Manila Film Center

0 27

Noong Nobyembre 17, 1981, bandang 3 a.m., ang kisame ng scaffolding ng film center, na minadaling ipinatayo ni Imelda Marcos, ay bumagsak na naging sanhi ng pagkahulog ng mga manggagawa sa konstruksyon sa malambot na konkreto sa ibaba. Ang sabi-sabi ay may bilang na isang daan animnapu't siyam na manggagawa ang nahulog sa basa at mabilis na matuyong semento, ang iba pa ay kalahating nailibing, ang iba naman ay lubos na natabunan ng buhay.

Isang kahanga-hangang gusali na idinisenyo upang magmukhang Greek Parthenon, ang Manila Film Center ay naging pangunahing karibal sana ng Cannes noong 1982. Sa kasamaang palad, hindi ito nakarating doon at sa halip, naging isang libingan para sa napabalitang numerong 169 na katao.

Noong 80s, si Imelda Marcos, ang asawa ng diktador ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos, ay kilala sa mundo dahil sa kaniyang marangyang pamumuhay habang ang populasyon ay naghihinagpis sa kahirapan at gutom. Siya ay gumagastos ng $40,000 sa isang solo shopping spree at nagpagawa ng mga gintong pocket mirror na may kanyang pangalan at pinagsama sa mga diyamante. Sa oras na iyon, itinuturing siyang pinakamayaman sa buong mundo, at hindi siya natatakot na ipakita ito. Matapos maglakbay sa mundo na napapaligiran ng mga kilalang tao at luho, nakaisip si Imelda ng ideya ng pagbuo ng pinakadakilang film center. Nais niyang lumampas ang Maynila sa Cannes at nang walang panghihinayang, inaprubahan niya ang labis na badyet (sa panahon na iyon) na $25 milyon para sa Manila Film Center. Nais niya na ang film center ay magmukhang katulad ng Greek Parthenon. Mayroon siyang 4000 manggagawa na nagtatrabaho sa buong oras upang matapos ang napakalaking konstruksyon sa takdang panahon na ibinigay rito, noong Enero 1982.

Tulad ng iniisip ng iba noon, ang ganito kalaking proyekto ay imposibleng matapos kaagad sa maikling oras. Bilang isang resulta, maraming mga sulok ang pinutol at noong gabi ng ika-17 ng Nobyembre, alas-tres ng umaga ay sumalampak ang trahedya. Ang scaffold sa ibabaw ay bumagsak, at ang lahat ng manggagawa ay nahulog sa basang semento. Nang mabalitaan ni Imelda ang tungkol sa trahedya at napagtanto niya na kakailanganin ng maraming oras upang makuha ang mga katawan at mga manggagawa mula sa matigas na semento, inutusan niya si Betty Benitez, ang asawa ni Assistant Minister Jose Conrado Benitez, na nasa lugar na iyon, na magbuhos na lamang ng mas maraming semento sa ibabaw ng mga ito.

Ipinagbawal niya ang press mula sa paglapit sa site ng trahedya, at ipinagbawal din niya ang mga ambulansya at medical support sa loob ng siyam na oras. Nang pinayagan na ang medical workers sa pagpasok sa site, wala na silang nakita pang buhay. Ang ilang mga tao ay naniniwalang marami sa mga manggagawa na nahulog sa basang semento ay nailibing nang buhay.

$

Want some more...??

Don't forget to...

Like...

Comment...

Subscribe...!

Thank you...!😘😘😘

1
$ 0.00
Sponsors of Sirciram
empty
empty
empty

Comments