Alin ka dito sa tropa nyo?

0 6
  • The laging late.

    Yung ang usapan ay 8 am pero dadating ng 10 am. Ito yung mga tao na may relo na parang wala, may cellphone na may orasan na parang, hindi minsan marunong magbasa ng oras lalo na hindi digital.

  • The foodtriper

    Ito yung laging nguya ng ngiya na parang kambing. Tapos pag hiningian hindi mo alam labag pala sa kalooban nya at masama pa tingin sayo. Minsan ito yung laging nagsosolo pag may pagkain sya at ilalabas na lang pag 2 butil na lang yung natitira.

  • The drunken master

    Ito yung kung fu master pag lasing at malakas uminom sa tropa. Hindi sasama hangga't walang alak na kasama. Mahilig kay gina o kahit ano pa mang brand na minsan ay nagkakahalo halo na.

  • The drawer

    Pasimuno ng drawing na lakad o gala sa GC gayun din sa kwentuhan. Minsan bida bida mangyakag katapos tapusan wala din naman pala. Very common ito sa lahat ng tropa. Always present ito sa grupo at hindi nawawala.

  • The source

    "uy! Alam mo ba?" Yan ang paborito nyang linyahan sa oras ng pagtitipon tipon nyong mga tropa. Minsan may dagdag minsan may bawas depende sa kung gaano nya katagal pahahabain ang kwento.

  • The LSS

    Ito yung kung baga the (Last single standing) sa inyong tropa. Yung tipong lahat kayo may jowa tapos sya na lang natitirang matibay. Na kadalasan ay pangunahing binubully sa tropa pag nagkasama sama ang mga magkaka jowa. Saklap!

  • The Comedian

    Ito yung sarap kasama sa tropa pag nagsasama sama kayo. Hindi mawawala ang tawanan. Yung feeling na sakit na sakit na yung tyan katatawa pero hindi mo mapigil dahil tawang tawa ka pa din. At minsan sa katatawa mararamdaman mo na lang napaihi kana pala sa katatawa. Go na go sa lahat ng kalokohan ang taong ito.

  • The Talented

    Ito yung pambato ng tropa sa kantahan o si kaya'y sayawan na iilan sa inyo ay may ganitong katangian din at ang natitira ay hanggang pangcheer leader lang kung baga taga support lang ng tropa dahil talagan hindi nabiyayaan ng ganung talento at dini-discover pa ang nakatagong talent.

  • The Missing

    Sila yung nagsasabi lagi na "strict ang parents ko" at sa lahat ng mga gala o lakwatsa ay laging absent. Hindi ng tropa masisisi dahil baka sila pa mapag initan ng mga magulang kaya ang mga the missing ay tamang pang moral support lang sila sa barkada.

  • The None

    Always present din to sa tropa lalo na sa mga lakad ng barkada. Yung tipong tamang tawa lang sya at walang ambag. Dadalihin lang kayo sa kwentuhan at aaliwin tapos walang ambag pero sya ang nakarami sa pagkain lalo na sa pulutan.

  • The tongue

    Tropa na napaka ingay na ang tawa o halakhak ay abot hanggang sa kabilang ibayo o dako ng mundo. Panay ang daldal ng walang kabuluhan. Hindi nya alam ang salitang tahimik o quite. Napapadalas na pagkamalaang mananaho sa sobrang lakas ng bibig na minsan tinatawag na din bunganga.

  • The slow

    Isang tropa na hindi mo minsan gugustuhing biruin dahil hindi nya agad mage gets ang joke mo. Sya yung tatawa mag isa pagtapos na kayo tumawa dahil dun nya lang narealize yung joke. Kulang minsan sa sense of humor kaya naman kelangan bigyan ng piso para bumili pa sa tindahan. Kalimitan sa mga tropa mong matatalino ang ganito.

Sa tingin mo, alin ka dito sa barkada ninyo?

Kung talagang matapang ka, comment mo nga?😂

1
$ 0.00

Comments

Ahahaha nkakamiss mga tropa. Pero mukhang The Tongue yata ako dyan. ahaha . Kung tumawa parang wala ng bukas at sobrang lakas 🤣

$ 0.00
3 years ago