read.cash Log in
@Shawn09 more from that month

Pag-uwi ko kaninang umaga, narinig ko yung mga katambay ni Papa sa labas. Nagtatawanan at kulitan sila. Hindi na ako tumingin kasi alam kong wala naman dun si Papa. Pag aalis or uuwi kasi ako tumitingin tingin pa ako sa labas dati. Alam ko kasing andun sya. Pag nadaanan ko "Alis na ako Pa." Tapos tatanungin nya ako "Saan punta mo? Uwi ka ba mamaya? May pera ka pa ba?". Pag-uwi naman at pumasok ng bahay sya bubungad kung nasa bahay sya. Sasabihin nya "Good morning Bem. Kain ka na ". Lahat yan maaalala ko kasi halos araw-araw ganyan nangyayari. Ngayon wala na. Bago ako matulog, paggising ko o kahit nasaan ako bigla ko syang maaalala. Naiiyak ako minsan hindi ko talaga mapigilan. Bigla akong iiyak. Miss na miss ko na kasi talaga si Papa ko. 😔😭💔🕊️

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.