Noong panahon hindi pa dumarating ang mga espanyol. Naniniwala na ang ating mga ninuno sa dyos dyosan, kay bathala o kahit sino pa mang dyos. Kahit ang puno ay kanilang isinasamba. Sobrang dami nilang paniniwala, kultura at kaugalian na talaga namang pinapanatili nila.
Payak na payak ang kanilang pamumuhay noon. Kaya nga lang nung dumating na ang mga espanyol. Ito'y biglang nabago.
May mga nagsasabi na may iilan na babaylan ang gustong lumaban sa mga espanyol. Kaya naman gumamit sila ng maitim na mahika at naging aswang para bawasan unti unti ang mga ito. Hanggang sa hindi na nawala ang kanilang pagiging aswang. Dahil pag ginawa na ang maitim na mahika ay hindi na magiging maputi ang bilog na agimat na mistulang holen sa loob ng katawan.
Ang holeng puti na ito sa katawan ay sinalin salin na sa kanilang angkan. Gayun nga lang ay naging maitim dahil sa pagnanais ng iilang babaylan na paalisin ang mga espanyol.
Ang aswang ay takot sa asin, bawang, pulbura at mga kasangkapan o kagamitan na may bahagi ang Diyos. Hanggang sa tumagal ay kumakain na sila ng mga lamang loob ng tao na hindi naman dapat. Hindi na nila mapugilan ang kanilang mga saril na kumain ng tao.
Sila'y humihingi ng tawad sa kanilang dyos dyosan dahil sa kalapastanganang ginawa subalit hindi ito pinakinggan at ang nangyari sa kanila na ito ay isang sumpa o kaparusahan na hindi alam kung hanggang kailan tatagal.
May mga nagsasabi naman na ang mga aswang daw ay galing sa mga espanyol. Sa pamamagitan ng barko, sila'y sumakay doon at lumipat sa pilipinas upang magtayo ng kanilang sariling pamumuhay at lupain na malayo sa maka-Diyos na mga espanyol. Kaya naman lumaban sila at nakiisa sa pagpapaalis sa mga espanyol ng mga pilipino.
At ang pang huli na nakalap ko ay ang mga aswang o iba't ibang uri ng angkan ng aswang ay mga anghel na ibinaba kasama ni satanas sa lupa, pinarusahan at naging aswang. Mga sapi ni satanas ang mga ito at nagpapakalap ng lagim o kasamaan sa sanlibutan. Gustong gusto ni satanas na dumami ang kanyang mga taga sunod kaya naman tinutukso nya ang mga tao na gumawa ng kasalanan at suwayin ang Diyos.
Kahit san man galing ang aswang, masama pa rin ang ginagawa nitong pagpatay sa mga walang kalaban laban na nilalang. Ako na bilang maka-Diyos na tao ay sa tingin ko na isa lamang sila sa ginawa ni satanas na kasangkapan upang mabalot ng takot ang sanlibutan at sa gayun ay lumakas ang kanyang kapangyarihan. Na malulupig lamang kung tayo ay magtitiwala at magdarasal sa Diyos.
Tandaan na hindi tayo pababayaan ng Diyos. Mahal nya tayong lahat ngunit sa kabila nun may iba na hindi ito nakikita at nagpapadala sa tukso. Tukso na kayang iwasan kahit mahirap itong iwasan. God bless us!
myth for those who did not believe and facts for those who believe. Kung ano ang pinaniniwalaan mo iyon din ang maaring mangyari ( Power of Mind)