First time mother
Noong akoy nag aaral pa, Ang laging nasa isip ko ay, kailangan makapasa ako sa pag aaral, at kailangan makatapos ako NG pag-aaral para makahanap na magandang trabaho, para ako Naman Ang tutulong sa aking mga magulang.
Oo naiisip ko minsan Kung sino ba Ang mapapangasawa ko, kung anong edad ba ko makakapag asawa, o Kung Ilan Kaya Ang magiging anak ko... Naalala ko noon nung akoy naging first time tita... sobrang nakakamangha na makakita ng baby... habang tinititigan ko Yung baby andaming pumapasok sa isip ko tulad NG "paano Kaya to nabuo? Ang cute NG mga kamay at paa anliliit... Naging ganito din ako eh.., ano Kaya magiging kapalaran NG baby na to, Ako Kaya kailan mag kaka baby..?" At iniisip ko Yung taong gusto kong makasama habang buhay. Habang lumalaki Ang aking aking pamangkin ay kami ng mga kapatid ko minsan ay taga alaga at taga bantay at sobrang natutuwa kami dahil Ito Ang una naming pamangkin... Ang bago naming pamilya na makakasama namin sa araw-araw...
Sa buhay ay sadyang may dumadating sa atin na pag subok, tulad ng iibig ka ng wala sa plano o oras... Nakapagtapos Naman ako at nakapagtrabaho, at nakapag asawa.
Ikinasal ako noon Hindi ko Alam na akoy buntis na pala, NG 3buwan dahil nakakaramdam na ako NG tinatawag na morning sickness at dahil diyan ay ako ay nag pa check up at doon ko NGA malaman na akoy buntis na, tuwang tuwang Ang aking asawa at naglulundag sa sobrang kasiyahan..Habang akoy nagbubuntis kami ay namili na NG mga gamit na Pang baby, ako ako ay nagpa ultra sound na din at Ito ay isang lalaki.
Noong July 3, 2008 8am akoy naglalaba NG mga baru baruan, akoy nakaramdam na NG pananakit NG tiyan, at agad agad na kaming nagpunta NG lying in kasama Ang aking asawa,at pag dating doon ay pinaglakad lakad pa ako NG midwife. Paulit ulit at pabalik balik Ang hilab NG aking tiyan hanggang sa pumutok na Ang aking panubigan, ay ipinahiga na ako at pinairi, at 9:50am na ipinanganak Ang aking panganay na si Zildjian. Sobrang saya Ang nararamdaman ko dahil meron na Naman kaming bagong pamilya at masaya dahil siya ay dinala ko NG 9 na buwan sa sinapupunan ay nandito na sa totoong mundo at handa na siyang alagaan.
Mahirap na masaya Ang maging first time mother, base sa aking naranasan mahirap dahil talagang kailangan mo mag adjust, Kung dati ay tulog mantika ka, maaga ka natutulog, ngayon ay kailangan mong maging tulog manok dahil madalas nagigising sa madaling araw Ang mga baby, kailangan gising ka din, kailangan mababaw Lang Ang tulog mo. Ibang Iba na kapag may baby ka na dahil Hindi mo na magagawang maupo Lang at manood NG tv.,dahil may baby ka na dapat mong alagaan.
Ang aking baby ay tulog sa umaga at gising sa Gabi,Naalala ko noon may oras na lagi siyang umiiyak sa madaling araw kahit kargahin ay umiiyak pa din Hindi ko Alam Kung ano Ang aking gagawin, Kaya salitan kami NG aking nanay sa pag hele.. sobrang nakakapuyat yon pero mas gusto ko pa din na Hindi siya umiiyak Kaya kina umagahan ay pinacheck up namin, at mayroon NGA siyang sakit bronchitis Ang kanyang sakit at binili namin Ang mga gamit na niteseta sa Amin ng doctor, at 1 week siya ay gumaling na. Masaya ako at gumaling siya at natutuwa ako nakakangiti at nakakahalakhak na Ang aking baby.
May time din Naman na sobrang kabado ako nung Nakita kong lumabas sa ilong Niya Ang gatas, kailangan pala na padighayin Ang baby pagkatapos dumede.
Sobrang saya ko dahil habang lumalaki Ang aking baby ay natututo na siyang magsalita kahit bulol kahit Isang word, Ang kanyang first word ay "ma". Lagi kaming nagpicture picture at Ang first birthday ay bongga.
Para sa mga first time mother ibigay nyo Lang lahat NG makakaya ninyong ibigay sa anak ninyo, pag-aaruga, pagmamahal, at pag poprotekta, Dahil bawat araw na dumadating kasama Ang bagong nating pamilya ay blessing na mula sa Diyos.
Kaya sa mga mother po...
Maligayang buwan NG mga Ina, mama, nanay, mommy..sa ating lahat..
God bless us..🤗❤️💕