Kay sarap balik balikan ang masasayang araw ng tayo ay mga bata pa. Naruon ang mga tawanan, kulitan at kung minsan ay nagkakapikunan pero sa bandang huli ay nagkaka ayos agad. Lumipas ang panahon at tayo ay naglakihan na. Nagkanya kanyang landas at hindi naglaon ay nagkaruon ng sariling pamilya ang iba sa atin. Nakakalungkot man isipin ang biglaang paglisan ng ilan sa ating mga kapatid at mga magulang ay kailangan natin tanggapin. Lumipas pa ang panahon at ako ay naging isang single mother. Mahirap man ay tinanggap ko ang akong kapalaran. Batid ko na ilan sa asking mga kapatid at lihim na nagalit sa akin. Sa edad na 47 ay nakapagtrabaho ako sa loob ng mahigit na dalawang taon. Pero bigla nawalan ng work nang nagkasakit ng ilang araw ang aking anak. Pero sa kabila nang lahat hindi ako pinabayaan nang aking mga kapatid. Nariyan pa rin sila at hindi kami nakalimutan na tulongan. Dito ko napatunayan na kahit anong galit o pagtatampo ang nasa puso nang bawat isa. Mangingibabaw pa rin ang pag ibig at pagiging kapamilya at kapatid sa puso nang bawat isa. Sadyang napaka swerte ko pa rin kahit sabihin na hindi kami super close sa isa't Isa nariyan sila at bandang umalalay at gumabay sa amin ng anak. Maraming salamat sa DIYOS at binigyan nila ako nang mga kapatid na katulad ninyo. Maraming salamat mga kapamilya at nga kapatid. Mabuhay kayo!
Oo may panahon na maaalala mo talaga ang mga maling desisyon na iyong nagawa. Pero lahat naman sa buhay natin ay may dahilan. Dumarating sa buhay natin ang problema at diyan tayo pinatatag lalo. Lahat ng problema may solusyon at dapat handa rin tayo harapin ang bawat hamon na dumarating sa ating buhay.