A Story to Tell

1 28

If you want to read a story filled with exciting scenes. This is it. Enjoy reading!

Taglay ng mga Eliars ang kapangyarihan na kagaya rin ng mga Kaylens. Hindi naging madali ang paglalabanan ng dalawang panig. Hindi nagtagal ay nagkakasama rin ang mga Jiras. Sampu silang lahat. “Napaaga ang pagdating ng mga Eliars, napag-alaman nila na nandito na sa Halisaya ang susunod na pinuno na Vera Halisaya,” sabi ni Ollie habang binubuhat at itinatapon papalayo ang mga Eliars na sumusugod sa kanya.

Unti-unting kumunti ang mga Eliars sa paligid at pati na rin ang mga Kaylens. Ang mga natira na lamang ngayon ay ang mga malalakas at nagtataglay ng mabibigat na kapangyarihan.

“Nasaan ang Batong Vera!?” tanong ng pinuno ng mga Eliars na si Giyupta. “Wala na ang batong Vera, Giyupta! Nasabihan ang lahat sa pagkawala nito,” sagot ni Mishara, pinuno ng Vera Halisaya na ina ni Maitha. “Kung ganoon, nasaan ang Bulaklak ng Viera?” kailangan ko ang bulaklak ng Viera! Huwag kayong maging makasarili, mga Kaylens!” muling sigaw ni Giyupta na ikinatakot ng lahat. “Wala kaming alam sa sinasabi mo, Giyupta! Wala kaming alam tungkol sa Bulaklak ng Viera!” pagtanggi ni Mishara, ngunit sinasabi niya lamang ang totoo. Ang apat na Jiras at si Alyana pa lamang ang nakakaalam tungkol sa bulaklak. “Sinungaling! Nandito ang humahawak sa bulaklak ng Viera! Huwag niyong angkinin ang taglay na kapangyarihan ng bulaklak, ang kapangyarihan niyan ay hindi lang para sa mga Kaylens, para iyan sa lahat ng imortal!” sabi ni Giyupta at itinuro niya si Alyana. Sa sobrang takot ni Alyana ay nagtago siya sa likuran ni Deo. “Alam kong ikaw ang may hawak sa bulaklak! Asan ang bulaklak?” sabi ni Giyupta at mapapansin ang lubhang takot ni Alyana, at maging si Deo ay takot rin sa maaaring maging mangyari dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ni Alyana. Iginala ni Maitha sa paligid ang kanyang mata at nakita niya ang lungkot at takot sa mga kapwa ni Kaylens.

Hindi niya gustong masaksihan ang paglubog ng Halisaya. Kailangan ng mga Kaylens si Alyana. Malakas si Alyana, kailangan lang niya ng ensayo sa paggamit ng kanyang kapangyarihan. “Hindi ka makapagsalita! Ikaw nga ang nagtatago ng bulaklak!” sabi ni Giyupta at nang akmang kukunin na niya si Alyana ay sumama Deo kaya sumama na rin si Maitha. Dinala ni Giyupta ang tatlo sa gitna ng kabundukan.

“Anong ginagawa niyong dalawa dito? Siya lamang ang kailangan ko,” sabi ni Giyupta at habang itinuturo si Alyana. “Kaya ibigay mo na ang bulaklak sa akin, Alyana” sabi ni Giyupta. Pasimpleng naglakad si Maitha sa likuran ni Alyana at hinablot sa kamay nito ang bulaklak. “Ako! Ako ang tunay na may hawak ng bulaklak, hindi siya!” Sigaw ni Maitha habang nakataas ang kanyang kanang kamay na may hawak ng bulaklak. “Maitha!” sigaw ni Deo. Hindi siya makapaniwala sa ginagawa ni Maitha. Maaari niyang ikamatay ang ginawa niya. Napag-alaman niya tatlong araw pa lang ang nakalilipas na si Alyana lang ang pwedeng makahawak ng bulaklak dahil sa ito ang reinkarnasyon ng Batong Vera na napunta sa kanya. Samantala, napangiti si Giyupta nang makita niya ang Bulaklak ng Viera lalapit na sana siya kay Maitha para kunin ito nang muling nagsalita si Maitha, “Pero hindi ko ibibigay ito ng ganito lang kadali,” matapang na sabi ni Maitha, kailangan niya mapaniwala na siya ang susunod sa yapak ng kanyang Ina, kailangan niya maging malakas kahit pansin na ang pagsisimula ng paghina nito dahil sa paghawak niya sa bulaklak. Tumawa ng nakakatakot si Giyupta dahil sa sinabi niya. “Matapang! Ikaw nga ang susunod na pinuno ng Halisaya! Kailangan nating magtuos,” pagkasabi non ni Giyupta ay nagsimula na siyang maglabas ng kapangyarihan. “Wala ka man lang bang sasabihin sa mga kasama mo ngayon bago ka mawala sa mundo?” nang-aasar na sabi ni Giyupta kay Maitha, at doon ay hindi na niya mapigilan ang paglabas ng kanyang mga luha.

Malungkot siyang tumingin kay Deo, nakatingin din si Deo sa kanya pero nakayakap sa likuran niya si Alyana. Sa mga sandaling iyon ay alam na niyang mawawala na siya sa mundo. May parang kung anong tumutusok sa kanyang katawan na napagtanto niyang ito ay dahil sa hawak niyang bulaklak. Naalala niya ang bulaklak, kung anong kapangyarihan ang mayroon sa Batong Vera noon, at kung anong kapangyarihan ang mayroon si Alyana ngayon ay mayroon din ang bulaklak. Buo na ang desisyon ni Maitha, itinaas niya ang Bulaklak ng Viera at itinapat ito kay Giyupta, lumabas ang sari-saring ilaw dito. Ikinumpas ni Giyupta ang kanyang dalawang kamay at lumabas dito ang itim na ilaw. Ang pagsasalubong ng mga kapangyarihan ay ng pagyanig ng lupa at pagdilim ng kapaligiran.

Halos mapaupo si Maitha sa paglaban kay Giyupta pero ng makita niyang palapit si Deo sa kaniya upang sana’y tulungan siya sa paglaban kay Giyupta ay ginamit niya ang isa niyang kamay upang gumawa ng hangin na papalibot sa kanilang dalawa ni Giyupta, ayaw niyang sumama si Deo sa pakikipaglaban niya, ayaw niyang madamay at mapahamak pa si Deo, at isa pa ay alam niyang natatakot ng sobra si Alyana, bago pa lamang si Alyana sa Halisaya at ganitong gulo na agad ang natutunghayan niya. Hindi niya alam kung mananalo pa siya sa laban nila ni Giyupta, nakakaramdam na siya ng sobrang hina, umiikot na rin ang paningin niya at lumalamig na ang pakiramdam niya. Tumagal pa ng ilang segundo ang paglalaban nila hanggang sa naramdaman niya na wala na ang malakas na pwersang lumalaban sa kanya.

1
$ 0.00

Comments

Ganda naman. Keep writing po

$ 0.00
3 years ago