Ampalaya... Dami nya bunga kahit isa lang..yong iba kinuha na namin at ipinadala ng pampanga,layo na narating.. Heto dami agad kasunod,sipag mamunga kahit hindi ka na bumili..ang mahal nga yong medium size depende pa sa kilo nasa P30..kaya sobrang tipid.. Meron kami okra,ampalaya at yong talong malaki na rin bunga o diba may pang pakbet na. Sa probinsya magsipag ka lang,may pang ulam na. Musta na mga unread ninyo😁
16 comments
Sana may tanim din ako nito.. sarap mag ampalaya everyday..😊
Maganda siguro yong lupa dyan at maganda bunga nya.
Isa sa paborito ko ang ampalaya. Maswerte talaga kapag may space para tamnan, makakatipid ka na sa pang ulam.
Ganda ng lupa sis kaya sagana sa bunga
Wow sarap naman niyan lalo na pag may eggs mate.
Kaya nga mate at fresh pa.
ang fresh nyan sarap diretso luto
Oo sis,dami nga bunga ehh.
Natatawa ako sis hilaw nakasabit dyan sa post mo pag is croll ko nasa mangkok na yon din ulam ni mate ahaha😁
Oo nga parang magic,biglang naluto hehe.
Pengeng 2, para may maiulam kami mamaya. Haha!
Lika sis,hitik sya sa bunga..
Gabi na eh. Bukas na lang ako pupunta diyan. Haha!
Ang husay mo namang mag tanim ng gulay.Tawag ng iba may green thumb pag mahusay mag alaga ng halaman. Malaking katipiran yan. Di mo na kailangan bumili ng gulay . Ang Mahal ng gulay Ngayon.
Kaya nga po,hagis hagis lang namin,si ate ang green thumb dito hehe 2nd lang ako.
magtatanim na nga lng din ako. Para naman makatipid din.