Point of View

0 14
Avatar for Scripted
3 years ago
Topics: Phillipine Flag

A foreign person ask some Filipino citizens. "How many stars(bituin) are there in the Philippine Flag? "

Sumagot ang una, isa siyang estudyante : "TATLO PO"

Sumabat naman yung matandang babae at tinawanan ang estudyante. "NAG-AARAL KA PA NAMAN. MALI KA, APAT"

Sumingit na rin yung isang lalaki: "MALI KA DIN, ANIM IYON"

Hindi rin nakapag pigil ang isang ginang at sumagot. "MALI KAYONG LAHAT DAHIL WALO ANG BITUIN SA WATAWAT NG PILIPINAS"

Marahil kung maririnig ito ng kapwa Filipino tila ba pagtatawanan ang mga isinagot ng mga ito dahil ang sariling watawat ay hindi lubos na alam.

Now if you're a Filipino? What is your answer? Ilan nga ba ang bituin sa watawat ng Pilipinas?

To tell you honestly, LAHAT SILA TAMA!

√ Tatlo para sa paningin ng isang estudyante dahil iyon ang itinuturo sa paaralan dagdag mo pa ang pagkakabanggit nito sa pambansang awit ng Pilipinas.

√ Apat naman ang sabi ng matandang babae dahil base sa siyensya ang araw(Sun) ay isang bituin kung kaya't apat ang bituin para sa kaniya.

√ Anim para sa lalaki, dahil binilang niya ang tatlong bituin na kumakatawan sa Luzon, Visayas at Mindanao nang tig-dalawang beses dahil baliktaran ang watawat ng Pilipinas.

√ Walo para sa ginang, dahil binilang niya din yung araw(Sun) bilang bituin at baliktaran din ito kaya walo ang kaniyang naisagot.

Iba-iba tayo ng pananaw. Iba iba tayo ng opinyon. Pero hindi ibig sabihin tama na ang sayo mali na ang kaniya or vice-versa. Huwag nating husgahan ang isang tao base sa kaniyang pananaw, dahil magkakaiba tayo ng pinagmulan, karanasan, estado at higit sa lahat WE HAVE DIFFERENT POINT OF VIEW.

Respect is the Key.

Click the link for more.

https://read.cash/r/Scripted

More upcoming Thoughts so STAY TUNE, STAY SAFE AND GOD BLESS.

1
$ 0.00
Avatar for Scripted
3 years ago
Topics: Phillipine Flag

Comments