Ano ang mga dapat gawin kapag may Postpartum Despression?

4 16
Avatar for Sirciram
4 years ago

Kapag nagbubuntis ang babae nagbabago ang hormones nito, madalas hindi balanse lalo na kapag nanganak na. Ang estrogen at progesterone ay bigla-biglang bumabagsak at dahil dito naaapektohan ang chemical sa utak dahilan upang makaramdam ng mga sumusunod:

• Mabilis magalit

• Mabilis mairita

• Nakakadama ng pagkawalang halaga sa sarili

• Madaling magpanik

• Lubhang pagkabalisa

• Kawalang gana kumain o madalas kumain kaysa sa dati

• Nahihirapang matulog(insomnia)

• Matamlay

• Madalas umiiyak

• Nahihirapang makipag-bonding sa anak

• Iniisip na saktan ang sarili o ang anak.

• Madalas sumasama ang loob kahit sa maliit na bagay

• Madalas nagiisip ng masama tulad ng pagpakamatay.

Kapag hindi ito agarang nagamot ay maaring tumagal ng ilang buwan o taon hanggang sa lumala at mauwi sa pagkitil ng buhay o pagkabaliw.

Ang mga sumusunod ay nakakatulong upang gumaling o makabawi ng mabilis.

• Magpaaraw- Lumabas ng bahay bawat umaga para magpaaraw at mag lakad2x kahit 20 minuto lamang. Nakakatulong ito upang marefresh ang pag iisip.

• Gawing priority ang masustansyang pagkain- nakakatulong ito upang magkaroon ng tamang bitamina at minerals na kailangn ng ating katawan lalo na ng ating utak.

• Iwasan ang matatamis na pagkain,inumin at kape - maari itong makadagdag sa depression na nararamdaman dahil sa mga hindi natural na mga chemical na ginamit.

• Iwasan ang alak at paninigarilyo – hindi lang ito masama sa katawan, mayroon din itong negative psychological effect kaya madalas hindi nakokontrol ang mga sinasabi at ginagawa.

• Importanteng malaman mo kung ano ang mga maliliit na bagay na nakakagaan ng loob o ikasisiya mo na nakakabuti sa iyong physical at mental health.

• Maglaan ng panahon para sa sarili kahit tatlong oras lamang para magawa ang nakakagaan ng kalooban.

• Makipag usap sa taong pinagkakatiwalaan mo.

• Sumangguni sa Health expert- Huwag mahiyang pumunta agad sa mga health expert tulad ng psychologist o psychiatrist.

• Magdasal o magmeditate- Malaking tulong ito para sa pag-unlad ng spiritual na kalusugan, kung maglalaan ng oras para magdasal mag basa ng bibliya, o sa pagsali sa mga spiritual na aktibidad.

Like. Comment. Subscribe..!

Thank you...!

1
$ 0.05
$ 0.05 from @Mars_byahera
Sponsors of Sirciram
empty
empty
empty
Avatar for Sirciram
4 years ago

Comments

A nice and relatable article that I've read. Postpartum is a part of motherhood, Me as well I experience that but not too long. It's not easy to be a mother indeed. I was proud of all the mothers. We are so strong to handle many things in all aspects. Best luck looking forward to your other article soon to publish. 🌻

$ 0.00
4 years ago

Thank you very much

$ 0.00
4 years ago

Very welcome dear. 🌻

$ 0.00
4 years ago

The first six weeks after giving birth are known as the postpartum period. This period is an intense time that requires all sorts of care for you and your baby.

$ 0.00
4 years ago