Tulas

3 21

TUMULONG KA!

Mula sa iyong pagkabata

Buhay mo ay puno ng biyaya

May mga magulang na nag-aaruga

Mga kapatid na kasalo sa tuwa.

Buhay mo ay puno ng ligaya,

Ngiti mo'y punong puno ng saya.

Kasuotan at kagamitan tunay na kay ganda

Lahat ng iyong kailangan ay mayroon ka.

Sandali...ako'y may hinihiling,

Sa iyong paligid ikaw ay tumingin

May mga tao di mo napapansin,

Nagdurusa at nalulungkot mandin.

May mga pulubi, bulag at ulila

Naglipana...yao't dito sa kalsada,

May mga batang lumaki sa lansangan

Gawaing hindi maganda yaong nakagawian.

Biktima nga baha, lindol at bagyo

Pagputok ng bulkang pinsala'y

Kulang sa damit, tiraham ay wala rin

Salat sa pagkain mga batang sakitin

Hindi man kapamilya o kakilala

Tulong mo'y lubos na kailangan nila

Maayos na damit, pagkain at pera,

Kay laking tulong pag pinagsama-sama.

Maging bukas - loob sa iyong kapwa,

Pagtulong mo'y may laang gantimpala.

Puso ni Hesus, magtitigib sa tuwa,

Pati na ang Amang sa ati'y lumikha.

TAKOT AKO

Isang gabing madilim, nakaupo mag isa

Nakatambay sa aming terasa,

Pinagmamasdang buwang kay ganda

Nagsisilbing ilaw sa sapagkat kuryente'y wala pa.

Kaylamig ng paligid, kay tahimik pa

Simo'y ng hangi'y aking nadarama.

Huni ng kuliglig maririnig sa

Sa wirdong nadarama, ako'y biglang nagtaka.

Balahibo'y tumindig, hangi'y nag iba

Kaluskos ng tuyong daho'y wari'y sa'kin ang punta

Ako'y kinilabutan, nanlamig

Hindi ko maigalaw kamay ko at paa.

Sa di kalayua'y may natanaw akong bigla,

Mula sa daang madilim, naglalakad siya.

Gusto kong pumikit dahil sa aking nakita,

Babaeng nakaputi, sa aki'y papalapit na.

Hindi mawari kung anong mararamdaman ko

"Anak, bumili lang ako ng ulam, tara! Kain tayo"

Aysus! Muntik na akong mapatakbo,

Si nanay lang pala, akala ko multo.

AYAW KO NANG MASAKTAN

Ako'y nagtatanong kung bakit ganito,

Kasi parang napakamanhid mo.

Ginawa ng lahat para mapansin mo,

Pero para sa'yo kulang pa ito.

Ano ba ang dapat gawin para mapansin?

Ano ba ang dapat gawin para mahalin?

Ano ba ang dapat gawin para isipin?

At nang hindi masaktan itong damdamin.

Alam mo ba ang dahilan kung ba't nagkaganito?

Ba't ganito ang nararamdaman ko!

Kung bakit nahihirapan ako?

Dahil iba ang minahal mo.

Kaya nga pipilitin na lang na malimot ka,

Pipilitin na lang na maghanap ng iba.

Pipilitin na lang na umibig sa iba,

Sa gayo'y di na masaktan pa.

1
$ 0.00

Comments

Amazing.. ganda basahin.. keep it up po..

$ 0.00
4 years ago

This passage is about Tula's. Tula's is very important for our society. Keeping your post. I am waiting

$ 0.00
4 years ago

Gand naman nito sis!!

$ 0.00
4 years ago