read.cash Log in
@ScarletDoll

@ScarletDoll in November 2022

@ScarletDoll

Ready na ang Flowers πŸ’ Medyo bussy ako kanina kaya ngayon lang nakapag post dito sa noise. Last minute na kasi ako bumili ng flowers hehe. Mahal na din talaga ang mga bulaklak ngayon pero ayos lang dahil this year lang ulit makakabawi after nung pandemic. Siksikan na siguro sa sementeryo ngayon pero expected ko na yun. So far hindi naman umuulan dito dahil maaraw pa din 😊. Nag aayos nalang kami at paalis na din kami mamaya. Naway maging maayos ang paggunita natin ng Undas…

@ScarletDoll

Undas 2023 sa Pinas πŸ™πŸ»πŸ•―πŸ’ Hanggang ngayon dito pa din kami nakatambay. Meron kasi dito na bubong kaya may masisilungan kami. Mas mabuti ng mainit kaysa naman naulan diba. Susulitin muna ang pagtambay dito at hintayin namin matunaw ang kandila at baka kunin agad nung mga batang nangongolekta ng kandila at ginagawang bola πŸ˜…. Kamusta po ang sitwasyon sa inyong lugar? Sana ay maganda din ang panahon para maidaos ang undas ng maayos.

@ScarletDoll

Gabi na pero andito pa din kami sa cemetery 😁 Ang dami pa din tao kahit gabi na. Pero mamaya ay uuwi na din kami. Mas madami ang pumunta nitong pahapon na kaya mas lalong nag traffic. Meron naman namimigay ng libreng tubig at lugaw sa may entrance kaya maganda din naman ang pamamalalad ngayon. Wala naman gulo na nangyari dahil marami ang nakapalibot na pulis at tanod. Biglang bumuhos din ang ulan kaya nakisilong muna kami dito sa may bubong hehe.

@ScarletDoll

Carbonara at Biko πŸ˜‹ Meron bigay ang kapitbahay namin na carbonara at biko. Sakto naman paguwi namin kanina hehe, ginabi na kami ng uwi dahil pinatapos muna namin yung ulan. Medyo napagod ako dahil nilakad lang namin pauwi hehe. Mahal kasi pamasahe kaya nagtipid na kami πŸ˜…. Medyo busog pa ako kaya hindi pa ako makakatulog nito. Thank you Lord at naging maayos ang undas ngayong taon.

@ScarletDoll

Puto with cheese and Biko πŸ˜‹ May natira pa na biko na bigay ng kapitbahay kagabi kaya dinagdagan ko nalang ng puto para sa almusal ngayon. Kakagising ko lang din kanina at ako ay napagod kahapon hehe pero masaya naman ako dahil ligtas namin naidaos ang undas 2022, Oh ayan tama na yung year na nabanggit ko haha kahapon kasi lagi ko nasasabi yung year 2023 🀣. Pasko na pala ang susunod na event na ating aabangan πŸ₯°. Ramdam ko na din yung hanging pasko na malamig ☺️.

@ScarletDoll

Drying our Clothes under the Sun ☺️ Dahil mainit na ang panahon ulit kaya naisipan ko na ibilad muna ang mga damit ulit bago ko tupiin mamaya. Mas mabango kasi ang damit kapag nasikatan ng araw diba. Kahapon ko pa yan nilabhan pero dahil nagmamadali ako kahapon kaya ipinasok ko din agad sa loob ng bahay. Sa mga maglalaba diyan dalian niyo na magsampay habang may araw pa hehe. Pero tingin ko naman ay magiging maaraw hanggang mamaya. Malapit na din pala ang lunch time kaya…

@ScarletDoll

Dilaw na Papaya πŸ˜‹ Ito ang snack namin ngayon, dilaw na papaya. Syempre bigay ulit ito ng kapitbahay namin. Ang babait talaga ng kapitbahay namin at kahit prutas ay binibugyan din kami. Mabait din naman kami sa kanila kaya never kami nagkaroon ng kaaway dito hehe. Kahit dilaw ang kulay ng papaya ay masarap at matamis na din ang lasa. Yung matitira nito ay ilalagay ko muna sa ref para mamaya may dessert kami after ng dinner. Ang langit gusto nanaman yata magbagsak ng ulan at…

@ScarletDoll

How thrifty are you? πŸ˜„ Kung ako ang tatanungin ay matipid naman ako at hindi basta gumagastos kapag di ko naman kailangan. Pero kung sa pagkain ang paguusapan ay hindi ko minsan matiis na gumastos ng labis hehe. Ang sa akin kasi ayos lang magtipid sa mga materyal na bagay huwag lang sa pagkain. Iyan nalang yung natira sa buong 500 pesos ko. Nabarya na kaya mabilis na yan maubos πŸ˜…. Minsan nakakaloka na din ang mag budget diba, bibili ka pa lang mapapakqmot ka na sa ulo pag…

@ScarletDoll

Before I go to sleep I will update my unread πŸ₯° I still have time to read your contents. Mas makakatulog ako ng mahimbing kapag cleared ko na ang unread hehe. Kay bilis lang talaga ng oras at nalibang lang ako ay alas nuebe na pala ngayon. Mamaya lang aantukin na din ako pero bago mangyari yun mag update muna ako dito. Araw-araw din nakakapagod ano kahit sa bahay ka lang nakilos. Malamang ay tulog na po ang iba sa inyo kaya sweet dreams nalang po.

@ScarletDoll

Suman na yakap πŸ˜‹ Bumili ako ng suman na yakap sa may palengke kanina. Gusto ko kasi ipares ito sa kape ngayong almusal. Akala ko ito yung suman na kamote pero hindi pala, suman na kanin malagkit pala. Pero okay lang at masarap din naman ito πŸ˜‹. 15 pesos ang bawat magkayakap na suman. Hindi pa sumisikat ang araw dito sa amin, mukang magiging maulap ang panahon. Sana ay maging maayos at ligtas ang bagong araw na ito para sa ating lahat πŸ€—.

@ScarletDoll

Sari-saring tinda ☺️ Ngayon lang ulit ako nakakita ng nagtitinda ng mga ganito. Dati kabayo ang gamit nila para mag tulak ng kanilang paninda pero ngayon ay motor na ang gamit. May duyan, basket, bilao at marami pang gamit na gawa sa πŸ€” hindi ko na tanda lung anong materyales diyan pero yung mga pinatyo na pang lala ganun. Ang ganda nung mga gamit na binibili nila. Tatawagin ko nga sana para makatingin ng magandang gamit kaya lang nakakahiya naman if magtatanong lang ako at…

@ScarletDoll

Choco Balls πŸ˜‹πŸ« Nagbili ako ng isang tub na choco balls πŸ˜‹. Kuha na po ang gusto kumain din nito hehe. Hindi pala gasinong matamis ito sakto lang. Para siyang graham balls pero sure ako na hindi graham ang ginamit dito kasi iba ang lasa eh pero masarap pa din naman. Inaabangan ko kung uulan ba o iinit haha, pero kulimlim lang talaga ang panahon. Epekto ba ito ng bagyo o sadyang may topak lang ang weather haha. Oh siya kumain nalang muna tayo at huwag magpakastress.

@ScarletDoll

It's Evening Time πŸŒ‡ Napakaganda ng langit kanina habang patuloy na dumidilim ang paligid. Nakakaaliw pagmasdan ang ganitong tanawin. Nakakawala ng stress at pagod ang makakita ng ganitong kulay na langit. Naghahalong orange, yellow at red color diba 😍. Oras na pala ulit para kumain ng dinner. Sana ay nagustuhan niyo ang pinicturan ko kanina. Sa ngayon hindi naman naulan dito sa amin pero malamig na ang gabi.

@ScarletDoll

Feeling Sleepy 😴 It is about time to go on bed and make a sleep. Fagod na ang ferson sa buong araw na dumaan. May bukas pa kaya nararapat ipahinga na din muna ang mga mata sa paggamit ng phone. Tapusin ko lang yung remaining unread ko tapos tutulog na ako. See you all again tomorrow here at noise app πŸ₯°.

@ScarletDoll

First time to try this CafΓ©Mocha β˜• Good Morning! Ito muna ang binili ko para naman maiba sa panlasa ko. Nasasawa na ko dun sa lasa ng kopiko blanca eh πŸ˜… kaya try ko muna ito inumin. Sumisikat na din ang araw dito sa lugar namin. Ang ganda ng gising ko ngayon πŸ₯°. Makapagtimpla na nga muna ng kape para tuluyan magising ang isipan ko hehe. Biscuit nalang ang ipartner ko dito sa kape. Friday na pala ngayon kaya last day of work and school ng iba πŸ€—. Weekend is coming again 😁.

@ScarletDoll

Ready na ang lunch namin πŸ˜‹ Bumili nalang ako ng lutong ulam sa karinderya kanina. Kaldereta at ginataang papaya po iyan. Naglinis ako ng kwarto ko kaya na bussy ako ng slight. Nag alis kasi ako ng alikabok at inayos ko ulit yung bed sheet. Yun palang ang ginawa ko pero napagod ako agad haha. Mamaya kakain na din kami ng lunch at hinihintay nalang maluto ang kanin sa rice cooker. Kayo po ba ay nakapagluto na ng lunch para mamaya? Matatakam din siguro ako sa inyong mga ulam πŸ˜‹.

@ScarletDoll

5 Pieces Siomai πŸ˜‹ Magandang gabi sa inyo πŸ€—. Share ko lang yung meryenda ko kanina na siomai. Kahit maulan ay sumugod ako sa labas upang humanap ng mabibili para sa aking meryenda πŸ˜‹. Busog na ako sa limang piraso na siomay dahil malalaki din naman ito. Tubig nalang ang ininom ko para tipid kaysa mag softdrinks pa ako hehe. Hanggang ngayon ay umuulan pa din dito sa amin kaya naman mas lumalamig na din ang panahon. Mapapasarap nanaman ang tulog ko nito mamayang gabi.

@ScarletDoll

Friday Night Live Band 🀩 Naririnig ko yung Live Band mula dun sa Food Park sa Bayan. Ang lakas kasi at dahil mahangin kaya mas lalong naririnig hanggang dito sa amin. Every weekend may live band sa food park at marami na din ang customers na kunakain dun. Madami pagpipilian na mga foodtrip dun. Minsan lang ako nakain dun dahil may kamahalan ang mga tinda dun na pagkain. Ugali na din talaga ng mga Pinoy ang mag enjoy tuwing Friday night para naman marelax after ng…

@ScarletDoll

Scrambled Eggs & Dried Fishes πŸ˜‹ Good Morning! Breakfast is served πŸ€—. Gumising na din po kayo at pagsaluhan natin ang simpleng almusal na ito. Kahapon pa ako natatakam sa tuyo na isda kaya heto ang niluto namin for breakfast. Hinihintay nalang yung fried rice hehe. Magtimpla na muna ako ng kape habang hinihintay ang sinangag πŸ˜β˜•. Kailangan mabuspg ngayong umaga para full ang energy at madaming matapos na gawain.

@ScarletDoll

A Mossy Stone 😍 Nagandahan ako sa kulay ng lumot na bumabalot sa bato. Ang bato kasi na iyan ay pinagpapatungan ng paso na may tanim na halaman. Palagi nababasa iyan ng tubig ulan kaya siguro makapal na ang lumot. Ang tingkad ng kulay green ng lumot hehe. Kahit mga puno tinutubuan din ng lumot pati mga pader. Pero kapag mainit ang panahon nawawala din naman yung mga lumot. Dahil kulay green ang crypto ngayon lalo na ang BCH ayan ang entry ko, lumot para kulay green hehe.

@ScarletDoll

Sweetened Pili Nuts πŸ˜‹ Habang naulan ay kakain na muna ako ng sweetened pili nuts na bili ng Mama ko. Ang sarap naman pala nito sana ay nagpabili ako sa kanya ng marami hehe. Aakalain mo na matigas siya kainin dahil may caramel pero hindi malambot ang pili nut at kahit bata kaya nguyain ito. Mas masarap talaga ang pili nuts kaysa peanut hehe. Kuha na po ang gusto ng pili nut diyan habang may laman pa po ito dahil mamaya lang ubos ko na yan hehe.

@ScarletDoll

Book about Dr. Jose Rizal πŸ“– Kahit bata siguro ay kilala ang ating Pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Nung college ako isa yan sa mga subject namin at nagamit ko ang libro na ito sa mga lectures namin. Napalaraming kaganapan sa buhay ni Dr. Jose Rizal at sadyang napakatalino niya. Marami din siyang naging jowa hehe. Kamusta na kaya ang angkan ni Dr. Jose Rizal ngayon ano at nasaan na kaya ang kanyang mga kaapu-apuhan. Kung siya kaya ay nabuhay sa modernong panahon ano…

@ScarletDoll

The moon is bright πŸŒ• Napatingin ako sa langit at nakita ko ang maliwanag na buwan. Malapit na ulit mag full moon kaya maliwanag ang buwan ngayong gabi. Nag effort talaga ako lumabas ng bahay para picturan iyan πŸ˜…. Nakakaramdam na ako ng antok ngayon kaya nararapat lang na itulog ko na din ito. Good night at sweet dreams sa inyong lahat.

@ScarletDoll

Fried rice for breakfast πŸ˜‹ Malamig na umaga noisers πŸ₯Ά. Paggising ko ay giniginaw ako dahil umulan pala. Pero hindi ako magpapatalo sa lamig kaya naman nakapagluto ako ng almusal namin hehe. Fried rice na may konting egg at hotdogs πŸ˜‹. Kahit wala ng kaulam ay pwede na mabusog hehe. Nagtimpla na din ako ng kape upang mainitan ang aking sikmura. Have a blessed sunday morning mga kaibigan πŸ₯°πŸ™πŸ». Pray, eat your breakfast and start working again πŸ€—.

@ScarletDoll

Ginataang Puso ng Saging πŸ˜‹ Ready na ang lunch namin πŸ€—. Kumakain din ba kayo ng puso ng saging? Kami kasi ay oo at ang gusto namin na luto dito ay yung ginataan. Masarap po ito promise 😁. Buti pa yung saging may puso ano samantalang yung nang ghost sa iyo walang puso charot πŸ˜…. Tanghali na pero ang lamig pa din ng panahon, winter season na talaga dito sa Pinas haha assuming lang na may winter season kahit man lang sa imagination ay maranasan ko ang may snow haha.

@ScarletDoll

Looking for New Year's Celebration Decors πŸ₯³ Tumingin ako kanina sa Shopee ng mga i-add to cart ko na mga decors para sa New Year's Celebration. Gusto ko kasi mag decorate kahit simple lang para naman masaya ang pagsalubong namin sa New Year. Hindi pa ko tapos maghanap kung ano ba ang maganda bilhin hehe. Masyado yata akong excited bumili ano haha pero mas okay na yan kasi isasabay ko sa 11.11 sale para free shipping at malaki ang discount sa price. Last year kasi hindi ako…

@ScarletDoll

Eating Chippy for now πŸ˜‹ Naghahanap ako ng maalat na makakain kaya ito ang binili ko, Chippy πŸ˜‹. 8 pesos na ang maliit na balot at napakaunti na ng laman. Tignan niyo wala pang bawas iyan pero konti na agad ang laman πŸ˜…. 80% hangin ang laman haha. Pero masarap naman kaya napapabili pa din ako ng ganito. Gusto ko na gumabi kasi para mas malamig hehe. May KMJS pala mamaya pero kapag naman nanonood ako nun ay inaantok ako dahil sa sobrang dami ng commercials haha.

@ScarletDoll

The sky before evening time 😍 No need for camera filter because it is really beautiful on its own. Lagi ako natingin sa langit lalo na kapag hapon. Sakto at nakita ko na maganda kulay ng langit kaya dali-dali akong nag picture. Maganda naman ang naging kalabasan ng kuha ko πŸ₯°. Nakakarelax pagmasdan kapag ganyan ang langit. Kakaiba din ang ganda ng langit dahil perfect sa picture diba.

@ScarletDoll

Drinking a cup of coffee β˜• This is my morning drink to help awaken my mind and body πŸ€—. How was your sleep last night? Well in my case I slept better too. Maganda na ang sikat ng araw sa labas kaya naman magiging maganda ang salubong natin sa Monday. Back to work at school na ulit kaya marami na sa inyo ang bussy at maagang gumising. Ako naman ay sa bahay lang kaya medyo tanghali na ang gising haha. Inom muna ako ng kape habang nagbabasa ng unread 😁.

@ScarletDoll

Growing so fast 🌱 Unti-unting lumalaki yung tanim ko na sili πŸ₯°. Meron din pala akong golden hands sa pagtatanim. Sana nga ay mabuhay ang mga sili na ito. Excited na tuloy ako mag harvest ng mga sili haha. Kailangan ba madalas diligan ang sili? Hindi ko kasi alam ang tamang pag aalaga sa halaman na ito πŸ˜…. Pero hindi ko siya binibilad ng todo sa araw at baka malanta eh. Nag iisip pa nga ako ng ibang pwede na itanim gaya ng papaya or avocado para naman hindi na ako bibili ng…

@ScarletDoll

I need some Energy Drink ☺️ Feeling tired again and my energy was so drain. Nanlalambot ako ngayon kaya kanina pa ko hindi gasinong active dito sa noise.app. Parang lalagnatin yata ako ulit πŸ˜”. Epekto siguro ito ng init at lamig dahil sa pabago bagong klima. Uminom na din ako ng gamot at medyo inaantok na ako ngayon. Maulan dito sa amin ngayon kaya mas giniginaw ako.

@ScarletDoll

Our weather right now πŸ₯° Kanina umulan pero ngayon gumanda na ulit ang langit. Kay lamig pa din ng simoy ng hangin. Effective talaga yung gatorade na ininom ko kanina dahil bumalik na ang sigla sa aking katawan. Kaya naman magiingay na ulit ako dito sa noise.app haha πŸ˜…. Ano kaya ang dinner namin ngayon πŸ€”. See you later again at tignan ko muna kung ano niluluto sa aming kusina hehe.

@ScarletDoll

Frutos Chewy Sampalok 🍬 Good evening po sa inyong lahat. Masarap din pala ang frutos candy na sampalok flavor. Piso per piraso ang bili ko nito at maliit lang ang candy na yan. Tamang nguya lang muna ako ng candy before mag toothbrush hehe. Mamaya lang ay tutulog na din ako at ng makatulog ng mahabang oras. Ayoko na muna magpuyat ngayon at baka sumama ang pakiramdam ko bukas.

@ScarletDoll

Chicken Curry is my breakfast πŸ˜‹ Good morning lovely noisers! Maulan ang umaga namin dito ngayon kaya naman ang lamig ulit πŸ₯Ά. Pero syempre need bumangon ng maaga para on time ang almusal. Kumakain din ba kayo ng chicken curry? Siguro ay oo ang sagot niyo kaya naman saluhan niyo na po ako sa aking almusal πŸ€—. Tuesday lang pala pero feeling ko Friday na haha, excited lang mag weekend 🀣. Gising na din po kayo para hindi tanghaliin sa trabaho at school.

@ScarletDoll

My sister's shoes has been repaired πŸ‘Ÿ Ang naging sira talaga niyan ay yung sa gilid natatanggal na ang dikit. Kaya naman para mas maging matibay yung sapatos ay pinatahian niya yung gilid. Nanghihinayang kasi siya dahil original Nike na sapatos iyan at regalo pati sa kanya. Ang gaan niyan sobra kaya masarap isuot kaya lang hindi naman kasya sa akin yan haha. Mas matibay talaga ang sapatos kapag may tahi sa gilid kaysa yung naka glue lang diba.

@ScarletDoll

Tinolang Tilapia πŸ˜‹ Luto na ang dinner namin hehe. Ang aga namin magluto ano πŸ˜…. Maaga kami kakain kasi ng dinner ngayon at nakakatamad na kasi kumilos mamaya dahil malamig na. Sakto naman ang ulam namin dahil may sabaw na mainit. Mapapasarap ako ng kain nito mamaya. Kayo po ba ay nakaisip na ng lukutuin para mamayang dinner? Ilang oras nalang po at mag gagabi na rin kaya dapat umpisahan na ang pag prepare ng dinner.

@ScarletDoll

The Blood Moon πŸŒ•πŸ˜ Dahil maulap ang kalangitan ngayong gabi kaya hindi ko makita ang Total Lunar Eclipse or Blood Moon. Syempre merong youtube live streaming kaya mas malinaw ko nakita ang blood moon 😁. Ang galing ng mga telescope nila at kitang kita nila yung closer look ng buwan ngayon. Matagal na daw ito mauulit kaya worth it tignan ang buwan. Siguro kayo ay nanonood din sa youtube ng live streaming tungkol sa Total Luna Eclipse gaya ko hehe.

@ScarletDoll

Stir Fry Squash πŸ˜‹ Good Morning! Wednesday na agad hehe πŸ₯°. Ang lamig ngayong umaga at hindi pa din nasikat ang araw dito sa amin. Ginisang kalabasa ang almusal namin ngayon. Mainam kumain ng kalabasa para luminaw ang mga mata. Isa din ang kalabasa sa nagustuhan ko na gulay. Marami din recipe ang pwede gawin diyan gaya ng lumpia, ginataan at pede rin yan sa dessert gagawing cupcake πŸ˜‹. Masarap din naman ang kalabasa at medyo manamis namis ang lasa niyan.

@ScarletDoll

Red is for Rambutan fruit ❀ Sa mga gusto po kumuha ng rambutan ay pumila lang po ng maayos haha. Bumili yung kapatid ko ng rambutan kanina, di ko alam kung sa palengke ba niya ito nabili. Pero matamis ang rambutan na ito kaya naka apat ako agad hehe. Kaya naman itinabi ko na ulit at baka ako pa makaubos hahaha. May rambutan pa pala na nabibili ngayon, akala ko tapos na ang season nito eh.

@ScarletDoll

Potato Rings Barbeque Flavor πŸ˜‹ Roller Coaster for short πŸ˜…. Kain muna tayo ulit at wala ako magawa eh. Hindi naman ako makatulog kaya tatambay na ulit ako dito sa noise.app πŸ₯°. Noong bata ako ginagawa ko yan na singsing haha kasi diba kapag bata maliit pa ang daliri kaya kasya ang roller coaster πŸ˜…, tsaka ko naman kakainin haha. Mula noon hanggang ngayon ay masarap pa din ito na chichirya at lagi ko rin iyan binibili. Mahal na nga pang ang bili ko sa maliit na pack nasa 8 pesos…

@ScarletDoll

Organic Eggs for dinner πŸ€— Magluluto ako mamaya ng scrambled eggs at itong mga organic eggs ang gagamitin ko. May mga nagsasabi na mas healhy daw kapag organic egg. Color brown yung shell nito at kaparehas din naman ng size sa puting itlog. Madalas kasi puting itlog ang niluluto namin pero yung nabili ngayon ng kapatid ko ay organic egg. Malalqmqn mamaya kung masarap din ito hehe. Simplehan ko nalang ang dinner namin mamaya kasi mga busog pa mga kasama ko sa bahay at tiyak…

@ScarletDoll

A Golden Cloud ☁️ Before I go to sleep I want to share with you what I captured earlier. It was around 5pm and the cloud is like a gold in the sky. I feel great when I captured this scene πŸ₯°. Nagandahan lang ako sa pinicturan ko kanina hehe. Feeling photographer ako kanina 🀣. Ang saya lang din ng araw na ito lahit na nakakapagod din. Good night na po muna and see you all again tomorrow.

@ScarletDoll

A simple breakfast πŸ₯° Simplehan ko muna ang breakfast ko ngayon. Tinatamad pa kasi ako pumunta ng palengke at para bang ang bigat ng pakiramdam ko kanina. Medyo tamlay pa ko kumilos kaya heto muna ang kakainin ko sa almusal, bawi nalang ako sa snack ko mamaya. Wala pa ang sikat ng araw at mukang magiging maulap ulit ngayon. Tayo ay gumising na at bumangon na tayo para gawing makabuluhan ang araw na ito.

@ScarletDoll

White and Green, Clean and Bright 🌱 Ito nalang po ang tignan niyo kaysa ang red market 🀣. Atleast itong halaman na ito corlor green diba hehe. Isa yan sa mga halaman ni Mama na nagagandahan ako sa dahon. Kakaiba kasi siya sa paningin ko at maganda pa picturan. Sabi nga nila kapag malungkot ka o may problema ay dapat aliwin mo din muna ang sarili mo sa mga bagay na magpapasaya sa iyo at maglalagay ng ngiti sa iyong mukha. Good vibes lang po tayo this morning at bawal ang sad…

@ScarletDoll

Young Pork Tocino πŸ˜‹ Tapos na po kami kumain ng dinner hehe. Ang aga ano po πŸ˜… kaya busog na po ako. Ang sarap ng kain ko sa tocino dahil sinawsaw ko sa suka πŸ˜‹. Bigla din bumuhos ngayon ang malakas na ulan at ang lakas din ng hangin. Malamig nanaman ngayong gabi kaya mapapakumot ako nito mamaya pag matulog na ako. Sino pala dito yung mga nag sign-up dun sa "heromining" gamit yung referral link ko? Dalawa lang kasi yung nakausap ko at naexplain ko sa kanila yung gagawin pero…

@ScarletDoll

I feel so sleepy 😴 Napapapikit na ako dahil antok na talaga. Gustuhin ko man mag online pero hindi ko na kayang labanan ang antok ko πŸ˜…. Ang lamig kasi dahil sa ulan kaya siguro inantok na ako. Hindi kasi ako natulog kaninang tanghali kaya naman ang energy ko ngayon ay very low na. See you all again bukas ng umaga at tayo ay magiingay ulit. Sweet dreams din po para sa inyong lahat, pray also before you sleep 😊.

@ScarletDoll

Shopee 11.11 Mega Pamasko Sale πŸ€— Lahat ba nakapag add to cart na kay Shopee? Ako kasi hindi pa hahaha 🀣. Ang binili ko pa lang ay Mobile Load para makatipid ako dahil discounted ang price hehe. Pero naalala ko titingin pa ako ng mga pang decors para sa New Year Celebration dito sa bahay. Syempre dun ako sa mas malaki ang discount para less gastos hehe. Tamang scroll muna sa flash deals para makahanap ng best items at lower prices 😁. Kayo po ba magpapabudol ulit kay Shopee? πŸ˜…

@ScarletDoll

Sea of Clouds 🌫 Ganyan ang langit dito sa amin ngayon, puno ng makakapal na ulap. Malamig din ang hangin at tila ba uulan nanaman. Kapag ganito ang weather ay tinatamad talaga ako kumilos at parang gusto ko nalang matulig ulit πŸ˜…. Nakakatamlay talaga kapag walang sikat ng araw. Kamusta ang weather sa lugar niyo? Tinatamad din ako maligo dahil ang lamig ng tubig 🀣. Paano pa kaya kung may snow sa Pilipinas baka hindi na ko lumabas pa ng bahay nun hahaha.

@ScarletDoll

Mentos Soda Kick 🍬 Mag alas dos na agad ng hapon. Kay bilis talaga ng oras kapag na bussy hehe. Meron na palang ganito na mentos, soda flavor na melon, strawberry at grape. Masarap din at mas gusto ko ito kaysa dun sa white na mentos. Tamang nguya pang muna ng candies habang nag iisip ng masarap na meryenda. Literal na nagiisip lang dahil imagination lang hahaha. Nangangarap lang ako na marami akong food ngayon tapos nag mukbang ako. Oh diba ginugutom ko lalo ang sarili ko 🀣.

@ScarletDoll

Tiny Red Flowers 🌷 Good afternoon πŸ€—, pauwi na ba ang lahat sa bahay? Ingat po sa biyahe 😊. Alam ko excited na din kayo dahil umpisa na ulit ng rest day. Para sumaya ang inyong hapon ay nag picture ako ng magandang halaman na maraming pulang bulaklak. Isa yan sa mga halaman ng Mama ko at hanggang ngayon ay hitik pa din sa bulaklak. Maganda din ang mga dahon niyan. Sana ay mapawi ang pagod at stress niyo sa pagtingin sa halaman na iyan.

@ScarletDoll

Happy Friday Night πŸ₯³ Na bussy lang ako kanina dahil nalibang ako sa panonood ng mga youtube vlogs ng celebrities hehe. Paminsan minsan ay meed din naman natin mag relax para di tayo ma stress sa life. Hindi pa ako inaantok kaya tatambay muna ako dito sa noise πŸ€—. Mag download sana ako ng movie kaya lang di ko alam kung saan pwede mag download yung free lang sana.

@ScarletDoll

Papaya for my breakfast πŸ˜‹ Good morning! Enjoy lang natin ang sabado πŸ€—. Okay lang gumising ng tanghali para makabawi naman sa tulog. Pero kahit sabado ay gumising pa din ako ng maaga. Ito muna ang kakainin ko for breakfast ang hinog na papaya πŸ˜‹. Healthy living na muna ako πŸ˜… kunyare diet ako talaga haha. Yung kapitbahay namin naaamoy ko ang niluluto nila parang nag fried rice dahil amoy ko yung ginisang bawang πŸ˜‹πŸ˜.

@ScarletDoll

Done washing my laundry 🧺 Fagod ang ferson sa paglalaba haha πŸ˜‚. Inuna ko na taousin ang pabahin at sayang ang sikat ng araw ngayon. Mabango na ulit ang aking kumot at bed sheet. Ariel powder at downy lagi ang gamit ko sa paglalaba para mabangi ang damit umaraw man o umulan 😊. Napagod ako sa pagbabanlaw dahil ang bigat nung kumot kapag pinipiga. Kaya naman ngayon may time na ako tumambay muna dito sa noise.app πŸ€—.

@ScarletDoll

Kepeng for snack later Nagbili ako ng dalawang balot na kepeng. Ito yung prito na miki na kulay puti. Masarap ito isawsaw sa suka na maanghang πŸ˜‹. 10 pesos ang bili ko per balot. Kumakain din ba kayo ng kepeng? Masarap po ito dahil malutong yan. Mamaya ko pa iyan kakainin pag mag meryenda na ako. Iidlip muna ako dahil inantok ako bigla. Busog pa din naman ako dahil katatapos ko lang mag lunch kanina. Oh siya time to make some nap na muna at mamaya ulit ako mag ingay mag…

@ScarletDoll

Dried Flowers πŸ₯€ Nag photo shoot ako kanina ng tuyong rose πŸ₯°. Ayan ang kinalabasan ng picture. Ang ganda pa din pagmasdan kahit lanta na yung mga bulaklak. Maganda yan pang design sa mga photo album or kaya naman sa scrapbook. Yung iba iniipit yan sa libro. Pero kung iisipin minsan ng naging maganda ang bulaklak pero darating din yung time na kahit anong gawin ay malalanta pa din. Magandang hapon sa inyo πŸ€—, oras nanaman para umisip ng uulamin mamayang dinner.

@ScarletDoll

Registered to Go+99 Nag expired na yung load ko kaya naman nag register ulit ako sa Go+99 ng Globe. Iyan ang palagi ko niloload sa sim ko dahil sakto lang sa akin yung consumable na data niyan for 7 days only. Buti nalang at may mga side hustles ako na napagkukunan ko ng pang load every week. Wala naman kasi kaming wifi kaya sa load lang ako umaasa para makapag online everyday.

@ScarletDoll

Kutsinta for breakfast πŸ˜‹ Lahat ba ay gumising na? πŸ€— Mas lalong lumamig ang morning dahil umaambon ngayon. Nagbili ako ng dalawang balot na kutsinta na may kasamang niyog. Ipapares ko iyan sa kapeng mainit β˜•. Maswerte din talaga ako at marami nagtitinda ng iba't ibang kakanin dito sa amin kahot linggo pa. Sa ganitong klase ng almusal ay solb na talaga ako πŸ˜‹. Sabayan niyo na rin ako mag almusal ngayon habang nagbabasa ng unread dito sa noise.app. May we all have a blessed…

@ScarletDoll

It' Raining Again 🌧 Lumabas pa din ako ng bahay kahit na umuulan ngayon. May kailangan lang ako bilhin hehe. Nag withdraw pati ako ng pera pambayad ng Water and Electric Bills. Lilipad nanaman ang pera papuntang bills haha. Pero mas okay na may naka ready ng pambayad para hindi na nakaka stress. Pauwi na din naman ako sa bahay kaya makakapahinga na din mamaya. Sarap matulig mamaya at malamig ang panahon kaya lang hindi ako inaantok kapag naumpisahan ko mag cellphone haha.

@ScarletDoll

Butter Coconut Biscuits πŸ˜‹ Nagbili rin ako nito kanina kasi favorite ko na biscuit ito. Ito yung biscuit na kahit walang palaman ay nasasarapan ako. Sakto lang din yung tamis ng butter and coconut flavor nito. Minsan nga biscuit lang din ang kinakain ko na almusal. Mahilig din ako kumain ng mga toasted bread. Hindi na muna ako bumili ng chichirya dahil ayoko muna at masama sa health iyon at baka magka uti pa ako. Hindi ako makatulog ngayon kaya naman idadaan ko nalang sa kain…

@ScarletDoll

Manok na Pula ❀ Pa mine na po itong manok na pula πŸ˜‚. Alaga iyan ni Papa pero ibebenta ko nalang sa inyo kahit wampipti nalang haha. Reason for selling: Maingay sa umaga, malakas sa feeds at suplado 🀣. Nilapitan ko lang para picturan pero may attitude na oh. Tignan niyo yung mata niya nanlilisik sa akin πŸ˜…. Ewan ko ba kung anong meron sa manok na ito at alagang alaga eh. Masarap kaya ito sa tinola? Hehehe

@ScarletDoll

Grasshopper is in the house πŸ¦— Napasigaw yung kapatid ko dahil nakita niya ang malaki na tipaklong sa towel niya πŸ˜…. Ang laki nga kaya sabi ko sa kanya ay tutukan ng flashlight at picturan ko. After ko ma picturan ay kumuha yung kapatid ko ng garapon at dun namin hinuli. Don't worry dahil pinakawalan namin sa labas ng bahay yung tipaklong at naligaw lang yan kaya napapasok sa loob ng bahay namin. Green na green ang kulay niya at natatakot din akong hawakan iyan hehe.

@ScarletDoll

Kape at Pandesal πŸ˜‹β˜• Monday na! Gising na! Good morning ulit sa inyong lahat. Umpisahan natin ang week na ito na puno ng sigla at saya. Ito nga pala ang almusal ko para sa araw na ito, kape at pandesal. Walang palaman ang pandesal kaya sasaw nalang muna sa kape. Importante na kumain tayo ng almusal para may sapat tayong lakas sa araw na ito. Naway maging ligtas at masaya ang ating monday πŸ₯°.

@ScarletDoll

Payment for Water and Electric Bills πŸ’΅ Nag withdraw na ako kahapon ng pambayad sa utility bills namin. Kung maaari lang talaga pang shopling ko sa mall iyan pero hindi pwede. Malaki pa din ang binabayaran namin sa tubig nasa 1,400 pesos at yung sa kuryente naman ay umaabot ng 3k maswerte na kapag bumaba yun. Sadyang mahal po ang tubig at kuryente dito sa amin maging sa mga kalitbahay namin ganun din. Hindi naman kalakihan ang aming bahay at konti lang din ang appliances…

@ScarletDoll

Have you noticed that today there was no donations here at noise.app? Nag check ako ngayon ulit ng coins.ph ko at ang last na nakareceived ako ng donation mula dito sa noise.app ay 9:56pm Philippine Time. Nahinto bigla ang pag distribute ng donations. Napansin niyo din ba iyon? Medyo nababahala lang ako kasi kanina pa wala. Samantala kahapon okay naman. Ano kaya ang nangyayari sa noise.app ngayon? πŸ€” Please let me know if you also experiencing this one, Thanks.

@ScarletDoll

Choco Choco Sticks πŸ˜‹ Sino sa inyo ang mahilig kumain nito? Taas ang kamay at paa charot haha. Alam niyo ba na minsan pinapalaman ko iyan sa tinapay πŸ˜‹. Masarap kasi at tama lang yung level of sweetness niyan. Piso isa lang yan pero mas maliit na ngayon kaysa yung nabibili dati. Pwede na din pantanggal umay after kumain ng lunch or dinner. Maraming bata din ang paborito ito bilhin kaya naman mabilis maubos sa sari-sari store.

@ScarletDoll

Garlic Longganisa πŸ˜‹ Ito nga pala ang dinner namin kanina, late ko na naishare ditl dahil mas inuna ko muna ang kumain hehe. Dahil busog na ako ulit ay tatambay naman muna ako dito sa noise. Mas gusto ko ang garlic longganisa kaysa dun sa matamis ang lasa. Suka pala ang ginamit ko na sawsawan para diyan πŸ˜‹. Syempre matik na marami ulit ako nakain na rice hehe. May bago na palang update πŸ₯°, ang "Edit" button na matagal na nating hinihiling. Mas gumaganda talaga ang noise.app at…

@ScarletDoll

Dried Fish (Tuyo) for breakfast πŸ˜‹ Maulan ang Tuesday morning dito sa amin kaya naman super lamig din. Tuyo nga pala ang niluto ko para sa almusal πŸ˜‹. Masarap iyan sa suka o atchara. Bagay din iyan kainin kung may fried rice o sinangag. Magtimpla na muna ako ng kape at ako'y nilalamig talaga ngayon hehe. Sana ay maaga din kayo nagising ngayon. Ingat sa mga aalis ng bahay dahil maulan ngayon at kung maganda naman ang weather sa inyo ay enjoy the sunlight po πŸ₯°.

@ScarletDoll

Apples 🍎 and Pear 🍐 Bumili ako sa palengke kanina ng mga prutas. 3 pieces for 50 pesos ang apples at yung peras naman ay 35 pesos ang isang piraso. 85 pesos lahat ng napamili ko sa prutas na iyan. Okay lang gumastos basta sa pagkain naman mapupunta πŸ€—. Mahilig din ba kayo sa apple at pear? Ako kasi ay oo hehe. Buti nalang kanina ay huminto ang ulan kaya nakapaglakad ako at nakatipid pa sa pamasahe. Sana naman gumanda na ang weather o di naman ay huwag nalang muna umulan kahit…

@ScarletDoll

I am now here in a Mall πŸ€— Magandang tanghali noisers! Mag window shopping lang muna ako ngayon hehe. Ang daming naka sale ngayon dito at ang gaganda ng mga Christmas decors na naka display. Mag tatanggal lang muna ako ng stress at maglilibot dito sa mall. May bibilhin din naman kasi ako kaya susulitin ko na habang andito ako sa mall kaya gala mode ang ferson ngayon haha. Bahala na kung ano ang mabili pero more on tingin lang muna sa mga naka sale na items. Baka may mabili na…

@ScarletDoll

Jollibee for today's video πŸ˜‹ Isa pa, Isa pang Chicken Joy 😁. Finally nakapag Jollibee din after so many years hahaha. Dahil nasa mall lang din naman ako kaya kakain na ako dito sa Jollibee. Matagal na talaga ako nag crave sa chicken ng Jollibee pati yung chocolate sundae nila. Langhap sarap talaga ang ganitong pagkain kahit medyo nagmahal na. Dahil food naman ito kaya hindi na ko nanghinayang gumastos, atleast mabubusog naman ako. After ko kumain ay uuwi na din ako at sobra…

@ScarletDoll

Coffee and cheese wafers β˜• Wake up! It's wednesday already πŸ₯°. Siguro marami ang masaya kahapon kasi payday hehe. Sana ay masaya ulit ang gising niyo. Heto ako umiinom na ng kape at nakain ng cheese wafers. Maaga ulit ako nagising ngayon at medyo antok pa dahil maulan nanaman ang weather namin. Namiss ko na yung notifs ko sa aking BCH wallet, sana bumalik na ang generous donor(s) natin dito. Pero kahit tahimik ang bch wallet natin ay patuloy pa din tayo mag ingay dito πŸ₯°.

@ScarletDoll

Multivitamin is good for the body ☺️ Umiinom din ba kayo ng multivitamin araw-araw? Ako kasi ay oo dahil nakakatulong iyan para palakasin ang aking resistensya. Marami na din akong nasubukan na vitamins gaya ng Centrum, Enervon C, Poten C, Cherifer, Myra E at iba pa. Lahat ng nabanggit ko ay maganda naman ang effect sa aking katawan. May time lang din talaga na gusto ko mag try ng ibang vitamins. Pero nung nag take ako ng vitamins ay madalang na ako ubuhin, sipunin at…

@ScarletDoll

Zero BCH Balance ☹ Hanggang ngayon napapaisip pa din talaga ako kung ano ba ang nangyayari sa noise.app. Magagaya na din kaya ito sa noise.cash? Huwag naman sana πŸ˜₯. Malaking tulong na din kasi sa akin yung naiipon ko rito na mga donations. Dahil sa noise.app nakakakuha ako ng pambili ko ng foods at pandagdag sa pambayad ng bills namin, dito ko rin nakukuha yung pang load ko every week. Sana bumalik na sa dati πŸ™πŸ», balik ka na ulit Santa Claus.

@ScarletDoll

Tender Juicy Hotdogs πŸ˜‹ Magluluto pa lang ako ng breakfast ngayon. Hotdogs muna ang iulam namin sa kanin. Later magtimpla na din ako ng kape β˜•. Ang choice ko talaga ay yung Tender Juicy na brand dahil ang sarap ng hotdog na yan. Mabilis lang naman ito lutuin. Pakuluan ko muna saglit sa konting tubig tsaka ko iprito sa mantika. Umuulan pa din dito sa amin ngayon, kagabi ay mas malakas ang ulan. Sabi nila blessing daw iyan kapag naulan, sana nga may blessing na tayo ulit hehe.

@ScarletDoll

Heart Shaped plant πŸŒ±πŸ’š Tignan niyo po ang halaman na ito πŸ₯°. Hugis puso ang mga dahon niya at pahaba ang tubo ng halaman na ito. Kung kakapal ito ay mas maganda kung naka hang ito. Sana ay mapadami namin para may pang display kami sa harapan ng bahay namin. Gandang ganda takaga ako sa halaman na ito at ang cute din ng size ng mga dahon nito. Kamusta na po kayong lahat? Medyo tumahimik na po dito sa noise.app ngayon compared nung mga nakaraang araw.

@ScarletDoll

Playing a Piano 🎹🎢 Natutuwa ako dito sa laruan na ito hehe. Hindi man ako marunong mag piano pero pindot lang ng pindot haha. Made from rubber siya at flat yung keyboards ng piano. May lagayan iyan ng batteries sa likod. Sino marunong mag piano sa inyo? Turuan niyo naman ako πŸ˜…. Matagal na ito sa bahay pero ngayon ko lang ulit nilagyan ng batteries. Nakakalibang din naman laruin ito. Meron din automatic na tunes pero mas gusto ko yung ako yung napindot sa keyboards hehe.

@ScarletDoll

Thak you Lord for waking me up ❀ There are lot of things to be thankful and joyful for and one of these is to wake up this morning. I dont have any breakfast to share for now because I am still in my bed enjoying the cold morning. Yes! I am feeling lazy today and that is normal to be feel. By the way how was your BCH wallet? Do you have any incoming donations? I hope everything will be back to normal. Today my unread reaches only 70. I am expecting it would gonna be 99+ but…

@ScarletDoll

I received BCH again from noise.app πŸ€‘β€ After 4 days of waiting, finally meron na ulit laman ang BCH wallet ko sa coins.ph at alam ko galing iyan sa noise.app πŸ₯°. Kung kanino man po iyan galing ay sobrang thankful po ako ☺️. Ito na kaya ang pagbabalik ng donations dito sa noise.app? Malalaman natin sa mga susunod na oras hehe. Kaya naman mag ingay na mga noisers πŸ€—. Kayo rin ba may natanggap na ayuda ngayon from noise.app? Hoping ako na back to normal na ulit dito sa noise.app…

@ScarletDoll

Top 6 for the 1st Quarter ❀ Kanina pala nagbigayan ng grades ang school kung saan nag aaral ang kapatid ko. I am so proud na nakakuha siya ng matataas na grades at napabilang pa sa Top 6. Nung highschool ako pahirapan ako makakuha ng ganyang grades pero siya parang easy lang sa kanya hehe. Sana ay maipagpatuloy pa niya ang pagaaral ng mabuti. Dahil diyan binigyan siya ni Mama ng rewards para makapasyal sa mall ngayon kasama ng mga kaklase niya. Need din naman niya magsaya…

@ScarletDoll

Egg Sandwich for breakfast πŸ₯ͺ Good morning! Happy Saturday sa inyong lahat. Maaga pa din ako nagising kahit weekend ngayon dahil nasanay na ako hehe. I made some egg sandwich πŸ₯ͺ this morning πŸ˜‹. Nagbili na ako kagabi sa bakery ng tasty bread dahil kung ngayong umaga ako bibili ay mauubusan ako. Syempre ang kapartner niyan ay coffee β˜•. Mukang maulan nanaman ang umaga dahil madilim nanaman ang kaulapan dito sa amin. Mas lalong lumalamig tuloy sa umaga. Ilang weeks nalang at pasko…

@ScarletDoll

Rainy Saturday Morning 🌧 Hanggang ngayon ay umuulan pa din dito sa amin. Ang lamig naman sobra ngayon kaya naman naligo na ako ng maaga. Mamaya kasi mas malamig na ang tubig kaya tatamarin na ako maligo haha. Ang sarap matulog ngayon dahil ang lamig ng hangin. Pero yung mga sinampay namin na damit ay hindi pa matuyo tuyo. Kamusta po sa inyong mga lugar? Maulan din po ba hanggang ngayon? Enjoy nalang po natin ang malamig na panahon ☺️.

@ScarletDoll

Christmas Lights πŸ₯° Challenged Accepted! By @ChuCha πŸ€—. Here is my goal for this afternoon, to look for a cheaper christmas lights. Naiinggit kasi ako sa mga kapitbahay namin na meron na Christmas Lights sa mga bahay nila. Ang hinahanap ko ay yung solar christmas lights para hindi kokonsumo sa kuryente namin. Kaya lang wala naman solar christmas lights dito sa mall na pinuntahan ko. Dahil naulan pa din sa labas kaya dito na muna ako sa loob ng mall tatambay at mag iikot hehe.…

@ScarletDoll

Sopas for Dinner πŸ₯£ Ito po ang dinner namin ngayon, sopas πŸ˜‹. Malamig kasi ngayong gabi kaya ito ang niluto namin. Ginisa lang sa cornedbeef, repolyo at hotdog. Hindi na namin nilagyan ng gatas hehe. Masarap naman ang lasa dahil knorr cubes ang seasoning na nilagay namin. In demand ang may sabaw na mainit ngayon dahil malamig ang panahon. Nakakabusog din ito gawa nung pasta. Nakakatamlay kasi kumain ng rice kapag ganitong malamig ang panahon. Kayo po ano ang dinner niyo?

@ScarletDoll

Kape at pandesal πŸ˜‹β˜• Good Morning! Have a blessed Sunday po sa inyong lahat πŸ₯°. Napasarap masyado ang tulog ko dahil sobrang lamig kagabi. Pero maaga naman ako nakabangon para mag ready ng almusal ko. Simple lang muna ang almusal ko, pandesal at kape πŸ˜‹. Wala nanaman akong palaman sa pandesal kaya isawsaw ko nalang ulit sa kape hehe. Panalangin ko na huwag naman sana umulan ngayon at yung mga sinampay namin na nga damit ay hindi pa din natutuyo hanggang ngayon.

@ScarletDoll

Preparing for lunch later πŸ€— Fried tilapia ang ulam namin mamaya. Si Papa ko ang magluluto nito kaya ako ay sitting pretty lang sa bahay haha. Tamang cellphone lang muna ako ngayon. Kamusta po kayong lahat? Bussy na po ba kayo sa pagluluto ng lunch niyo para mamaya? Marahil ay masasarap po ang lulutuin niyo ngayon. Pinagbigyan ang kahilingan ko na umaraw muli. Sana huwag na muna umulan para naman mabilad ko sa araw ang mga sinampay namin na damit.

@ScarletDoll

Milktea πŸ₯€ and Cheesy Fries 🍟 Forda snack muna ang mga ferson. Kasama ko dito sa mall ang dalawa kong pinsan. Sinamahan ko at bibili daw ng accessories sa cellphone nila kaya naman sumama naman ako para malibang din hehe. Nilibre ako ng milktea at hati-hati kami sa mega fries ng potato corner πŸ˜‹. Ang flavors pala ng milktea na inorder namin ay mango yakult, strawberry machiato at matcha-pearl fresh milk. Masarap naman po yung milktea nila at mamimili ka din kung ilang percent…

@ScarletDoll

Tempered Glass for Iphone πŸ“± Tinulungan ko yung pinsan ko na ilagay sa screen ng Iphone niya yung tempered glass na binili kanina. Buti pa siya naka Iphone hehe. Madali lang naman ikabit yung tempered glass basta napunasan maigi yung screen ng phone. Malaking tulong din kasi na may tempered glass para in case na malaglag ng di sinasadya yung phone ay di mababasag agad yung screen. Sabi niya 7k lang ang bili niya sa Iphone 7 na iyan, mas mura na dahil may latest na Iphone 14…

@ScarletDoll

Fried Rice for breakfast πŸ˜‹ Happy Monday Morning! Gising na ba ang lahat? Mukang bussy na po kayo pag prepare sa school at work. Nagluto po ako ng fried rice ngayon πŸ˜‹. Simple lang ang lahok, egg at hotdog lang po. Timpla nalang ako ng kape para makakain na din ng masarap na almusal. Umuulan po ulit dito sa amin kaya naman ang lamug ng umaga. Pero need labanan ang lamig dahil baka tamarin tayo hehe monday pa naman πŸ˜….

@ScarletDoll

Fried Chicken for Lunch πŸ— Magandang tanghali πŸ€—, nakapagluto na ako ng lunch namin. Nag prito ako ng manok dahil nag crave ako dito hehe. Niluto ko na ng maaga para wala na masyado gagawin mamaya hehe. Uulan siguro ng malakas mamaya at sobrang kapal ng ulap dito sa amin. Tinatamad tuloy ako maligo dahil malamig ang panahon, need ko magpainit ng tubig nito mamaya. Nakaluto na din ba kayo ng lunch niyo para mamaya?

@ScarletDoll

Colorful Oil Pastel 🎨 Dahil wala ako magawa ngayon ito ang pagkakaabalahan ko ngayon. Mag drawing ako gamit ang oil pastel. Later i-share ko dito ang natapos ko na drawing. Huwag po kayo mag expect ng sobrang ganda dahil hindi ako kagalingan sa art hehe. Gusto ko lang mag libang muna ngayong hapon. Nakakarelax din daw kasi kapag nag drawing. Pero nung bata ako mahilig ako mag color talaga at gusto ko maraming kulay ako na magagamit hehe.

@ScarletDoll

My Final Artwork πŸŽ„ Kanina nag drawing ako using oil pastel colors. Christmas Tree ang naisip ko na gawin para sakto sa darating na pasko hehe. Nilagyan ko na rin ng mga regalo sa ilalim. May star sa pinakaitaas, mga christmas balls at makukulay na decors. Maganda ba ang drawing ko? πŸ˜… Iyan lang ang nakayanan ng mahiwagang kamay ko hehe. Wala kasi kaming christmas tree ngayon dito sa bahay kaya nag imagine nalang ako ng hitsura ng christmas tree na gusto ko πŸ₯°πŸŽ„.

@ScarletDoll

Biscocho and Ube Bread πŸ˜‹ Super aga ko gumising kanina kaya nagpunta na agad ako sa bakery para bumili ng mga tinapay. Ang biscocho ay toasted bread na nilagyan ng sugar. Yung buns naman ay may ube na palaman πŸ˜‹. Masarap po iyan kapartner ng kape β˜•. Tara na po at mag almusal na tayo πŸ€—. Sobrang lamig nanaman ng umaga dahil umulan ngayon. Nawala antok ko nung naamoy ko na ang aroma ng kape hehe. Gising na din ba kayo?

@ScarletDoll

Cornedbeef with Patatas πŸ€— Ito po ang lulutuin ko mamayang lunch. Grabe ang presyo ng sibuyas mas mahal pa sa kilo ng patatas. Isang piraso na sibuyas ay nasa 13 pesos na agad. Nakakaiyak nga sadya ang presyo ng sibuyas ah. Lagi pa naman iyan ginagamit sa pagluluto ngayon. Ano na ba ang nangyayari sa Pilipinas lahat nalang tumataas ang presyo πŸ˜…. Iyan pa lang ang binili ko ay nasa 159 pesos na lahat. Take note wala pa mantika diyan hehe.

@ScarletDoll

Ulam namin kaninang lunch πŸ˜‹ Ito po ang ulam na kinain namin kanina. Sobrang sarap basta may patatas ang corned beef. Naparami din ako ng kain kanina kaya hanggang ngayon ay busog pa din ako 😁. Inaantok na din ako ngayon kaya hihiga muna ako at bahala na kung makatulog o hindi haha. Sarap kasi nung hangin dito kahit mainit ang panahon. Talagang ramdam mo sa hangin yung lamig. Kamusta po kayo ngayong hapon? Bussy pa din po ba kayo?

@ScarletDoll

Rite N' Lite Drink πŸ˜‹ Lychee + Rose Kanina sa 7/11 ay naghahanap ako ng maiinom. Medyo na curious ako dito sa lychee + rose drink na ito kaya binili ko agad hehe. Lasang lychee lang naman siya na soda pero asan yung lasa ng rose hehe. Limited edition ang nakalagay dun sa can. Masarap din naman yung lasa at sakto lang ang tamis. 29 pesos lang ang bili ko diyan. Next time try ko naman yung ibang flavor. Magandang gabi sa inyo πŸ€—, nakapag dinner na ba kayo?

@ScarletDoll

Pilipit na kakanin πŸ˜‹ Ang pilipit po ay gawa sa giniling na malagkit na kanin o glutinous rice. Ang way po para maluto iyan ay piniprito. Ang pinaka labas niya ay may asukal at yun ang nagbibigay sarap sa pilipit. Kaya po pilipit ang tawag ay dahil korteng "8" ito na parang pinilipit. Masarap po ang ganitong almusal πŸ˜‹. Kadadaan lang nung nagtitinda kaya nagbili po ako. Mahilig po ako sa mga kakanin kaya swerte ko dito sa lugar namin dahil marami nagtitinda ng mga iba't ibang…

@ScarletDoll

Electric Bill for November πŸ˜₯ Dumating na ang hindi ko hinihintay na papel πŸ˜‚. Bumaba lang ng konti compared sa previous month consumption namin. Need bayaran before December 2 kung hindi madadagdagan pa dahil sa due date fee. Nakakaiyak makita ang ganitong kalaki na bill grabe. Kayo ba nareceived niyo na mga utility bills niyo? Sabay-sabay na po natin punitin at itapon haha πŸ˜…. Noise.app bumalik ka na sa normal hehe para may pandagdag na ako sa electric bill namin hehe.

@ScarletDoll

Honest Review about "Bingo Plus" 😁 Kanina pala ay nag create ako ng account sa Bingo Plus. The good thing about this game is, it is regulated by PAGCOR (Philippine Amusement and Gaming Corporation). Ang dineposit ko ay 100 pesos which is yun ang minimum. Maganda naman ang gaming experience ko dahil live yung pagbobola sa Bingo. Tumagal lang ako ng 3 games at ayun ubos ang 100 pesos ko πŸ˜‚. Siguro mahirap talaga manalo ng malaki dito sa Bingo Plus lalo na kung maliit ang…

@ScarletDoll

Preparing for dinner πŸ€— This is a tofu or what we called tokwa. I will just fried it. Toyo na may bawang at asukal ang tinimpla ko para sa sawsawan niyan. Medyo ginabi na ko magluto ng dinner dahil nalibang ako sa pag cellphone ulit haha. Pero sa totoo lang medyo malungkot ako dahil nang scam na yung Heromining na sinalihan ko. Sayang dahil malaki pa sana makukuha ko dun pero ganun talaga kapag investment platform naglalaho nalang agad ng di mo aakalain. Lesson na talaga para…

@ScarletDoll

Spam with egg πŸ˜‹ Good Morning my fellow noisers πŸ€—. Maganda ba ang gising niyo ngayon? Ako kasi ay oo hehe dahil napasarap ang aking tulog. Ang BCH ay mataas ngayon, may notif na ulit galing sa donations at meron na ako almusal ngayon πŸ₯°. Napakaraming dapat ipagpasalamat ngayong umaga. Thank you Lord para sa mga blessings po na aking natatanggap πŸ™πŸ»β€. I hope that this day will be a better day for all of us. Be happy and spread the positivity in life. Gising na! Tayo na at mag…

@ScarletDoll

Preparing for Lunch later ☺️ Nalinisan na at nalagyan na din ng asin ang galunggong na sida na ito. Umpisahan ko na iprito para mamaya kakain nalang hehe. We often called it "GG" short term for galunggong. Isa iyan sa madalas namin bilhin na isda. Yano lang ang laki ng nabili ko kanina. Bussy na rin ba kayo pagluluto ng pananghalian o kanina pa kayo nakaluto? πŸ€— mas gusto ko ma sawsawan diyan ay suka na may sili πŸ˜‹. Muling bumalik ang sigla dito sa noise app kaya naman marami…

@ScarletDoll

Green and Red πŸ’šβ€ Ilan lang po iyan sa mga halaman na nasa loob ng bahay namin. Mas maganda kasi kapag may naka display na halaman para naman refreshing sa mata diba po. Maganda kasi ang mga kulay ng dahon nila kaya sakto sa kulay ng pasko, Green and Red πŸ₯°. Dahil wala naman kami alagang hayop sa loob ng bahay kaya hindi nakakabahala maglagay ng mga halaman na maganda dahil wala naman sisira sa mga iyan. Kapag maaraw naman sa umaga nilalabas namin iyan para diligan at ibilad…

@ScarletDoll

Fried Siomai and Palamig πŸ˜‹ Ngayon ko pa lang ma share dito ang snack ko kanina. Limang piso ang isang piraso na siomai, ang mahal na hehe. Pero masarap naman yung lasa ng siomai kaya sulit na din ang pagbili ko. Mas masarap dahil maraming bawang ang nilagay. Syempre dapat may panulak din na kasama kaya bimili ako ng tig 10 pesos na palamig. Akala niyo kayo lang ang may masarap na meryenda kanina hehe syempre ako rin meron entry na snack 😁. Magandang gabi po, tinatamad pa ako…

@ScarletDoll

Good Morning! Bili na kayo ng Taho πŸ˜‹ Sa wakas nahuli ko din ang nagtitinda ng taho kaya hinarang ko na haha πŸ˜‚. Kahapon pa dapat ako bibili nito kaya lang nawala siya agad hehe. Tig 10 pesos ang binili ko, yung iba sa kapatid ko ibibigay at sa Mama ko. Siya lang ang bukod tangi na magtataho na naglilibot dito sa street namin kaya sa kanya lang ako makakabili. Masarap ang tinda niya na taho at mainit pa talaga. Kalahati nalang yung laman ng taho niya patunay na marami na…

@ScarletDoll

Small Pink Flowers 🌸 I just wanna flex this beautiful plant of my mother. Natutuwa ako sa mga maliliit na bulaklak na ito. Ang ganda ng kulay at yung mga dahon ay sobrang dami din. Namumulaklak din pala ito at kahit maliliit lang ay maganda pa din pagmasdan. Kailangan lang talaga natin i-appreciate ang kagandahan ng nasa paligud natin para tayo ay sumaya. Oras na pala para mag prepare sa lunch. Ito ang mahirap ang mag isip palagi ng uulamin πŸ˜…. Bibili nalang mamaya sa…

@ScarletDoll

Snack time muna πŸ˜‹ Nagbili nalang ako ng Nutriboost Strawberry at Tempura. Masarap pala ang ganitong nutriboost drink, kalasa niya yung Dutchmill. Gusto ko kasi kumain ng chichirya ngayon kaya tempura binili ko. Wala kasi ako magawa ngayon kaya kakain nalang muna ako. Nanood ako sa youtube ng mga mukbang videos kaya nakaramdam ako ng gutom πŸ˜‚ ayun tumigil muna ako sa panonood haha.

@ScarletDoll

Ginisang mustasa πŸ˜‹ It's dinner time! Kain na po muna tayo ng dinner. Ito po ang ulam namin ngayon πŸ€—. Kailangan din kumain ng gulay para lumakas ang katawan natin. Masarap din naman po ang mustasa kapag ginisa πŸ˜‹. Buti nalang at nahilig din ako kumain ng gulay kaya naman bihira ako magkasakit. Kayo ba ay nakapagluto na din ng inyong dinner? Tiyak ako na babaha ulit ng masasarap na ulam dito sa noise app kaya excited na ko makita mga entry niyo for tonight ☺️.

@ScarletDoll

Let's drink a cup of coffee β˜• Good Morning! It's officially weekend πŸ₯°. Marami sa atin ang pwede mag relax muna ngayong Sabado dahil walang pasok sa school or trabaho. Iinom muna ako ng kape, nangalahati na nga ako πŸ˜‚. Pero naisip ko may lalabhan pa pala ako, pero tatapusin ko agad yun para maaga ang pahinga ko. Maganda din ang panahon dito sa amin, maaraw at walang ulan. Naririnig ko na ang mga huni ng ibon at ingay ng mga sasakyan pero masasaya ako na marinig yung patugtog…

@ScarletDoll

Siling Labuyo 🌢 Binigyan ako nung kapitbahay namin ng siling labuyo, marami kasi ang bunga nung tanim nila. Madalas namin ginagamit ito sa mga sawsawan gaya ng suka, patis o toyo. Nakatipid na kami dahil hindi na kailangan pa bilhin ito sa palengke. Yung mga tanim ko na sili ay maliit pa pang ang halaman kaya matagal pa bago mamunga iyon. Mahilig din ba kayo sa siling labuyo? Uusok ang tainga talaga dito hehe.

@ScarletDoll

Tara mag saging con yelo 🍧 Dahil mainit ang panahon kaya napabili ako ng saging con yelo. Now lang ulit ako nakabili nito πŸ˜‹. Marami naman yung saging at gatas na nilagay. Sulit na yung 15 pesos ko at isang punong baso na rin ito. Mas nakakarefresh kasi ang mag dessert ngayon habang mainit ang panahon. Bibili sana ako ng chicharon laya lang naubusan na ako hehe. Napaaga ang meryenda ko pero ayos lang atleast busog na ako hehe.

@ScarletDoll

Fried Tilapia for dinner πŸ˜‹ Magandang gabi po πŸ€—. Maaga din kami kumain ng dinner ngayon dahil mas masarap habang malutong pa yung pritong tilapia. Gumawa din ako ng suka na may sili para diyan. Muli nanaman akong nabusog ngayong gabi πŸ˜‹. Sana kayo rin po ay kumain na ng dinner. Mamaya tatambay ako sa labas ng bahay dahil ang sarap lumanghap ng malamig na hangin. Mas nakakarefresh kasi sa utak kapag ganun.

@ScarletDoll

Pancit Canton for Breakfast πŸ˜‹πŸœ Blessed Sunday πŸ™πŸ», may you all woke up with a great feeling also. The sun is up again and breakfast is ready. Let's eat pancit canton for now. Maaga ako natulog kagabi at nakumpleto ko ang oras ng aking tulog kaya naman maganda ang mood ko ngayong umaga para magluto πŸ€—. Oh kain na muna tayo ng almusal bago dumeretso sa mga gawaing bahay. Mag timpla muna ako ng kape hehe hindi pwede malimutan yun tuwing umaga β˜ΊοΈβ˜•.

@ScarletDoll

Recycled Christmas Lantern ❀ Lumabas ako kanina dahil may bibilhin ako sa bayan. Nakita ko ang isang matanda na inaayos ang kanyang paninda na mga recycled parol. Gawa ang mga iyan sa ginupit na plastic bottles. Medyo nakaramdam ako ng awa dahil pilit niya ikinakabit yung mga parol dun sa bakal. Wala kasi ako pambili pa ng parol kaya hindi na ko nagtanong sa kanya ng presyo ng mga iyan. Pero sana may bumili sa kanya dahil magaganda naman yung parol na ginawa niya.

@ScarletDoll

Kwek Kwek and Kikiam πŸ˜‹ Snack time muna πŸ€—. Nagbili ako ng 40 pesos na kwek kwek at 60 pesos na kikiam. Ang sauce ay sweet and spicy πŸ˜‹. Matagal na ko nag crave sa ganitong snack kaya ngayon nagbili na ako hehe. Pinaka gusto ko yung kwek kwek sobra hindi ako nagsasawa kumain niyan. Hindi ako makatulog kaya kakain nalang muna ako ng meryenda hehe. Kayo po anong meryenda niyo po diyan?

@ScarletDoll

Pork Sinigang 🍲 Good evening, oras na para kumain ng dinner. Tamang tama ang mainit na sabaw ng sinigang para sa malamig na gabi. Kain na po muna tayo ng masarap na sinigang. Marami yung kangkong kaya paniguradong mas masrap iyan. Actually kangkong din talaga ang paborito ko sa sinigang na baboy. Pero konti lang kakainin ko na rice dahil gabi na at ayoko sumobra sa kabusugan dahil mahihirapan ako makatulog nito mamaya. Ang bilis dumilim kahit alas-sais pa lang ng gabi. Tiyak…

@ScarletDoll

Coffee and Cheese Sandwhich β˜•πŸ₯ͺ Good Morning! Today is Monday and it is a fresh start of the week. Let us all welcome this day with a smile and positive thoughts. For my breakfast I prepared a coffee and cheese sandwiches. I used Eden cheese because that brand taste better for me. I am now waiting for the sunrise πŸ₯°. I wish that we can all have a brighter day. Don't skip your breakfast, just a gentle reminder πŸ˜ƒ. Few days to go and it's Christmas day already which makes me even…

@ScarletDoll

Pork Bistek for Lunch πŸ˜‹ Ready na ang lunch namin para mamaya. Habang pinicturan ko kanina ay natatakam na talaga ako. Can't wait to eat na dahil gutom na ako ulit haha. Sana kayo din ay may ulam na para mamaya. Wala ng sibuyas yan dahil mahal eh haha. Masarap pa din naman kahit walang sibuyas. Tsaka nalang ulit bibili ng sibuyas kapag mura na haha. Maganda ang din weather namin dito, hindi gaanong kainitan dahil humahangin naman.

@ScarletDoll

Lucky Me! Pancit Canton 🍜 Nagbili ako ng apat na balot ng Pancit Canton at agad ko din niluto. Nag crave kasi ako dito hehe. Syempre dapat may malamig na juice para hindi mahirinan pagkain hehe. Simpleng meryenda pero ang sarap ay nag uumapaw. Minsan lang naman ako kumain ng pancit canton at hindi ko naman yan uubusin magisa syempre share ko din sa kasama ko dito sa bahay para lahat kami ay mabusog. Wala ako mabilhan ng buns sayang masarap pa naman ipalaman itong pancit…

@ScarletDoll

Kojic Soap 🧼 Napabili nanaman ako ng Kojic soap dahil ubos na ang stock ko nito. Hindi kasi ako nagamit ng ibang sabon kaya kahit sa bayan pa ako nabili nito ay bumili talaga ako hehe. Gusto ko kasi yung scent nito dahil sobrang bango. Ito talaga yung nagpaalis ng pimples ko noon hehe. Mabula pati ang sabon na ito kaya favorite soap ko ito. Effective din naman mag paputi ito. Mabilis nga lang ito maubos kaya napapqrami fin ako ng bilinng ganito kada buwan hehe.

@ScarletDoll

My Favorite Taho πŸ˜‹ Buti nalang at naabutan ko ulit ang pagdaan ng magtataho ☺️. Tig 5 pesos lang ang binili ko dahil iinom pa naman ako ng kape. Sulit na din at pinuno ni manong yung baso ng taho. Mabait naman si Manong dahil kapag sinabi ko na dagdagan yung sago or taho ay dinadagdagan niya. Naawa lang ako sa kanya dahil naambon ngayong umaga kaya sabi ko sumilong muna siya sa bubong namin pero ayaw niya dahil kailangan daw marami siya maibenta ngayong umaga. Nakaka…

@ScarletDoll

A brighter day 🌀 Natuwa ako mag picture mga ulap dahil ang ganda tignan. Mabuti nalang at hindi tuluyang umulan hanggang ngayon. Kaya naman nag eenjoy ako sa magandang weather ngayon dito sa lugar namin. Humahangin din ng malakas kaya feeling ko pasko na talaga hehe. Speaking of Christmas ilang tulog nalang at pasko na πŸ₯³. Ngayon pa lang iniisip ko na kung ano ang lulutuin ko sa pasko πŸ˜‹. Pero bago yun iisip muna ako ng lunch ko ngayon haha dahil malapit na mag lunch time 🀣.

@ScarletDoll

Siomai for my snack πŸ˜‹ Nakakaramdam nanaman ako ng gutom kaya napabili na ako ng meryenda hehe. Dahil hindi rin naman ako makatulog ngayong hapon kaya naman kakain nalang ako ulit. Medyo mahal lang talaga ang siomai at 5 pesos na ang isang piraso pero ayos lang dahil masarap naman ang lasa. Gustong gusto ko yung fried garlic na yan πŸ˜‹. Mas masarap pa yan kapag nilagay ko na yung toyomansi at chili oil 🀀. Kain na muna tayo ng meryenda πŸ€—.

@ScarletDoll

Young Pork Tocino πŸ˜‹ Nakapagluto na po ako ng dinner kaya kakain na din kami ngayon. Medyo gutom na din ako at natunaw na yung kinain ko kanina na siomai hehe. Kayo din ba ay nakapagluto na? Sabay-sabay na po tayo mag dinner. Kung gusto niyo po swap tayo ng ulam hehe 😁. Ang lamig na ngayong gabi kaya ang sarap tumambay sa labas ng bahay mamaya. Nag crave na ako sa puto bungbong at bibingka πŸ˜‹, meron na din kasi nagtitinda sa may kanto namin kaya madali lang makabili of may…

@ScarletDoll

Ready to cashout! πŸ€‘ This is really a great start of my day πŸ₯°. Finally after a few months I had reached the minimum withdrawal amount in Premise App. If you are not familiar with that, it is a survey app that pays. Ang minimum cashout kasi diyan ay 250 pesos kaya medyo natagalan ako makaipon dahil konti lang naman yung survey na nakukuha ko daily. Tiniyaga ko na rin dahil sayang yung ma cashout ko diyan pandagdag ipon na rin hehe. Try niyo din magsagot ng survey sa Premise…

@ScarletDoll

Lavander Flowers πŸ₯° Natuwa lang ako dito sa bulaklak na ito. Ang ganda ng kulay niya. Lavander ang tawag namin diyan, marahil dahil sa kulay kaya yun ang tawag hehe. Nagrerelax lang ako tumingin ng mga halaman kanina sa garden namin. Maganda din kasi ang panahon ngayon. Hindi ko namalayan malapit na pala mag alas dose ng tanghali hehe. Masyado na ako nalibang pagtingin sa mga halaman namin πŸ˜….

@ScarletDoll

Earn money by uploading documents πŸ€‘ Ito yung pinagkaabalahan ko gawin kanina hehe. Nag picture ako ng mga old notes and exams ko nung nag aaral ako and then inupload ko sa Studypool. If may student na mag viewed sa documents ko magkakaroon ako ng $10, take note per view po iyon hehe. Pwede mga sulat galing sa notebook, mga test papers or reviewers. Kaya sa mga student diyan pwedeng pwede ito para sa inyo kasi daily may mga new lessons kayo na pwede ma share dito. Kanina…

@ScarletDoll

Early Snack for tonight πŸ˜‹ Dahil maaga ako nag dinner kanina kaya naman maaga rin ang snack ko ngayon hehe. Pinaghalo ko sa isang tub yung Piattos, Vcut at Clover chips πŸ˜‹. Syempre hindi mawawala ang malamig na coke. Stress reliever ko din talaga ang kumain ng kumain haha. Minsan lang naman ako kumain ng junkfood kaya okay lang yan 😁. Bukas ay start na ng coutdown para sa December 25 πŸ₯³. Lailangan ko na humapit sa mga earning apps ko para naman may pang handa sa pasko hehe.

@ScarletDoll

Bacon Sandwich 🍞πŸ₯“ Welcome December! Grabe yung ulan ngayon ang lakas hehe. Unang araw ng December ay maulan agad. Sana lang ay blessings ang ibig sabihin ng ulan na ito. Nakaready na po ang aking almusal. Binuksan ko yung sandwich para makita niyo yung bacon na palaman πŸ˜‹. Syempre partner iyan sa mainit na kape β˜•. May pasok na ulit kaya maaga din gumising ang karamihan. Kain na din muna ng almusal para hindi po kayo magutom mamaya.