Kaibahan ng Isolated at Cross Margin Mode sa Future Trading.

2 83
Avatar for Ryryry143
3 years ago
Topics: Trading

Ang pagte-trading ay isa sa pangkaraniwang sugal sa mundo ng cryptocurrency kung saan maaari kang magkaroon ng pagkakataong makakuha ng isang malaking halaga ng pera sa pamamagitan ng pagpapalit ng isang crypto / assets sa ibang cryptocurrency. Ngunit maaari ka ring malugi sa cryptocurrency na mayroon ka dahil ang presyo ng cryptocurrency ay pabagu-bago - ibig sabihin wala itong matatag na halaga at maaari itong umakyat o bumaba.

Ang Binance ay isa sa pinakatanyag o kilala na Cryptocurrency Exchange at sinasabing nangungunang plataporma para sa pakikipagpalitan ng mga assets sa panahong ito.

Binance Future Trading

Ang Future Trading ay idinagdag sa Binance noong Setyembre 13, 2019, at mula noon, ang bagong paraan sa pagte-trade ay nakakuha ng maraming atensiyon mula sa mga traders ng Binance.

Ang Future Trading ay kung saan tataya ka sa isang klasi ng cryptocurrency sa kung ito ba ay tataas o bababa. Maaari mo ring magpasya kung magkano ang isusugal mo sa iyong trades at leverage na gusto mo - mas mataas ang leverage, mas mapanganib ito.

Ang ganitong klasi ng pagte-trading ay ang pinaka-mapanganib na paraan upang kumita ng pera sa Binance dahil kung maaari kang kumita ng isang malaking halaga sa maikling panahon lamang dito, maaari ka ring mawalan ang isang malaking halaga sa isang iglap lang.

Kaibahan ng Isolated at Cross Margin Mode.

Sa Future trading account, mayroong dalawang mga klase o mode sa pagte-trade;

  • Isolated margin mode at

  • Cross margin mode.

Ano ang Isolated Margin Mode?

Sa Isolated Margin Mode, ang lahat ng margin na iyong itinalaga sa iyong posisyon ay limitado lamang sa halagang ginamit mo sa iyong posisyon. Kaya't kung ang margin na iyong itinalaga ay bumagsak nang mas mababa pagkatapos ng Maintenance Margin Level, ang iyong posisyon o trades ay matatapos at ikaw ay magiging liquidated.

Heto ang isang halimbawa;

Inilipat mo ang 20 USDT mula sa iyong Spot Account at inilagay ito sa iyong Futures account. Pagkatapos pipiliin mo ang Bitcoin Cash (BCH) bilang ang asset na pupustahan.

Naglagay ka ng isang buong 10 USDT margin sa iyong "long position" na umaasang tataas ang presyo ang BCH.

Pumasok ka sa isang posisyon na may presyong $400 bawat BCH na may 100x leverage.

Pagkatapos ng isang oras, ang presyo ng BCH ay bumaba sa $300, na higit pa sa iyong leverage. Sa kasong iyon, ang iyong posisyon na 10 USDT ay liquidated na ngunit, dahil ikaw ay nasa Isolated mode, natalo ka lamang ng 10 USDT at mayroon ka nalang 10 USDT mula sa halagang 20 USDT sa iyong Futures account.

Ano ang Cross Margin Mode?

Ang Cross Margin Mode ay kung saan ang lahat ng mga posisyon na mayroon ka sa iyong Futures account ay gagamitin ang lahat ng mga balanse o pondo na mayroon ka sa iyong Futures account. Kaya't tuwing matatalo ang isang trades, maaaring mawala ang lahat ng balanse na mayroon ito sa Futures account nito.

Narito ang isang halimbawa;

Inilipat mo ang 20 USDT mula sa iyong Spot Account patungo sa iyong Futures account. Pagkatapos gumawa ka ng isang "long position" na may isang margin o halagang 10 USDT at umaasa ulit sa BCH na tataas ang presyo nito mula sa presyong $400 bawat BCH.

Dahil nasa Cross Margin Mode ka, mayroon kang napakalayong presyo para maliquidate, sabihin nating ang iyong presyo sa liquidation ay $200.

Matapos ang isang oras na paghihintay, ang presyo ng BCH ay hindi naging ayon sa gusto mo ngunit sa halip ay bumaba sa $200 - na iyong liquidation price.

At dahil na-hit ang iyong liquidation price, ang iyong margin na 10 USDT at ang natitirang 10 USDT mula sa iyong Futures account ay mawawala. Nawala sa iyo ang lahat ng iyong pondo sa account na iyon.

Ang layunin ng Cross Margin Mode ay para maiwasan ng mga traders na madaling maabot ang liquidation price.

Saan sa dalawa ang mas maganda gamitin?

Pareho silang magandang gamitin depende sa paggamit ng mga traders.

Kung maingat ka na mawalan nang labis na pera, maaari mong gamitin ang Isolated mode upang sumugal sa isang tiyak na halaga lamang. Ngunit kung tiwala ka at isang may matatag na loob, maaari mong gamitin ang Cross Margin Mode upang isugal ang lahat ng mga pondo na mayroon ka sa iyong Futures account.

Ngunit para sa lahat na nais na magsimula o nagsimula pa lang sa Future Trading, mas mahusay na gamitin ang Isolated mode na may napakaliit na margin, upang maranasan lamang kung paano gumagana ang Future Trading at magkaroon ng ilang mga ideya o kaalaman tungkol dito.

At siguraduhin din na magsimula sa pinakamababang leverage upang maiwasan na ma-liquidate nang maaga.

Ang trading ay masaya ngunit napaka-delikado. Kaya bago humakbang sa maaring mga kahihinatnan, tiyaking gumawa ka ng iyong sariling pagsasaliksik. Mag-trade nang may pag-iingat.

English version of this article:

Future Trading: Isolated vs. Cross Margin Account.

@Ryryry143

7
$ 0.01
$ 0.01 from @cryptoph
Sponsors of Ryryry143
empty
empty
empty
Avatar for Ryryry143
3 years ago
Topics: Trading

Comments

Congrats, tuloy tuloy lang sa pagsusulat ng ganito sa wikang Filipino para maintindihan na mga iba nating kababayan!

$ 0.00
3 years ago

Salamat bro 💪

$ 0.00
3 years ago