Good Morning! Bili na kayo ng Taho π Sa wakas nahuli ko din ang nagtitinda ng taho kaya hinarang ko na haha π. Kahapon pa dapat ako bibili nito kaya lang nawala siya agad hehe. Tig 10 pesos ang binili ko, yung iba sa kapatid ko ibibigay at sa Mama ko. Siya lang ang bukod tangi na magtataho na naglilibot dito sa street namin kaya sa kanya lang ako makakabili. Masarap ang tinda niya na taho at mainit pa talaga. Kalahati nalang yung laman ng taho niya patunay na marami na nakabili sa kanya kanina pa.
64 comments
mukha ngang masarap, kakaiba ang sago niya, hehe
May maliit at malaki na sago.
Oi taho. Sarap niyan.
Ngayon lang ulit ako nakabili nito π
Parang maganda nga mag taho din minsan .. hehe enjoy sissy..
Healthy naman po ang taho dahil gawa yan sa soybean βΊοΈ
Wala pang naglako dito sisπ€
Baka mamaya pa po tanghali ang daan diyan hehe.
Ang sarap nyan...namis ko tuloy yung taho sa pinas
Gusto ko nga matilman yung taho na may flavor hehe.
Sarap nyan mate. Meron pa?π
Ubos na po yung binili ko haha
πππ
pabili sis
Ilan po ba? π
We call this parffe here in my country and itβs really popular.
Sounds more delicious π
Haha You are hilarious. Well Iβve tasted it tho, but maybe I will try it again
Tama ka sis hirap ngang hulihin si manong taho,gaya din dito
Ang bilis nila maglakad eh ang bigat naman nung dala nila π
Sarap din nyan. Meron dito sa amin minsan kahit alas dose may nakatambay sa labas ng school
Mas masarap po ang taho habang mainit pa.
Mainit naman yung tinitinda dito kahit tanghaling tapat
Favorite nh anak ko yan mate.
Ako din po basta may makita na taho ay bibili ako.
Ang bilis ng lakad ng naglalako ng taho ano sis nawawala agad hihihi.
Ang bilis sobra haha, nawawala nalang agad sila haha.
Minsan naiinis ako nagsasalita ako "hindi ata kailangan ng pera kay bilis bilis mag lakad kaka rinig ko lang ng dalawang beses na sigaw tahooo, pag labas mo ng bahay wala na" ahahaha
Morning sis. Ang aga dyan dumaan dito Kase moslty 10AM pa hahah
Maaga nadaan dito kaya hindi ko naaabutan minsan.
Umagang taho. Bibili din ako nian sis. Morning
Sana nga dinamihan ko na ang bili hehe.
Nkbili din ako sis. Ntakam ako sa post mo. Hahaha
Gnyn din dito suki ang prng kakikilala na namin yung magtataho haha kasi siya lng ung masipag lumibot dito sa street namin. Pano ba nmn nakamotor ung magtataho haha
Si manong kasi naglalakad lang kaya siguro kapag wala siya nakitang tao sa street namin nag shortcut na siya sa ibang daan.
Kaya nga tibay din ng mga magtataho tibay ng shoulders
Wow sarap tahoo.. π
Iba talaga ang sarap ng taho
Dapat sa baso sis para madami ahaha.Samin hindi nawawalan niyan nagtitinda kaso hindi mahilig anak ko sa ganyan kaya bihira lang bilhan.
Nawala sa isip ko na sa baso nalang namin ilagay haha.
good morning..yummy taho nmn..mainit init pa yan
Mainit nga po yung taho kaya mas masarap.
Ang sarap pang 2 taho na ang nakita ko.
Bili ka na din po ng taho π
Wow sis ang sarap nman nyan lalo pag madaming arnibalβΊοΈ eatwell poβΊοΈ
Sakto lang yung dami ng arnibal na nilagay ni Manong sa taho.
Mabenta si manong magtataho. Tanghali dumadaan ang magtataho dito sa amin.
Matumal yan dito sis sa Mindanao. Buti Dyan meron naliligaw mgtinda.
ang ganda naman ng taho na iyan nakakatakam pero ewan ko ba hindi ko gusto ang lasa niyan
yan ang masarap na almusal ng mga bata lalo na yung mga sanggol na edad 8 buwan na pwede na kumain ng ganyan yan ang madalas na kikain nila
More comments