PARANORMAL GAMES
Bloody Mary
- Ang Bloody Mary ay sikat na Urban Legend sa US. Isa 'rin ito sa muntik ko ng subukan, ngunit ako'y natakot. Hahahaha. Hindi ko alam mga bes. Takot kasi ako sa manika at salamin. Paano ba laruin ito? Kailangan mo lamang ng salamin (mirror), candle, at lights off. Pagtungtong ng 12am o kaya 3am (para mas creepy) Una, patayin ang ilaw. Pangalawa, sindihan ang kandila. At pangatlo, bigkasin ang "Bloody Mary" ng 13 times. Pagkatapos bigkasin ay muling buksan ang ilaw. At lilitaw si Bloody Mary sa salamin. Maaari mo siyang tanungin kung bakit siya nagpapakita. Sinong pumatay sa kanya, bakit siya naghiganti. Ang tunay na istorya ng Urban Legend na ito ay nagmula sa isang dalaga na nag-aaral sa Kolehiyo. Siya si Mary, isang magandang dalaga at mayumi. Ngunit sa kasamaang palad, ginahasa ito. Niyurakan, ininsulto, at sinaktan ng mga babaeng naiinggit sa kanya. Naging dahilan para ikulong nila si Mary sa isang baul. Matapos maging duguan ng gahasain ng limang kalalakihan. Hindi makahinga si Mary sa baul, kung kaya't namatay ito at isinumpa ang lahat ng tao na maghihiganti siya.
• The Telephone Game
- Ito ay hindi puwede laruin ng maramihan. Kailangan ikaw lang mag-isa. Pagsapit ng 3am, patayin ang ilaw. Pumunta sa tahimik na lugar, at iwan ang telepono sa isang lugar. Mas maganda kung sa CR ka magkukulong. Lagyan ng asin ang pintuan ng CR (ang asin ay proteksyon sa mga kaluluwa). Tawagan ang telepono na iyong iniwan sa di kalayuan. May sasagot dito. Ngunit hindi tao. Pagkatapos tawagan, siguraduhin mong may baon kang asin sa paligid mo. Maghintay hanggang mag bukang-liwayway para matapos ang laro.
• The Three Kings
- Sa lahat po ng laro, never ko tinry ito. Ang Three Kings. Paano ba ito laruin? Simple lamang. Ito ay kinakailangan ng tatlong silya at kandila. Ipuwesto ang silya sa pormang tatsulok. Patayin ang ilaw. Kailangan ng kandila para dito. Buksan ang kandila sa tatlong silya. Umpisahan ng magsalita ng iyong katanungan. Asahan mo na may dalawang kaluluwa sa magkabilang silya na kaharap mo. May isang mabuti at masama. Kakausapin ka nito at good luck! Good Luck kung anong kakahantungan! Sa nabasa ko, may namatay na sa paglalaro ng Three Kings.
• The Bath Game
- Ang larong ito ay para sa may mga bath tub lang. Kailangan mo mag-alay ng dasal para sa namatay na kaluluwa ni *insert her name*. Nakalimutan ko ang pangalan. Hahahaha. Tatanungin ka nito. "Who are you?". At ipapakita nito ang mukha nito mula sa bath tub. Lalabas itong parang sadako hahahaha.
• The One Man Hide & Seek
- Parang awa niyo na. Kayo na lang ang maglaro nito. Hahahaha. Kailangan mo nang sumusunod: - Doll - Knife - Rice (Uncooked) - Flashlights (With Extra Batteries) - TV (Without Signal yung blurred) - Crimson Thread (Pulang Sinulid) - Bath Tub (For Basin) - A Glass of Water (With Salt) - Salt (Extra) Paano laruin? Ganito yan. WARNING! Wala po akong kinalaman sa mangyayari sa susubok nito. 1.) Kuhanin ang laman ng manika, usually cottons ang laman nito. Palitan ng bigas (uncooked) ang loob ng manika. Tahiin ng pulang sinulid ang manika. Oops? May nakakalimutan. Gumupit ng sariling kuko at ilagay sa loob ng manika. Kasama ang bigas. Explanation: Ang Bigas ay pinapaniwalaan ng mga Asians bilang pang-attract sa Spirits, Ang Nylon Thread (kailangan Red) ay nagre-represent bilang Dugo o Blood ng Manika. Ang Kuko naman ay ang "bond" o ugnayan niyong dalawa ng manika. 2.) Pumunta sa Basin (Bath Tub) lagyan ng tubig at ihanda ang TV na walang signal. Iwan ang manika dito. Lagyan ng tubig. Wag lilingon pagkaalis sa CR. Bigyan ng pangalan ang manika. Sample: Name (bigkasin ng 3x) siguraduhin na patay lahat ng ilaw. 3.) Bumalik sa CR, saksakin ang manika (3 stabs of knife) at sabihin naman dito, "Name now it's your turn!". Iwan ang kutsilyo. At umalis AGAD sa CR. Magtago sa lugar na iyong napagplanuhan. Wag lalabas agad. 4.) Maaaring wala na ang manika sa CR. Hinahanap ka nito. Kung kaya't wag magtagal sa taguan. Lumibot sa buong buhay. Gamit ang Flashlight, hanapin ang manika. At uminom ng tubig na may asin (wag lulunukin) at ibuga ito sa manika. Maaaring buhusan mo rin ito ng asin. At sumigaw ng "I WIN, I WIN, I WIN NAME!". 5.) Putulin ang Nylon Thread. Wag lalabas ng bahay. Maaaring ilibing ang manika. O di kaya naman sunugin ito. Dont's - Bawal makatulog habang ginagawa ito - Bawal lumabas ng bahay - Bawal buksan ang mga ilaw (maliban sa flashlight) - Bawal panatilihing maayos ang manika. Kailangan itong sunugin o kaya'y ibaon sa lupa. Do's - Kailangan mong manalo sa laro. Dahil ang matatalo ay siyang may papremyo. Kung ikaw ang nanalo, maaari kang mag decide para sa manika. Maaari kang humingi ng pabor sa kaluluwa na sumapi dito. Kung ikaw ay matatalo, ang manika ang mag dedesisyon para sa iyo! - Kailangan paabutin ng bukang liwayway ito. Wag lalabas ng bahay hangga't hindi ito natatapos. - Magbaon ng asin, proteksyon mo ito para sa manika. Ang larong ito ay hindi biro. May napanuod akong video nito.
did you try?