read.cash Log in
@Scenica

Madalas Madalas kapag sobrang mahal mo ang isang tao,sinisikap mong intindihin ang mga bagay na nagawa at hindi niya nagagawa para sa'yo. Madalas nga hindi mo magawang magalit sa kanya sa kabila ng lahat nong sakit at lungkot na naidudulot niya sa'yo. At madalas din sapat na sa'yo ang kung ano lang ang kaya niyang ibigay; kahit kaunting oras,atensyon at pagmamahal niya lang ay nakukuntento ka na.Nakakaya mong magtiis at magpasensya, nagagawa mo ang mga bagay na hindi mo sukat akalain noon na magawa mo ngayon. At ang nakakalungkot lang, madalas kahit mahal mo ang isang tao hindi pa rin sapat 'yon para ikaw ang piliin niya sa huli. Kaya madalas basta para sa ikakasaya niya gagawin mo; kahit na ang palayain at bitawan siya habang nasasaktan ka. Alam mo kung bakit? Dahil dama mong hindi na siya magiging masaya sa piling mo Basta lahat ng madalas na yan ikaila man natin o hindi naranasan na ata natin lahat yan, tao kasi tayo e ๐Ÿ‘‰๐Ÿ‘ˆ Di perpekto , tanga ang tawag ng iba pero huwag husgahan kasi unang una di po tayo judge, hindi din tayo si Papa G at di ka din perfect๐Ÿคญ Magandang gabi Luzon, Visayas at Mindanao at kahit saan man kayong dako ng mundo good evening. yong photo? ayan pala sila ang aking mga bodyguard dati best in bantay yan haha

86 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.