Tortang ampalaya kasi ang tawag sa amin nito at sa iba naman ay ampalayang may itlog. Alam kong marami sa mga bata o minsa'y matatanda na hindi kumakain ng ampalaya. Kaya naman bago niluluto ang ampalaya ay nilalamas pa ito sa asin. Isa ito sa mga paraan para mawala ang pait pero nabawasan din ang sustansya. Ang paraan po na iyon ay isa lamang opsyonal kung kumakain po kayo kahit mapait maaaring hindi na po gawin. Ito ang mga sangkap na kakailanganin sa pagluluto.
Sangkap:
1 piraso ng Sibuyas at bawang (hiniwa)
1/2 kutsarita ng olive oil o kahit anong uri ng mantika
1/4 kilo ng ampalaya (hiniwa)
3 pirasong itlog
1/2 kutsarita ng asin/seasoning (opsyonal)
1 piraso kamatis(opsyonal)
1/4 kutsarita ng paminta (opsyonal)
Mga hakbang sa pagluluto ng tortang ampalaya:
Painitin ang kawali at pagmainit na ay ilagay ang mantika. Pag mainit na ang mantika saka ilagay ang bawang, haluin at isunod ang sibuyas. Iwasang hindi masunog dahil ang sunog na pagkain ay toxic sa katawan. Saka ilagay ang kamatis.
Pag medyo golden brown na ang kulay ng bawang at sibuyas ay ilagay na ang hugas na ampalaya. Haluin, lagyan ng asin o seasoning at takpan. Maghintay ng 15 minuto para palambutin ang ampalaya o 10 minuto kung gusto naman po ninyo ng half cook lang na ampalaya.
Pag malambot na ay ilagay ang itlog na binati na may asin at paminta. Dahan dahang haluin upang mapagsama ang itlog at ampalaya.
Takpan at maghintay ng 2 minuto at pagkatapos nito ay pwede nang hanguin. At ilagay sa plato.
TRIVIA
Alam nyo ba na ang mga ampalaya na walang sira ay may spray na chemicals kaya naman bago ito lutuin ay hugasang mabuti. Kung maaari ay hugasan ng mainit na tubig para maalis o mabawasan ang chemical sa ampalaya.
Ang ampalaya din ay nakakatulong sa pagtaas ng dugo ng isang tao. Kaya naman ito ay rekomendado ng iilan sa mga mabababa ang dugo. Napakasustansya rin nito sa katawan ngunit hindi lahat ay ginugusto ito lalo ang mga bata dahil sa lasa nitong mapait.
Ikaw, isa ka rin ba sa kumakain nito o isa ka sa hindi gusto ang lasa dahil mapait?
ang saraaaap!!!