Bundok
Isang lugar kung saan tahimik maaliwalas makakapagisip ka ng maayos, nakakawalang problema nakakarefresh kumbaga.
Isa sa mga lugar n aking napuntahan na sobra akong nabighani at namangha ako sa aking nakita. Totoong pala na madaming kalikasan na sobrang ganda di lang natin nakikita ang halaga. Parang sa tao. Habang andyan habang nakikita mo lahat ng mali nakikita pero ang kabutihang ginawa di natin makita.
Minsan naisip ko pano na lang kung lahat ng kulay berde o puno dyan sa bundok ay nawala na? May ganto pa bang makikita ang susunod n henerasyon susunod n kabataan meron pa ba silang makikitang nakakamangha o gantong imahe na tlgang nakakaakit nakakalula sa ganda?
Mahirap kontrolin ang ibang tao lalo na sa kalikasan dahil di natin alam na baka pagtalikod natin ung isang puno napakaganda pinutol na nila. Merong mga tao na kayang magtanim pero kadalasan saatin mas marami ng nagpuputol. Pinuoutol pinagkakaperahan pero di nila inisip na pagdating ng araw o balang araw mabaha tayo? Ang masaklap pa doon kung yong nagpuputol hindi nababaha tama po ba?
Sana isa isip natin kung ano sana ang ating kinuha o pinutol marunong tayong palitan dahil hindi natin alam ang magyayari saatin sa susunod na henerasyon, ipadama natin sa susunod na henerasyon yong ganda, napakafresh na hangin masayang pamumuhay.
Putol mo tanim mo.
Dalampasigan
Pangalawa sa aking napasyalan. Mahangin tahimik ingay ng dalampasigan ang una mung maririnig maaamoy.
Pumasyal ako sa ganto hindi dahil para ipainggit sa ibang tao na kaya kung mamasyal sa magagandang tanawin o dalampasigan kundi gusto kung makapagpahinga walang iniisip na iba kasi mahirap magsabing sa oras na nanghihina kana eh di mo naman pwedeng sabhing kaya mo pa. Siguro nga isa ito sa ginwa ng panginoon para puntahan ng taong madaming problema gustong mapagisa, gustong magisip, at lalong lalo na pagbobondingan ng masasayang pamilya.
Sana muli nating ingatan huwag dumihan dahil madaming tao ang may gustong makaranas nito pero di nila magawa dahil sa kapos pa sila busy at walang oras para magsaya.
Minsan iniisip ko pano na kaya ang mga magngingisda kung wala n silang makuhang isda sa dalampasigan? Mabubuhay pa kaya sila? Pero isipin din natin na kung aabusuhin nila ang pangingisda at gagamit sila ng di karapat dapat gamitin ay sila din ang mapwepwerwesyo sila din ang mahihirapan. Isa lang ang ating maiaambag lalong lalo na tayong mga turista maging malinis kahit saan magpunta huwag abusuhin ang mga tagapagalaga.
Dalawang magagandang tanawin ang aking nabuksan at naipakita sainyo. Marami pang mga lugar na pwedeng puntahan.
Pagkain😊🤣
Ang laging hanap ng aking kalamnan o tiyan. Isa sa menu ng aking napasyalan na dalampasigan. Masarap malinamnam at sulit ang bayad (kahit butas ang aking bulsa😂). Iwan ko ba dito sa tiyan kung to basta pagkain ang usapan walang inuurungan laging gustong kumain tikman lahat ng makakain sa lahat ng lugar na pinupuntahan.
Napakasarap balikan yong pagkain na aking natikman sa bawat aking pasyal.
Pero naisip ba natin na habang tumatagal tayo sa mundong ating gingalawan ay kung ano anong recipe ingredients ang ating natitikman. Pero nakakapagtaka dahil ang mga tao noon halos walang condiments walang kahit anong nilalagay sa pagkain pero ang haba ng buhay pero ngayon bata palang may nalalason na dahil sa condiments na gngawa mga palpak na pagkain. Mga hindi nakakain pero pilit na kinakain.
Mga bagay na dapat laging isa isip
Kung ano ang pinutol, siya ding itatanim
Huwag abusuhin, pangalagaan
Matutung linisin ang kalat na iyong ginawa.
Mahalin ang ating paligid.
Laging maging masaya at habaan ang pasensya.
Hindi ito yong una at huli kung pamamasyal. Isasama ko kayo sa lahat ng magagandang tanawin na aking pupuntahan😊