Mga Tula

0 39
Avatar for Savel.24
4 years ago

Guro

Siya'y tunay na huwaran

Modelo sa kabataan

Siya ay tinutularan

Higit na dapat hangaan

Salamat sa sakripisyo

At pagpapakahirap

Upang ang isang tulad ko

Ay lubos na matuto

Ika'y dapat parangalan

Dahil sayong kasipagan

Ang munti kong kaalaman

Ay laging nadadagdagan

Ang mga paala-ala mo

Ay magsisilbing gabay ko

Saan man ako tutungo

Ito ay madadala ko

Huwag sanang pagsawaan

Ako'y paalalahanan

At bigyan ng kaalaman

Na aking matututunan.

Ang lahat ng guro ay ating pangalawang magulang ika nga nila na totoo naman. Hindi natin alam kung gaano kahaba ang binibigay nitong pagpapasinsya sa kanilang mga mag-aaral. Kung baga ay pag napuno na yung isang baso magdadagdag ulit ng panibagong baso, ganyan sila magpasensya. Hindi din masusukat ang kanilang pagpapakahirap para gumawa ng paraan para tayo ay matuto.

Iba't ibang stratihiya at kakaibang pang iingganyo ang ginagawa nila para tayo ay matuto. Para naman hindi sayang ang paglalaba ni nanay sa ating yuniporme, pagbili ng mga kagamitan sa paaralan, mga aklat at pagbabayad ng matrikola kung mayroon man.

Magsikap para sa hinaharap

Ang buhay nating tao

Ay sadyang mapaglaro

Kay hirap mapagtanto

Kung saan ka tutungo

Kay dami ng pagsubok

Kahit saan mang sulok

Pano ba matatarok

Ang pinakataluktok.

Pag asa ay ang

Siyang makakatulong

Upang makaparoon

Sa tamang destinasyon

Kailangan lang harapin

Problema ay lutasin

Huwag sumuko mandin

Lahat ay kakayanin

Wala namang mahirap

Sa taong nagsisikap

Basta ba may pangarap

Tagumpay. . . malalasap

Hindi lang guro ang kailangan magpakahirap kundi ang mga mag aaral din. Kailangan ng isang mag aaral para matuto dahil umaasa ang mga magulang nito na ito ay makakapagtapos ng pag aaral. At maabot ang tuktok na ninanais ng mga magulang para sa anak. Nakakalungkot lang na sa panahon ngayon ay mas dumarami ang mga batang ina at batang ama. Ngunit sa kabila nito ay may iba pa rin na tumutuloy sa pag aaral maakyat lang ang tuktok ng kanilang mga pangarap.

At ang iba naman ay hindi itinuloy ang pag akyat dahil sa ikinahihiya nila ang kanilang nagawa. Nakakapanghinayang, oo, pero sa kabilang banda wala nang dapat sisihin kundi tanggapin ito at pangatawanan. Maging responsable sa lahat mga desisyon na ginagawa sa buhay.

Halaga

Buhay nga ay makahulugan at masaya

Tao sa paligid mo'y handang damayan ka

Palaging nariyan upang magbigay saya

Kahit sila ay may sarili ding problema.

Laging nandiyan kapag kailangan mo sila

Handang damayan ka anuman ang problema

Anumang pagsubok tutulungan ka nila

Gagawin lahat upang ika'y mapasaya

Mga kaibigan na palagi mong kasama

Kung ituring mo'y parang tunay ng pamilya

At ang pamilya mong naiintindihan ka

Parang kaibigan kung payuhan ka nila.

Datapwa't sa buhay, problema ay kasama

'di dapat sumuko sa anumang hamon nya

Dito masusukat tiwala mo sa kanya

'di ka nya iiwan kung may pananalig ka.

Taong nagmamahal sayo'y ingatan sana

Kasama sila sa kaloob na biyaya

Mahalin mo at pahalagahan din sila

Upang tayo'y biyaya ring ituring nila.

Hindi lang sarili ang dapat pahalagahan kundi ang ibang tao din. Hindi sa lahat ng oras ay hindi ka mangangailangan ng tulong ng iba. Pahalagahan ang tulong na ibinibigay ng iba, maliit man yun o malaki. Hindi din dapat namili ng taong tutulungan dahil sa mata ng Diyos ay lahat tayo ay pantay pantay walang mahirap o mayaman. Wala ang poong maykapal na binigay na libel kung sino man ang dapat tulungan.

Basta nangangailangan ay dapat tulungan. Lalo na ang mga may kapansanan na labis na nangangailan ng uraga at tulong ng kapwa din nito tao. Pag dating sa kaibigan o kakilala, aminin man natin o hindi may mga kaibigan o kakilala na pag may kailangan lumalapit at pag wala na ito kailangan ay hindi kana nito kilala.

2
$ 0.00
Avatar for Savel.24
4 years ago

Comments