Mga ganap kapag kanselado ang klase 🤣 1. Malungkot ang estudyante dahil walang baon 😥. 2. Bumawi si teacher sa dami ng assignments na dapat tapusin ng estudyante. 3. Masaya si Nanay at walang baon ang anak niya ngunit malungkot siya dahil magulo nanaman ang bahay dahil sa makukulit na anak haha. 4. Yung nasa school ka na tapos sasabihin walang pasok, tsk tsk. 5. Tanghali ang gising dahil nagpuyat kagabi. 6. Yes! Yan ang sigaw ng mga estudyante dahil wala ulit pasok. 7. Humanda kayo bukas may pasok na ulit 🤣🤣🤣. Ang sarap bumalik sa pagiging estudyante pero may mga araw talaga na sadyang nakakatamad pumasok 😅. Pinagdaanan ko na din iyan noon pero masaya naman ang buhay estudyante ang ayaw ko lang yung tatambakan ka ng projects at assignment tuwing weekend at walang pasok haha.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
6 comments
Lahat ng yan danas ko noon. Iyong 'YES' talaga eh. Hahahahah.
Sisugaw ng Yes! Tapos maghihiyawan pa hahaha.
Tama. Tapos sabay takbuhan palabas. Ay. Namiss ko tuloy. Hahaha
Hihihi same here imbes maka pahinga sa weekends o holidays hindi kasi maraming projects na tambak hahaha.
the weather is still gloomy here hope hope it wont rain i want sun to come out and stop playing hide and seek with us, hope dear you are having a good day
Pinaka masaklaf talaga yung nakarating ka na sa school tsaka pa lang mag aannounce na walang pasok tapos tatambakan kayo ng assignment kasi walang pasok at minsan babawiin pa yung mga raw na walang pasok. Buti na lang graduate na tayo sa ganyan hehe.