Happy Father's Day!

0 31

To all dad around the world, Happy Father's Day!

Ako'y isang anak mahirap lamang. Nagsusumikap ang tatay ko mairaos lang kaming mga anak nya. Mahal na mahal ko tatay ko kasi inaalagaan nya kami ng mga kapatid ko at ni mama.

Lagi syang may dalang pasalubong tuwing uuwi sya kaya naman kami ay galak na galak sa tuwing uuwi sya. Dinadala nya rin kami sa Jolibee para kumain at maglaro. Nagiikot din kami sa mall magkakasamang pamilya.

Kumakain din kami at namamasyal sa Luneta park, bumibili muna sya ng lechon manok at yun ang ulam namin sa tanghalian. Kahit nasa park kami sabay sabay kaming nagkakamay. Sayang saya namin dahil wala kaming pakialam sa mga nakapaligid sa amin basta kami kain lng ng kain.

Masaya kaming namumuhay nh tahimik at ang aking tatay naman ay nagtatrabaho ng marangal bilang driver. Tuwing linggo nagsisimba kami ng pinsan kong si ate buding at minsan kasama ko rin si papa. Nakakatuwa kahit lakad lang kami minsan.

Sa kabila ng kasiyahan, hindi mawawala ang kalungkutan. Si mama kasi laging hinihika. Oo, may hika si mama asthma sa english kung tawagin. Hirap na hirap si papa pag hinihika si mama. Naaawa ako sa kanilang dalwa. Ako'y bata pa noon kaya wala man lang ako naitulong sa kanila at labis kong ikinalungkot iyon.

Minsan pasan pasan ni papa sa likod si mama papunta ospital para pausukan. Nakakalimutan na ni papa mag tsinelas at hanggang dun sa ospital ay nakayapak pa din sya. Hindi matutumbasan ng anuman ang pagmamahal ni papa sa pamilya nya.

Kaya naman ako'y saludo at hanga sa kanya dahil kahit na mahirap kami hindi nya ito ginagawang basihan para gumawa ng masama. Napakabuti nyang tao, tatay, asawa, anak ng lola ko at kasapi ng Dyos.

Ang labis ko lamang ikinalungkot ay yung aalis sya. Aalis sya para mang ibang bansa matustusan lamang ang aming pangangailangan sa araw araw. Napaka hirap tanggapin pero makakaya dahil para naman sa kabutihan ng lahat ang paglayo nya.

Lumayo sya para sa amin, lumayo sya kahit ayaw nya kaming iwan na pamilya nya. Pero bago sya umalis, may teacher ako na gustong gusto ako. Gusto nya akong ampunin at kunin kay papa at mama. Ako naman para sakin ay wala lang kasi bata pa nga ako nung mga panahon na yun.

Gusto nya ako kunin bilang anak anakan nya. Hindi ko alam ang pinagdadaanan ng guro ko na yun pero naawa din ako sa kanya. Hindi ako ibinigay ni papa kasi nag iisa lang nya akong babae at ayaw nyang mawalay ako kay mama.

Dahil aalis si papa, uuwi kami ng probinsya para dun manirahan kasama ni lola. Napakabait din ng lola ko at ng nanay ng lola ko. Oo, buhay pa nanay ng lola ko. Ganyan katindi nanay ng lola ko at saksakan ng bait ang lola lo ding iyon.

Nung paalis na kami ay nagpaiwan na si papa sa dati naming bahay para hintayin ang flight nya. Namimiss ko na agad si papa kasi hindi ako sanay na hindi ko sya nakikita.

Nakarating na kami ng probinsya at nakita ko na ang dalawang lola ko. Masaya din pero hindi ganun kasaya pag nandyan si papa. Hindi namin namalayan na sumunod pala si papa sa amin. At laking tuwa ko dahil nakita ko sya ulet.

Pero umalis din sya agad. Yun lang ang nakakalungkot. Namimiss ko na sya.

2
$ 0.00

Comments

Salute to all Fathers . Happy Fathers Day sating mga ama at asawa na walang sawang nagmamahal at nagsusumikap para sa kanilang pamilya ..

$ 0.00
4 years ago

The world has many important days. Father day is one of them. I love my father very much.

$ 0.00
4 years ago