Ang singsing ni lola

1 10

Si Lala ay apo ni lola Pasing na nasa edad nang 90 kaya naman alagang alaga ni Lala ang kanyang lola Pasing. Ang ina nyang si aling Rosita ay naglalabada sa mga mamayaman na kakilala ng kanyang ina.

Si lala ngayon ay magtatapos sa kursong BSBA na labis namang ikinatuwa ng kanyang ina at ni lola Pasing. Hindi magkamayaw ang kanilang nang dumating ang araw ng pagtatapos. Napaka proud ni Lala dahil kahit isa lamang labandera ang kanyang ina ay napagtapos sya nito at napalaki ng maayos.

Pagkauwi nila sa kanilang tahanan ay agad namang tinawag ni lola pasing ang kanyang apo.

"Apo ako'y may regalo sayo, ito'y napakahalaga para sakin gayundin sa mga ninuno natin. Ibibigay ko sayo otong sing sing na ito upang iyong ingatan at alagaan tulad ng pag aalaga na ginawa ko at huwag na guwag mo itong ipahahawak kahit kanino."

Nagulat si lala dahil ang singsing na binigay ng kanyang lola ay hindi basta lamang sing sing. Ito'y napakagandang sing sing na kumikinang pa na malaginto ang kulaty may mga nakaukit. Hindi nya maintindihan ang nakaukit kaya naman hinayaan na lamang nya ito.

"Opo!lola pasing!maraming maraming salamat po"

Galak na galak sya sa tuwa dahil sa singsing na bigay ng kanyang lola pasing. Itinawag sya ng kanyang ina para maghanda na ng makakain at makasimula na.

Nang tatawagin na nya ang kanyang loa pasing ay hindi ito umiimik kaya naman kinatok na nya ito at binuksana ang pinto. Natutulog pala ang kanyang lola kaya naman inayos nya ang ang pagkakahiga dito. May naramdaman syang kakaiba, hinipo nya si lola pasing at bigla na lamang sya natumba sa sahig.

Umiyak sya ng umiyak ng umiyak. Yun naman ay ikinabahala ng kanyang ina kaya naman kumaripas din ito ng takbo papunta sa silid ni lola pasing.

Ano kaya ang nangyari kay lola pasing?

3
$ 0.00

Comments

It is very charming story. I am very excited to read out this post. I am always looking for your writing.

$ 0.00
3 years ago