Memories :)

0 16
Avatar for Ryee
Written by
3 years ago
Topics: Life

Naalala mo pa ba?

Nung mga panahon na wala ka pang problema? Ang tanging pinoproblema mo lang ay kung paano ka makakalabas ng bahay nang hindi nalalaman ni nanay. Kung paano mo tatalunin ang kaibigan mo sa pogs, text, jolen at iba pang laro.

Ang sarap balikan no? Yung mga tagu-taguan ‘nyo na saulong saulo mo yung kanta at kung sino ang matataya. Kung minsan naman hanap kayo ng hanap sa kaibigan nyo yun pala umuwi na sa kanila.

Naranasan ‘nyo rin bang magluto sa lata ng itlog? Naligo sa dagat at nagpatuyo sa puno? At marami pang iba :)

Sobrang swerte ko dahil naranasan ko lahat ng to. Na kung tutuusin ay unti unti nang nawawala sa panahon ngayon. Dahil na rin sa pandemya at sa makabagong teknolohiya. Ang mga bata ngayon, masyado nang tutok sa kani-kanilang gadgets. Hindi na nila alam yung mga laro na nilalaro noon katulad ng tumbang preso, bente-uno, luksong baka, patintero at iba pa.

Lahat parang naglalaho na. Nakatanim nalang sa ating mga ala-ala :)


3
$ 0.00
Avatar for Ryee
Written by
3 years ago
Topics: Life

Comments