Ang Pamilya na Tunay sa Panahon ng Kalamidad

0 16
Avatar for SimplyZel
3 years ago

Sa pagbabalik-tanaw ng aking karanasan, gaano ba kahalaga sa akin ang aking pamilya? Ang pamilya ang isa sa mga importanteng sangkap upang makabuo ng isang komunidad. Ang pamilya ay maiituring na isa sa mga kailangan ng isang tao para mabuhay. Para sa akin ang pamilya ay ang pagmamahalan ng bawat isa kahit hindi sila magkadugo. Natatandaan ko pa noon na pinaggawa kami ng isang family tree. At ang gumawa ng family tree ko ay ang tita ko. Hindi ko pa kasi alam ang ibig sabihin ng pamilya noon. Sa paglipas ng panahon, maraming pumapasok sa isip ko tungkol sa tunay na ibig sabihin ng pamilya. Nalaman ko na ang pamilya ang isa sa mga nagiging dahilan ng isang tao upang makamit ang kanilang mga hangarin sa buhay. At higit sa lahat ang pamilya ang siyang masasandalan mo sa lahat ng oras.

Sa paglalakbay ko bilang isang tao, ang aking pamilya ang nagsisilbing sayaw at ritmo ko ng buhay ko. Habang ako’y nagkakaisip ng mga panahong iyon, mas marami akong nalaman tungkol sa isang masayang pamilya. Marami akong napapanood na palabas sa telebisyon na nagpapakita ng kahalagahan ng pamilya. Maraming tao ang nagsasabi na ang susi sa tagumpay ay ang pamilya. Alam ko sa sarili ko na kahit mabato ang daan sa tatahakin kong kalsada, alam ko sa sarili ko na kapag ako’y nadadapa, nandiyan sila upang ako’y itayo. Marami man ang humarang sa dadaanan ko, alam ko na ang pamilya ko ang magiging sandigan ko sa lahat ng oras. Nagtatanong lagi ako sa aking ina kung nasaan ang aking ama. At lagi niyang sinasabi sa akin ay nagtratrabaho daw ang aking ama sa ibang bansa para sa aming pamilya. Napapakamot na lang ako sa aking noo, dahil alam ko sa sarili ko na balang araw makukumpleto rin kami.

Tumitingin ako lagi sa mga bituin tuwing gabi na nagbabakasakali na may dumaang eroplano na kung saan nandoon yung ama ko. Kapag wala ang isa kong miyembro ng pamilya ay nalulungkot ako. Ang laging nasaisip ko noong bata pa ako ay kung gaano magkaroon ng masayang pamilya. At hindi ako mawawalan ng pag-asa na balang araw magkakasama kaming lahat. Pero dumating yung araw na dumating na sa bansa ang aking ama. Masaya ako noon, ang isa ko kasing inspirasyon kung bakit gusto kong tuparin ang mga pangarap ko ay dahil sa pamilya ko. Malaki ang naiitulong ng pamilya sa isangb indibidwal upang mahubog ang kanilang pagkatao. Dumating na nga ang aking ama at masaya ako dahil mabubuo ulit kami. Noong araw na iyon naramdaman ko ang kasiyahan at kaba sa aking dibdib.

Noong taong 2016, ay may nangyaring masakit at malubhang pangyayari sa buhay. Pumanaw ang king lola. Hindi ko alam ang gagawin ko, dahil noong panahong iyon ay maraming gawain sa paaralan. Lungkot, iyak, hagulholat inis ang naramdaman ko noon. Parang nawala yung mindset ko na ginagawa ko ang mga bagay na iyon dahil sa pamilya ko. At noong may nawalang miyembro sa pamilya naming, labis ang naging depresiyon ko noong panahon na iyon. Hindi ko alam kung paano ako aahon sa pagkalunod. Iniisip ko nalang at inuunawa ang mga nangyari dahil alam kong may plano ang Diyos sa buhay ko at sa pamilya ko. Kahit na nakaramdam ako ng sakit ay ginamit ko yung sakit na iyon para bumangon at umahon sa pagkakalunod. Ginawa ko ring inspirasyon ang pamilay ko na sumusuporta sa akin. Nagpapasalamat ako sa Dyos sa kalakasan at katalinuhan ng mga panahon na ako’y wala sa sarili ko.

Hindi dito natatapos ang paglalakbay ko upang makamit ko at maabot ang pagtatapos na linya ng buhay ko. Alam ko sa sarili ko andyan lagi ang Panginoon upang kaming pamilya ay patatagin at mas hubugin pa ang aming pagsasamahan. Kahit na may nawala, ay alam ko na may plano ang Diyos sa amin. Bagkus ako’y nagpatuloy sa aking paglalakbay. Masaya ako sa tuwing kasama ko sila at sa mga masayang pangyayari na nakasama ko sila. Sa hirap at ginhawa, masaya ako na kasama ang pamilya ko dahil sa hirap mas tumatag pa ang aming pagsasamahan. At dito rin nahuhubog ang pagkatao ng bawat isa. Hinding-hindi ko malilimutan ang aking pamilya kahit na lumipas ang maraming taon at tumanda ako ay nasa puso ko sila. Sa pagabot ko ng mga pangarap ko, gusto ko na kasama ko sila. At higit sa lahat ang hangad ko ay kumpleto kami sa araw na kung saan nakamit ko na ang mga pangarap ko sa buhay.

Sa pagbabalik ko sa kasalukuyan, hinding-hindi ko malilimutan ang mga ginawa sa akin ng pamilya. Ang pamilyang laging nandiyan sa lahat ng oras. Ang pamilya na hindi ka lolokohin. Ang pamilyang may matatag na samahan. Ang pamilyang may pagmamahalan at may pang unawa sa bawat isa. Gusto kong magpasalamat sa kanilang pagmamahal at pagiintindi sa akin. Nagpapasalamat din ako sa Panginoon dahil hindi niya pinabayaan ang pamilya ko. Sa nalalapit na pagtataposko sa Senior High School ay nagpapasalamat ako sa pamilya ko dahil sa lahat-lahat na ginawa nila. Hinding-hindi ko malilimutan ang lahat ng masaya, malungkot at iba pang nagyari sa buhay ko na nakasama ko sila. Ang buo kong pasasalamat ay iaalay at ibibigay ko ng buong puso sa aking pamilya.

1
$ 0.00
Avatar for SimplyZel
3 years ago

Comments