May dumating na Balikbayan Boxes π Kaninang tanghali ay may huminto na truck sa bahay namin tapos sinabi na may balikbayan boxes daw kami. Galing ito sa pinsan ko na nasa abroad βΊοΈ. Matagal na niya sinabi ito sa amin, puro damit daw ang laman at kung hindi raw magkakasya sa amin ay ibenta nalang namin para mapera namin hehe. Grabe ang tawa ko kanina dahil lahat kami dito sa bahay ay excited kaya naman nung nabuksan na yung dalawang boxes ay kanya-kanyang sukat na ng mga damit hehe π . Naiwan na sa boxes yung mga hindi kasya sa amin at yan yung ibebenta namin. Naghahanap ako ng chocolates pero wala talagang nakasiksik kahit isang balot π€£. Puro damit lang talaga iyan meron lang kasama mga delata na konti at oatmeals. Thankful pa din naman kami dahil naalala nila kaming padalhan ng mga pasalubong na kagaya nito. Sana nga masundan ulit at sana may mga chocolates na hehe. Sa ngayon inaayos muna namin yungbmga damit na nakuha namin at sa susunod na araw nalang lalabhan βΊοΈ.
4 comments
Ay sana all ,π. .Noong june din dumating sa ung saamin. Personal hygiene namn ni request kong ilagay
wow pamine ng isang bag at shorts hehe
sana all mate
hey you have so many clothes can i get some hope you wont minf have a good day