read.cash Log in
@Sayril

To Frontliners

Nakakaiyak kung iisipin na marami ng frontliners na Pinoy ang namamatay at namamaalam sa kadahilanang nagkakaroon sila ng Virus na Covid 19. Sa kabila ng mga ito, ni hindi man lang pinagtutuunan ng pansin ng gobyerno ang kahalagahan ng ating mga frontliners. Mas inuuna nila ang pagsumite ng isang Bill na naglalayong tanggalan tayo ng karapatan na ipahayag ang ating sarili paukol sa gobyerno. Sa mga Frontliners na nagbabasa at magbabasa nito, nais kong ipahayag na kayo ang naging inspirasyon ng maraming Filipino kung kaya't ninanais nila o namin, na sundan ang mga yapak niyo. Kayo ang simbolo ng katapangan at pagiging responsable. Kahit nakalagay na sa alanganin ang inyong kalusugan at buhay, binubuwis niyo parin ito para sa kapakanan ng nakakarami. Nawa ay, bigyan pansinf ng gobyerno ang Health System na meron tayo dito sa ating bansa. Stay safe at Stay Negative sa Covid, kababayan.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.