Nagsimula na kaming mag-online class, nagsimula noong August 5 yung orientation tapos August 10 yung normal na klase. Iilang araw pa lang yung nakakalipas, nakakailang paload na kami dahil hindi pa kami nakakabitan ng internet. Paano yung mga umaasa talaga sa prepaid load? Ang hirap kumita ngayong pandemic, yung pera sana na ginagamit namin, pandagdag na lang sana sa bayarin sa mga gastusin.
Gumagamit kami ng Zoom at Canvas na applications para sa online learning. May asynchronous at synchronous sessions kami. Usually, 30 minutes lang kami per subject sa Zoom, 10 subjects. Monday to Thursday ang pasok namin pero yung mga ipapasa namin at gagawin, sakto sa isang linggo. 99 pesos ang 2GB, nakaka-tatlong 99 pesos na ko na load since nagsimula kami, isang linggo pa lang. May nabasa akong article na usually sa Zoom meetings, 800-2.4 GB every hour ang nagagamit.
Alam nyo ano yung mahirap? Yung ipinipilit naming matuto tapos harapin yung new normal. Oo, natuto naman kami, nag-aadjust sa new normal at naiintindihan naming mahirap talaga dahil sanay kami sa tradisyonal na face-to-face. Ang hirap ng online class, mararanasan mo yung mawawalan ka ng signal, pati teachers namin naeexperience 'to. May mga nahihirapan din akong kaklase dahil hindi naman applicable sa lahat yung self-learning. Hindi naman lahat nakakasabay. Pero, salamat sa JRU dahil naiintindihan nyo kapag nawawalan kami ng signal, at ginagawa nyong mas madali yung modules para mas maintindihan namin.
Uulitin ko, magastos ang online class pero dahil may pangarap pa kami, pipilitin naming makasabay. Hindi man pakinggan ang hiling naming academic freeze, sana tulungan nyo yung nahihirapan, marami ang naiiwan, maraming pangarap ang naisasantabi.
Hindi ako nagrereklamo dahil tamad ako, alam kong may ibang paraan, pero sana alam nyong mahirap sa amin ang sitwasyon na ito. Teachers are struggling too.
Para sa mga nakakaranas ng hirap ng sitwasyon na ito, kaya natin 'to. Sa mga guro, sa mga magulang, sa mga estudyanteng gaya ko, wag sana tayong sumuko.
Okay lang na mapagod, magpahinga tapos lumaban ulit.
Kahit anong lakas ng sigaw namin para sa academic freeze, mas pinili nilang wag kaming pakinggan, ipinilit nilang sabihin na handa ang lahat. Sa mga pangarap na nahinto sa panahon ngayon, sana dumating ang araw na ituloy nyo dahil nakakapag-hintay ang edukasyon.
Isang yakap at saludo sa mga estudyanteng pinipilit harapin ang pagsubok na ito. Kaya natin 'to!
Goodnight to all. God bless for us
Like, comment and subscribe po.
Salamat po.
Nice inprotant article