , pero hindi ako sumusuko lahat ng lungkot pangangamba ay dinadaan ko nalang sa sulat at binabahagi ko dito sa readcash. Hanggat may pag asa malalampasan lahat ng ito.
Hanggat may buHAY at humihinga BUhay rin ang Pag-asa