His name is oggie. Isang shih tzu po. Bale hindi po ito ang kauna unahang aso ko.
Anak po siya ni mimi dalawa silang magkakapatid ung isa ibenenta pero ito si oggie pinahingi lang namin siya biyenahe pangasinan to manila. Una ayaw k sana kasi talagang malapit ako sa mga aso ayaw ko ibigay. Muntik k pa ngang tinago to eh bago sila umalis kasi ayaw k tlga kasi tuwing nakikita ko silang magkapatid ang saya saya n ng araw ko kahit madaming problema nawawala tuwing kalaro ko sila.
So yong nagalaga ok naman nagsesend pa ng pictures ng mga pinamili niya para kay oggiee.
So naging kampanti ako na maaalagaan siya kasi sobrang spoiled itong si oggie sa bagong amo niya.
Until one day nagchat saakin yong ate ko na nagpahingi sakanya na WALA NA SIYA NAMATAY NA SI OGGIE ADING.😔 So dali dali kung tinawagan or chinat na galit na galit ako, "ang tagal na nung last na nagparamdam kayo about kay oggie pero bakit ngayon iuupdate niyo ko patay pa, anong nangyari bakit ganon sabi ko" may nakain siya d nila nakita kaya ilang days di siya kumain at nung pinunta ng vet hinang hina na siya at doon siya namatay.
Ang hirap mawalan ng isang kaibigan na tinuring at ang masaklap pa hindi ako or hindi saakin namatay kasi mula bata hanggang bago nila kunin kahit magalit n ang aking nanay katabi ko matulog mauuna pang kumain bago ako kakain. Masakit hanggang ngayon na yong asong tinuring mong kaibigan or kapamilya pinabayaan lang ng pinagkatiwalaan mo.
At doon ko na pagtanto na kahit gaano tayo kaalaga sa mga alagang aso natin or sa pamilya natin kung sila mismo ang bibigay wala tayong magagawa.
Ipakita natin palagi o iparamdam natin palagi sa mga alagang aso natin na mahal natin sila tulad ng pagmamahal natin sa ating pamilya kasi di man natin aminin nakakaconfort o nakakatulong sila na maibsan ang lungkot at problema natin.
Mahalin, alagaan, at ituring nating pamilya ang bawat membro ng pamilya natin mapaaso man yan pusa or kahit anong klase ng hayop dahil balay araw tayo din ang makikinabang sakanila hindi man ngayon pero darating ang araw na ung asong dati mung inaapak apakan tinatadyakan siya din ang tutulong sayo sa oras ng iyong pangangailan. Give and take dahil kung ano ung pinaramdam mo saknila yun ang ipaparamdam nila sayo.
Ikinagalit ikinatampo ko si oggie sa dating nagalaga kasi si oggie ang pinakamalambing at clingy sa lahat ng aso ko. Nakikipaglaro at laging nakikipagtakbuhan pero siya ang pinakaiyakin lalo na pagwalang electricfan na nakaatotok. Kamusta na kaya siya ngayon. Masaya na siguro yon nakakamiss nakakaiyak pero may rason bakit siya nawala. Kailangan p siguro ng dating nagalaga ng kunting attention.
God is always have a good plan. Just take time.