Paalam aking LOLA

4 112
Avatar for Shenzhen
3 years ago

Ang LOLA ko na nag iisa lamang sa puso ko .

Ang LOLA ko na pinoprotekhan ako noon kapag ako ay napapagalitan ng ama ko.

Ang LOLA ko na binibigyan ako kung ano ang kaya niyang ibigay.

Ang LOLA ko na natatakbuhan ko noon kapag ako ay maytampo sa aking pamilya.

Ang LOLA ko na inalagaan ako nung akoy maliit pa.

Ang LOLA ko na nag papasaya saakin.

Ang LOLA ko na nag iisang INA ng aking INA.

Ang LOLA ko ay namaalam na! Hindi ko alam kung makikita ko pa hanggang sa huling sandali dito sa mundo.

Ang LOLA ko na hindi ko na nakita at nakausap dahil akoy malayo.

Dahil sa pandemya akoy nag aaalala na hindi makauwi at hindi kana masilayan aking LOLA sa huling sandali. Tagos ang sakit ako'y di makatulog sa pag iisip king papaano ako makakauwi.

LOLA ikaw lang talaga ang nag iisang kilala kong LOLA hanggang ako'y tumtanda natin .

Paalam na po aking LOLA at pasensya na po dahil hindi ko alam kung ako ay makakauwi pa upang ikaw ay aking masilayan .

Patatagin niyo po ang iyong ANAK na AKING INA sapagkat siya po ay lubos na nag dadalamhati saiyong pag kawala. Ikaw po ay mahal na mahal ng aking ina na inyo pong anak .

Hindi niyo naman po eto mababasa aking sulat nais ko ipabatid sa lahat ng tao kung gaano ka po kabuting LOLA saakin.

Ikaw po aking LOLA ay mananatali sa aking puso't isipan .Ikaw po ay mahal na mahal ko LOLA . PAALAM !😭😭

ANG INYONG APO,

Shen

6
$ 0.00

Comments

😯

$ 0.00
3 years ago

😟

$ 0.00
3 years ago

😭😭😭

$ 0.00
3 years ago

😭😭

$ 0.00
3 years ago