Isda [Education System]

0 22
Avatar for Sirpogs
3 years ago

Likha ni:

Sirpogs

09/26/21

https://www.google.com/amp/s/www.nurikhwan.com/amp/2018/10/01/the-case-of-fish-climbing-the-tree-our-contribution-to-society-is-to-find-and-learn-the-s

Sa lahat ng babasa nito isang mapagpalayang araw sa inyo, sisimulan ko ang sulating ito sa pamamagitan ng gasgas na tanong na ito, na binibigyan naman lagi ng gasgas na kasagutan;

  • Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng edukasyon?

Bilang studyante ang pangunahing mithiin natin sa buhay ay ang makapagtapos ng pag-aaral, may iba't iba tayong hangarin, kakayahan, pangangailangan, pangarap, kapasidad, at utak, pero bakit?, bakit kapag 'di mo alam ang pangalan ng bayani, taon, buwan, araw ng kanyang kapanganakan at pagkamatay at wala kang naisagot sa isang pagsusulit ay bagsak kana, at ang malupit pa natatakot ka kasi iniisip mo na parang ikaw 'yong estudyanteng walang alam, kasi kadalasan sa mga pagsusulit ganito ang sistema, 'yong tipong kailangang magsunog ng kilay at 'di nalang matulog sa gabi para magkabisado ng mga salita at numero, na pagkatapos ng pagsusulit ay nakakalimutan din naman.

Paano naman 'yong mahihina 'yong memorya, ano kaya ang isasagot nila?, puro nalang ba ganyan?, walang sustansya. Edukasyon pabang matatawag, o tila baga pagpupumilit nalang para makapasa, para mataas ang grado dahil ito na ang nag didikta. Ito ang idinidikta ng Lipunan.

Dahil kapag mababa ang grado mo patapon ka, mas masakit pa 'yong masabihang "bobo" ka. Yan mismong mga salita ang ibabato sa'yo at iyan ang depinisyon nila sa iyo, 'yang salita na maririnig natin sa mga taong mapangmata. Yong mga taong hindi alam kung ano ngaba ang tunay na ikaw.

Dahil ang sukatan, kailangan pagkatapos ng School Year may medalya ka. pero, 'yan ngaba talaga? Isa pa, nakikiramay ako sa mga pangarap na napatay dahil sa maling paniniwalang nakatanim sa utak ng bawat isa, na, mag engineering ka, accountancy, abogasya at iba pa, kunin mo 'yong kursong sikat, 'yong kursong angat, mataas ang sahod at yayaman ka, 'yong tinatawag na "Globally Competitive"kuno, ang sarap pakinggan diba?, hindi ko sinasabing masama ang kumuha ng kursong ito pero sana kapag kukuha kayo nito ito talaga 'yong gusto n'yo, ito talaga 'yong gusto n'yong maging trabaho, ito talaga 'yong gusto ng puso at isip n'yo at hindi gusto ng mga taong nasa paligid niyo.

Minsan ba natanong n'yo na bakit ito ang lagi nating gustong kunin at pinag-aaralan? Bakit kung ano pa 'yong asignaturang magtuturo sa atin ng tamang pag-uugali, 'yong magtutuwid ng baluktot na paniniwala, 'yon pa ang binabalewala, o 'di kaya naman, baka siguro takot lang sila, baka kasi mamulat tayo sa katotohanan.

Sining at musika isa din sa mga binabalewala, baka nga dito pa mas magaling ang mga isdang pilit n'yong pinapaakyat sa puno.

Sandali may tanong ako...naranasan n'yo rin ba 'yong mga tanungang ganito...,Sir kasama ba sa exam to?, (tapos isusulat sa notebook), Sir ano po Coverage ng exam?, wala namang problema, pero wala ngaba? kasi ganito nanaman ulit ang magiging sistema, ikaw si masipag gagawa ng reviewer, kakabisaduhin (keyword lang sapat na). e pano nga si Isda na mahina ang memorya?.

Ganito naba ang sistema ng edukasyon natin ngayon, makapasa lang okay na'yan, makapagtapos lang sapat na, makasama sa may karangalan (Congratulations), ang tanong may natutuhan?, sabihin nating meron, nagamit ba sa realidad ng buhay?, kasi MARAMING MATATALINO PERO TAKOT NAMAN SA MUNDO.

Pwede bang sabihin natin kapag may nagtanong sa'tin ng ganito...Sir, saan po matatagpuan 'yong Paaralan na may kursong Engineering o 'di kaya Law?, tapos sasagot ka ng ganito, simula dito kapag naka Isang metro kana, kumanan ka ng 90 degrees, times four, divided by five, doon mo makikita ang hinahanap mo..ikaw na matalino, pero nag-isip ka ngaba? pano kung 'yong nagtanong sa'yo ay isang Isda na sa tubig lang malakas at sa lupa ay mahina, alam kong alam mo ang tinutukoy ko.

Ito naba ang edukasyong pinagmamalaki mo?, na ang natatanging trabaho ay ang malalaki ang sweldo, sarap sa tainga no? Ito naba ang edukasyong pinagmamalaki mo? na parang nakapako tayo sa maling sistema na wala kang pagpipilian, sistema na gawa ng gobyerno na wala namang alam sa pagtuturo, dahil sa tingin nila ang papel ang susukat sa pagkatao mo, pero mali, mali ang ganoong konsepto, tandaan mo na sabi ng sikolohiya, 10 porsiyento lamang ang pumapasok sa ating utak galing sa mga natutuhan sa paaralan, kaya't kung iniisip mong ang bobo mo, tapos sila ang talino, tandaang hindi 'yan ang sukatan ng pagkatao, tamang diskarte at mabuting pag-uugali parin ang pinakamahalagang katangiang dapat taglay natin.

Sa mundong pipilitin nalang ng isdang makipagsabayan, para daw may diplomang panghawakan, sa mundong 'di mo tiyak kung ano ang tama at mali, saan ka ngaba lulugar?

https://www.writeabout.com/2015/10/what-does-einsteins-quote-mean/

Tatapusin ko ang sulating ito sa katagang ito ni Albert Einstein...

"Everybody is a genius. But if you judge a fish by its ability to climb a tree, it will live its whole life believing that it is stupid"

WE WANT CHANGE

Sirpogs

09/26/21

Sponsors of Sirpogs
empty
empty
empty

2
$ 0.05
$ 0.05 from @bmjc98
Sponsors of Sirpogs
empty
empty
empty
Avatar for Sirpogs
3 years ago

Comments