Cornedbeef with Patatas 🤗 Ito po ang lulutuin ko mamayang lunch. Grabe ang presyo ng sibuyas mas mahal pa sa kilo ng patatas. Isang piraso na sibuyas ay nasa 13 pesos na agad. Nakakaiyak nga sadya ang presyo ng sibuyas ah. Lagi pa naman iyan ginagamit sa pagluluto ngayon. Ano na ba ang nangyayari sa Pilipinas lahat nalang tumataas ang presyo 😅. Iyan pa lang ang binili ko ay nasa 159 pesos na lahat. Take note wala pa mantika diyan hehe.
27 comments
Wew grabe yan hehe
Nakakaiyak diba hahaha, sibuyas pa lang wow na sa presyo 😅.
320/kg dito sa amin sis
Mas mahal pa diyan ah
Cornedbeef with Patatas 😍
It really taste good.
Yes
Hihihi kaya kami sis hindi muna mag gagamit ng sibuyas sa pagluluto, bawang nalang muna ginagamit namin. Hihihi
Magic sarap nalang sa susunod haha
Hahaha Oo sis all in na sa magic sarap hihihi
Pati presyon sis tataas na din, ahehe
Kaya nga po hehe
uy sarap kaya nyan, sis! mahal nga lang cb ngaun hehe.
Mahal na nga po mga delata ngayon.
Ang taaS nga ng price ng sibuyas. Kaya iyang iluluto mong iyan, may halaga na rin. Wala ng murang maiuulam ngayon. Ang itlog kahit maliit 10p na dito. Hehe! Keep noising na lang tayo para happy at bumawi din. Hehe!
Tama po, kahit magtipid makakagastos pa din ng malaki.
Kaya dapat kapag may tira huwag itapon at kainin sa hapunan para walang masayang.
Mamayang Gabi Ganyan ang ulam natin may order akong corned beef
Mas masarap po kapag may patatas.
Wag na magsibuyas🤣
Hindi masarap kapag walang sibuyas haha
Aynkubg napakamahal naman wag na🤣
lagyan mo ng konting sabaw para mas dumami :)
Patuyo po ang luto na ginawa ko para mas malasa.
Dito din mahal ang sibuyas.kaya ang malaking sibuyas pinagtitipid ko gamiton
Kaya nga po kalahati nalang gagamitin imbis na isang buo.
Super mahal nga wala ng mura kami sa palengke ng supermarket nabili para menos yong ibang meron sila.