Ang Internalisasyon AT EPEKTO NG GLOBALISASYON ng Kilusang Minorya ng mga Pangkat Etniko sa Pilipinas
Ang isang hamon ng globalisasyong nagaganap sa larangan ng ekonomiya para sa iba't ibang lipunan o bayan ay kung paano mapapanatili at lalo pang maitataguyod ang kani-kanilang pambansang identidad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng nasabing globalisasyon, tulad halimbawa ng mga pagbabagong dulot ng mga makabagong teknolohiya, sa kani-kanilang mga kultura o pangkalahatang pamamaraan ng pamumuhay (Mabaquio 2007).
Dahil sa patuloy na paghahanap ng tinatawag na Self-determination, maraming nabubuong groupo sa lahat ng panig ng bansa na tumataliwas sa pamahalaan. Tulad ng nabanggit ang globalisasyon ay nagkaroon ng malawakang epekto, isa nga sa mga natamaan nito ang mga Ethnic Minorities bilang tuon ng talakay sa papel na ito. Lubos na nakaapekto ito sa kani-kanilang pinangangalagaang kultura sapagkat kailangan nilang sumunod sa kultura ng ibang bansa na nakatataas sa kanilang organisasyon, dahil ang kahingian ng Globalisasyon sa mga pagkilos na isinasagawa ng mga pangkat na ito ay ang makipag-ugnayan sa maraming pangkat sa iba't ibang dako ng bansa upang makatayo ang bawat groupo at organisasyon nito at makakuha ng suporta ng bawat isa.
Isa ang grupo ng mga Abu Sayyaf sa halimbawa ng pagkakaroon ng Internationalization ng Ethnic Minority Movement kung saan dahil sa suporta ng iba't ibang Organisasyon sa iba't ibang dako ng bansa nagagawa nitong kumilos laban sa pamahalaan , magsagawa ng mga hindi kanais nais na mga pagkilos, katulad halimbawa ng "Kidnap for ransom". Isa ang Pilipinas sa mga bansang mayroong mga kilusan, dahil sa pagkakaroon din nito ng maraming pangkat etniko na may kanya-kanyang kulturang pinangangalagaan.
Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming pangkat na mayroon ding kanya-kanyang uri ng pamumuhay, kultura, at tradisyon higit lalo ng uri ng wikang sinasalita, noong taong 2000 nakapagtala ng 151 na linggwaheng sinasalita ng 76, 498,735 na mga Pilipino (Castro) hindi nakakapagtaka ang ganitong bilang sapagkat malinaw na ang Pilipinas ay mayroong makasaysayang pangyayari na isa sa mga dahilan kung bakit nabuo ang pagkakaiba-iba ng kultura ng mga ito. Sa pag-aaral ni Castro sinasabing mayroong dalawang kategorya ang mga pangkat etniko sa bansa: Una ay ang ang tinatawag ethnic minorities na binubuo ng mga Non-Christian, Minor Christian na pangkat, Non-Muslim Tribes at Islamized na pangkat na may kabuoang 13.4 na porsyento na populasyon, sila ang matagumpay na hindi nasakop ng maghari ang kolonyalismo sa bansa at napanatili ang kanilang kultura, sa kabilang banda mayroon namang tinatawag na Ethnic Majority na pangkat na binubuo ng walong malalaking probinsya na siya namang matagumpay na nasakop ng mga kolonyalismo sa Pilipinas at nakuha nito ang mga kanluraning kultura , ito ay ang Waray, Sugbuhanon, Iloko, Hiligaynon, Bikol, Kapampangan, Pangasinense at Tagalog ito ang mga lugar na nakaranas ng mga madudugong labanan laban sa mga mananakop, binubuo ito ng 86.6 na porsyentong populasyon (Comia 1985:272).
Ang Ethnic Minorities ay nahahati pa sa tatlong groupo; ang Minor Christian Group, Tradionally Non-Christian, Non-Muslim at Muslim Group, ang Minor Christian Group ay sinasabing mga kristiyano ngunit maliit na uri ng pangkat at unti lamang ang populasyon na kinabibilangan ng Itbayat at Ibatan sa Batanes at Isla ng Babuyan sa hilagang Luzon, Isinay, Itawes, Gaddang Kalinga, Malawey, Paranan at Yogad sa Cagayan Valley ng hilagang silangan ng Luzon, Sambal sa kanlurang bahagi ng Luzon, Ayta ng gitnang Luzon, Cuyonen ng Palawan, aklanon, Antiqueño, Buholano, Bukidnon, Kiray-a, Masbateño, Rombloanon at Sulodng Gitnang bahagi ng Isla ng Pilipinas, Chavacano, Davaoeño at Surigaonon ng Mindanao na may labuuang bilang ng populasyon na 2.9% ng Populasyon sa Pilipinas. Ang mga Non-Christian Non Muslim na pangkat ay binubuo ng mga taong nakatira sa probinsya ng Aplay, Bago, Bontok, Ibaloy, Ifugao, Isnag (Apayao), I'wak, Kalanguya (ikalahan), Kalinga at Kankanaey ng Cordillera, sa Hilaga ng Gitnang bahagi ng Luzon, Ayta at Ilongot (Bugkalot) ng hilagang silangan na bahagi ng Luzon, Alangan, Bungon, Buhid, Batangan, Gubatnon, Hanunuo, Mangyan, Iraya, Ratgnon, at Taobuid ng Isla ng Mindoro, Batak, Ke-ney, Palaw'an at Tao't Bato sa Isla ng Palawan, Ati ng Bisaya, Bagobo , Bukidnon, Hiligaynon, Mamanwa, Manobo, Matigsalug, Subanen, Talaandig, T'boli, Tiduray at Ubo ng Mindanao. Sa kabuuan mayroong tinatayang 6.9% ang kabuuang bilang ng populasyon nito sa Pilipinas. Muslim Group matatagpuan ang pangkat na ito sa Isla ng Mindanao na kinabibilangan ng pangkat ng mga Badjao, Iranun, Jama, Mapun, Maguindanaon, Melebuganon (kalibugan or Molbog), Meranao, Palawani, Sama, Tausug at Yakan na may 4.6% na kabuuang bilang ng populasyon (2000 Census of Population and Housing).
Taong 1997 ipinasa ang Indigenous People Right Act (IPRA) na nagpasailalim sa Non-Christian, Minor Christian at Non-Muslim na pangkat sa katergoryang "Indigenous Peoples", ito ang Republic Act No. 8371, "AN ACT TO RECOGNIZE, PROTECT AND PROMOTE THE RIGHTS OF INDIGENOUS CULTURAL COMMUNITIES/INDIGENOUS PEOPLES, CREATING A NATIONAL COMMISSION ON INDIGENOUS PEOPLES, ESTABLISHING IMPLEMENTING MECHANISMS, APPROPRIATING FUNDS THEREFOR, AND FOR OTHER PURPOSES", marami ang naitayong organisasyon at kilusan sa mga pangkat ng minorities, ngunit dalawang groupo ang lalong nahirapan sa pagkilala sa sarili o (self-determination) iyon ay pangkat ng Cordillera at Bangsamoro. Ang malaking bahagdan ng Cordillera Central Mountains sa Gitnang bahagi ng Luzon ay ang tirahan ng mga maliliit na pangkat Etniko na tinatawag na Cordillerans, taong 1988 naitayo ang Cordillera Administrative Region (CAR) na lugar na ito na binuo ng anim na Probinsya ang Benguet, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, Abra at Apayao, na hindi nagkaroon ng pag-unlad sapagkat itinuturing lamang na resources area ng mga kalapit na lugar nito katulad ng Ilokos.
Upang matamo ang tinatawag na Self-determination nag tayo ang Communist Party of the Philippines (CPP) ng Pan-Cordillera Movement, at taong 1974 nagmungkahi ang CPP ng bagong samahan na tinatawag na Igorot Liberation Army, sa kadahilanang hindi nila nakikita na kasama sila sa Pilipino Nation (Castro 1987:27), ngunit hindi inaprobahan ng Leadership of the Communiat Movement. Taong 1981 sinikap ng CPP na itayo ang Cordillera People's Democratic Front (CPDF), na may layong kuhain ang loob ng mga Cordilleran at MNLF upang umanib sa kanila at matamo ang ipinaglalaban sa Self-determination. Cordilleran People Liberatin Army (CPLA) ay isa ring groupo na nakaranas ng diskriminasyon, ngunit nagkaroon ng impluwensya sa mga nag-aalsa laban sa gobyerno.
Samanatala itinuturing na ilaw ng mga pag-aalsa ang CPA sapagkat ito ang nangunguna sa protesta laban sa maraming proyektong itinatayo sa Cordillera na makaaapekto sa maraming katutubo roon. Isa ngang halimbawa nito ay ang pagpigil sa pagpapatayo sa San Roque Multi Purpose Plant (SRMP, Hydropower at irigation dam na kapag natapos ay siyang pinakamalaking dam sa buong Southeast Asia. Tagumpay na naipatayo ang dam at hindi ito napigilan ng mga taga Cordilleran. Ang San Roque Dam, na pinamamahalaan sa ilalim ng San Roque Multipurpose Project (SRMP) ay may 200-metro ang taas, 1.2 kilometrong haba ng dam ng embankment sa Agno River. Ito ang pinakamalaking dam sa Pilipinas at labing-anim na pinakamalaking dam sa buong mundo. Sinasaklaw nito ang mga munisipalidad ng San Manuel at San Nicolas, Pangasinan, Itogon Benguet at halos 200 km sa hilaga ng Metro Manila. Sa kabilang banda ang hirap na kinakaharap ng mga Bangsamoro ay doble, sinasabing hindi raw sila kasama sa Philippine nation state at sila ay Bangsamoro nation, taong 1968 nagtatag ang Maguindanao Lider ng isang groupo na tinatawag na Mindanao Independence Movement, ngunit agad mabuwag matapos mahikayat ng gobyerno ang lider nito, ngunit pumasok nanaman ang panibagong groupo na itinatag ng Meranao Datu, nagpadala sila ng 90 na kabataan upang sumabak sa Military training sa Sabah. Sa groupong ito kinuha at pinili ang mga Lider ng MNLF na nagrerepresenta ng talong malalaking muslim na pangkat ng Mindanao ang Maguindanao, Meranao at Tausug.
Taong 1974-1976 ay nagkaroon ng madugong labanan ng mga MNLF at Philippine Military. Ang Labanan ng Jolo, na tinukoy din bilang Pagsunog ng Jolo o si Siege ng Jolo, ay isang komprontasyong militar sa pagitan ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Pamahalaan ng Pilipinas noong Pebrero 1974 sa munisipalidad ng Jolo, sa timog Pilipinas. Sa una ay pinamamahalaang ng MNLF Forces na kontrolin ang munisipalidad, maliban sa paliparan at isang katabing kampo ng militar. Ang Puwersa ng Pamahalaan na pinamumunuan ng 14th Infantry Battalion ay nakontrol ang bayan. Ang US Militar ay naiulat din na lumahok ayon sa parehong mga opisyal ng gobyerno at MNLF. Maraming namatay at nawalan ng tirahan. 1976 maraming labanan ang naganap dahil sa MNLF, MILF, MNLF Lost Command Pentagon Group at Abbu Sayyaf. Natigil lamang ang Mindanao War matapos piramahan ang Tripoli Agreement sa pagitan ng Philippine Military at MNLF.
Sa pamamagitan ng Libya, ang MNLF at ang gobyerno ng Pilipinas ay nilagdaan ang Tripoli Agreement noong Disyembre 23, 1976. Ang kasunduang ito ay magtatag ng isang autonomous na rehiyon na kasama ang Basilan, Sulu, Palawan, at iba pang mga lugar sa timog Pilipinas, at magkaroon ng sariling awtoridad sa mga larangan tulad ng dayuhang patakaran, pagtatanggol, edukasyon, korte, at pananalapi sa pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng iminungkahing autonomous na pamahalaan.Gayunpaman, habang nais ng MNLF na ipatupad ni Pangulong Marcos ang kasunduan sa pamamagitan ng ehekutibo, isinumite ni Marcos ang kasunduan sa isang reperendum sa loob ng mga lalawigan na magsasama ng bagong awtonomiya sa rehiyon. Ngunit ibang rehiyon lamang ang napabilang sa agreement ba iyon kaya sa taon ding iyon nagtatag ng bagong samahan si Hashim Salamat na tinawag na Moro Islamis Liberation Front (MILF). 1991 Nagsagawa ng Plebiscite sa Mindanao at naitayo ang ARMM Autonomous Region in Muslim Mindanao at naging daan upang magkaroon ng ceasefire agreement. Naging Gobernador ng ARMM ang MNLF Chairman na si Nur Misuari.
Samanatala malaki ang epekto ng Globalisasyon sa pangkat ng Cordilleran People's Movement dahil wala nang solid na sumusuporta sa kanilang hanay dahil ang Communist Party of the Philippines (CPP) na itinuturing nilang malaking sandigan ay humiwalay sa International Communist Movement, samantala ang Cordillera People's Alliance (CPA) ay hindi sumunod na bumuwag sa samahan ng Internasyonal na samahan, nagsasagawa ito ng mga International Solidarity Conferences sa Baguio City na dinadaluhan ng mga Etnikong samahan galing sa iba't ibang bansa. Dahil sa suporta ng Arab at Islamic community sa Bangsamoro ay naging dahilan din ito ng pagbago sa mga kultura at tradisyonal na gawain nito, isa rito ang Tradisyonal na pagoda shaped na mga mosque na naging domed shaped kapareho sa Arab Peninsula. Samantala ang mga Meranao na babae sa Marawi City na gumagamit ng tradisyonal malong (tubular skirt) na kita ang kanilang balikat ay nagsusuot na ng purda na bumabalot sa kanilang mukha maliban sa mata nito. Sa panahon ngayon terrorista o hindi kailangan nilang makipag-ugnayan sa ibang ethnic based movement para makakuha ng suporta at makakilos ang kani-kanilang samahan.
Reperensya:
Republic Act No. 8371.
CD Asia Legislature, Republic Acts.
www.officialgazette.gov.ph/1997/10/29/republic-act-no-8371/.
Accessed 11 June 2020.
Monkbot.
San Roque Dam (Philippines): en.m.wikipedia.org/wiki/San_Roque_Dam_(Philippines).
Archieved on 2010-06-23. Accessed 2020 06-11.
Battle of Jolo 1974.
Wikipedia. en.m.wikipedia.org/wiki/Battle_of_Jolo_(1974).
Accessed 11 June 2020.
Mapping Militant Organizations.
Moro National Liberation Front. stanford.edu/group/mappingmilitants/
cgi-bin/groups/print_view/379. Accessed 11 June 2020
Mabacquioa Jr, Napoleon.
Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang Pilipino: PHILIPPINE E-JOURNAL,
vol.19 no. 3 (2007). ejournals.ph/article.php?id=7900. Accessed 13 June 2020.
https://gabay.ph/ano-ang-globalisasyon-kasysayan-epekto-anyo/
kababalik dito sa read.cash, bunga ng matagal na pagkawala alam kong higit na kailangan kong iangat ang aking sarili sa larang ng pagsulat upang sa ganooy makahikayat at makakuha ako ng tiwala ng iba pang mga gumagamit ng platapormang ito.
Welcome back to me!
Sirpogs
10:52pm
09/21/21