Tayong mga pilipino ay maraming pamahiin. Isa na ito sa kultura ng ating bansa at ng ating buhay. Lalo na ang mga matatanda, sila'y matindi na naniniwala sa mga pamahiin ng kanilang mga ninuno.
Sa ngayon iilan na lamang naniniwala dito ngunit buhay pa rin ang mga kultura nito at kaugalian. Minsan napapagalitan pa tayo ng ating mga lolo at lola pag hindi tayo sumusunod sa mga pamahiin nila.
Ang mga kabataan ngayon ay hindi na masyadong naniniwala ngunit may iilan na naniniwala pa rin. Dahil sa social media utay utay na nawawala ang kultura at kaugalian ng mga pilipino sa pamahiin.
May ibang nagsasabi hindi daw totoo ang pamahiin. Tulad na lamang paghapon na ay huwag ng magwawalis sa tapat ng bahay, o di kaya'y bawal maligo at magsuklay pag may patay at bawal ding bumulong sa patay.
Isa lamang iyan sa mga pamahiin ng mga matatanda at mga ninuno noong kapanahunan. Para sa mga naniniwala, sinasabi nila'y hindi naman masamang maniwala at walang namang mawawala kung maniniwala ka.
Nakakatakot minsan, panu kung hindi ka maniwala at magkatotoo. Ano kaya ang gagawin mo?
Sa panahon ngayon, pag naniwala ka sa mga ganyan tulad ng pamahiin ay magmumukha kang old school o makaluma.
Sa tingin mo tama pa ba na maniwala sa pamahiin o dapat ng matigil ang pamahiin?
May mga iba ka pa bang alam ngaun na pamahiin na natatandaan mo na sinasabi sayo ng mga nakakatanda sayo?
Sa panahon ngayon isa ka pa rin ba sa naniniwala o isa kana sa mga hindi naniniwala?
Opo dahil isang beses. na May nag birthdayan ang aking ninang hinungutuhan ang aking pinsan e bawal daw mang hinguto pag May bday dahil May mag aaway po raw o mag nakahuli at kinagabihan May nag away na nga po ang ninong ko at tiyuhin ko