Mula sa pagkadapa, babangon tayo. maraming naging epekto ang epidemyang dumaan sa atin. pero likas sa ating pagiging pilipino ang pag bangong muli. Marami na rin tayong pinag daanang pagsubok, ngunit ang Covid 19 ang isa sa pinaka mabigat na pagsubok ang dumaan hindi lang sa ating bansa kundi halos buong mundo. Di pa man ito natatapos ay, marami na ang nahihirapang makabangon dahil naapektuhan nito ang maraming buhay at hanap buhay. Paano nga ba tayo lalaban at babangong muli? Malaking kaibahan ang naging takbo ng buhay pagkatapos na i deklara ang GCQ sa halos lahat ng lugar sa buong bansa. kung papaano tayo mag adjust sa kung tawagin ay "New Normal" ay siyang magiging umpisa ng Pagbangon. Di tayo makakabangon kung di natin Susundin ang alituntunin ng pamahalaan upang maiwasan ang Second Wave na talagang kinatatakutan ng lahat. Walang magawa ang pamahalaan kundi pagbigyan ang pagusad ng Ekonomiya sa pamamagitan ng pag deklara ng GCQ o General Community Quarantine. sa pamamagitan ng pagtalima sa tamang sistema ay makakabangon tayo, upang maiwasan ang "SECOND WAVE" na pinangangambahang mag papa "GAPANG" sa ating bansa.
0
1