Eversince Community Quarantine was implemented last March, there were a lot of changes that we had to go through. Lalo na sa family namin. Doin' groceries are limited and we're no longer allowed to do gatherings. Talagang nag stay at home kami. Isa sa changes na pinagdaanan namin is the shifting schedule nang work nang partner ko. Every 14days, required silang magstay in sa work and another 14days to rest. Yon na ang naging cycle nang work nila. So dahil sa loob nang 14days na rest nang partner ko is nasa bahay lang kami, we make sure to do daily activities with the kids.
Nakakapagod ang daily routine sa bahay pero we always make time to check yong ginagawa nang mga bata. So dahil busy sila sa paglalaro para makapagbonding, we make them delicious snacks. Yong naeexcite sila, yong masarap syempre. We eat together, nagtantanong kami kung ano ba yong nilalaro nila. Bakit nag-aaway sila. Kahit ano lang para lang may mapag-usapan to practice the kids to open up to us. Para mas lalo namin silang makilala and mas lalo pang maging close ang family namin. Pwede naman mag enjoy kahit sa bahay lang basta ba malawak yong imaginations mo and wag mong e.limit sa kung ano lang ang gusto mo. Syempre yong mag-eeenjoy din ang mga bata. We even have our movie time before bed time.
Sulit na sulit ang bonding basta ba willing ka din para naman mas masaya ang pamilya. Happy family for is important kaya everyday is always family day for us.😊