Hindi ko akalain na dadapuan ako ng lagnat. Bukod sa lagnat ay masakit din ang katawan at buto-buto ko. Isama pa ang lalamunan. Bawat kilos ko kanina ay may daing. Iba din talaga ang power ng ina. Pumunta si mama ko dito sa bahay at niliguan ako ng suka. Ayun maayos na kahit papano pakiramdam ko. Pagbuhos nya ng suka sumingaw ang init ko. Sobrang init. Hehe May sakit din si Baby ko. Actually naging busy ako sa anak ko. Nasa punto na ako ng pagbreakdown. Kailangan lakasan ang loob at wag patalo sa negative thoughts. Postpartum pa ata ito o dahil na rin sa mga naririnig ko. 😔
2 comments
Effective din talaga yan paglalagay ng suka, si mama kasi ganyan din ginagawa kapag merong may lagnat samin dati pa. Parati kasi pagod at puyat ang isang nanay kaya dinapuan ka ng lagnat. Pagaling agad dyan.
Pabalik-balik nga lagnat ko. Stress siguro kaya ganito. Hehe