Oo, tama ang iniisip nyo. Nawala na si lola, iniwan na nya kami. Napakasakit dahil sobrang mahal na mahal ko sila.
Pagtapos ng libing ni lola ay may bumisita sa bahay na kaibigan ng aking lola. Si lola basha, na itinuring ko na ding tunay kong lola.
Tinanong nya kung may iniwan daw ba sakin si lola pasing. Agad ko naman syang sinagot at sinabing opo.
"Ingatan mo iyan iha dahil yan ay mahiwaga. Ikaw ang makakatuklas ano ito. Magkita na lamang tayo roon." Ang sabi ni lola Basha.
Umalis na si lola Basha at malaking katanungan sa isip ko kung ano yung kanyang mga sinabi. "Magkita na lamang tayo roon" at "mahiwaga"?
Hindi na ito nawala sa isip ko at laging kong tinitignan ang singsing. Pinagmamasdan ang mga nakaukit dito kahit hindi ko na naman ganoong naiintindihan.
Dumating si ina at inaya na akong kumain. Bakas sa mukha ni ina ang pag aalala sa akin wala ako masyadong gana kumain dahil bukod sa nawala si lola napapaisip din ako sa mga palaisipan na binigay ni lola Basha.
Nasa hardin ako namin ngayon at nililinisan ito. Simula kasi ng nawala si lola ay napabayaan na. Gayundin ang kanyang maliliit na alaga na mga garden gnome. May napansin ako sa suot na somblero ng gnome, may nakaukit na sa tingin ko'y nakita ko na kung saan.
Matagal tagal din akong nag isip at sa wakas naalala ko na rin. Sa singsing ni lola, kaparehas ng nakaukit. Labis akong nagtaka kaya naman kinuha ko ang singsing sa kwarto at mabilis aklng bumalik sa harden.
"Tama! Oo nga! Parehas na parehas pero ano?bakit?paano?"
Yan ang mga palaisipan sa isipan ko. Habang papalapit ang singsing sa mga gnomes unti unti itong kumikinang at pag inilalayo ko naman ay nawawala ang kinang na nadagdag na naman sa aking mga katanungan sa isip.
Isinuot ko ang singsing habang kumikinang ito sa unang pagkakataon. Nagulat ako ng biglang nabuhay ang mga gnomes ni lola. Halo halo ang aking emosyon, pagkabigla, takot, pagkamangha at pagiisip ng maraming katanungang paano at bakit.
Hindi pa tapos ang aking pagkabigla ay nasurpresa naman ako nang may biglang bumukas na isang lagusan. Lumapit sakin akin isang gnome at sinabing " sumunod ka mahal na prinsesa."
"Ano?princess? Ako?" Siksik na tanong sa isip ko. Kahit na natatakot ay nangibabaw ang curiosity ko kaya naman sinundan ko ang mga gnome.
Pagkapasok namin ay sobra akong namangha. Ang mga halaman ay nagsasalita, sila'y nagsasayawan at nagkakantahan. Dahil dito napapaindak din ang mga gnomes kaya naman napapasayaw na rin sila.
Labis naman akong natuwa at nalibang sa pagsunod sa mga ito. Hanggang sa tumambad sa amin ang isang napaka laking kastilyo namala kulay ginto at kumikinang na akala mo ay mabubulag ka sa kinang.
Napakaganda! Habang sa paglalakad ay nakita ko sya.
Sino kaya ang nakita ni lala?