Diplomat Hotel, Baguio

0 29

Ang kasalukuyang abandonadong hotel na ito na naitayo pa noong 1911 ay orihinal na seminaryo, naging paaralan, bago tuluyang naging hotel. Sa panahon ng World War II, ang mga madre at pari ay pinugutan ng ulo ng mga sundalong Hapon dito, na maaaring paliwanag kung bakit may nakikitang mga pugot na ulo ang mga bibisita rito. Ang mga iyak ng mga sanggol at bata ay madalas ding naririnig ng mga taong nakatira malapit sa lugar, lalo na sa bukal kung saan maraming bata ang pinaslang noon. Ang mga bombang napaulan sa istrakturang ito marami nang taong nakalipas ay naging dahilan kung bakit ito ay imposible nang mapabago.

Ngunit ito ay muling itinayo noong 1947 at 1973. Nakuha ito ng Diplomat Hotels, Inc. at ginawa nila itong hotel. Ang namamahala nito pagkatapos ay isang negosyante, psychic surgeon at espiritwal na manggagamot na si Tony Agpaoa. Mula noon, ito ay naging haven ng kanyang mga pasyente na karamihan ay nagmula sa ibang bansa at nanatili sila rito habang nagpapagaling.

Batay sa pananaliksik, mayroong isang insidente kung saan naganap ang sunog maraming taon na ang nakalilipas at maraming mga panauhing nanatili sa hotel ang nakulong sa loob at namatay. Ang isa sa mga caretaker din ay nagpatunay sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari — isang babae na dating nagtatrabaho rito bilang isang nars ay nagpakamatay raw sa pamamagitan ng pagtalon mula sa rooftop kung saan nakatayo ang krus.

Mula nang mamatay si Tony Agpaoa noong 1987, itinigil na ang pagpapatakbo sa hotel at pansamantalang isinara sa publiko. Idineklara ring itong off-limits sa mga bisita. Gayunpaman, ang mga tao na nakatira malapit dito ay madalas na nababalisa sa mga tunog na nagmula sa Dominican Hill tuwing gabi. Naririnig nila ang mga paghampas sa mga pintuan at bintana, kumakalansing na pinggan at tinig ng mga sumisigaw na tao na tila nagdudusa.

$

Like. Comment. Subscribe...!

Thank you...!😘😘😘

1
$ 0.00
Sponsors of Sirciram
empty
empty
empty

Comments