Takot na

1 12
Avatar for Ruby.rubi
3 years ago

Ako lang ba?

Akolang ba yung nawawalan na ng gana makipag-usap o makipagkilala sa iba?

Kasi feeling ko pag napalapit at nahulog na naman yung loob ko, saka sila nagiging cold at biglang makakanap ng iba.
Yung pag hulog na hulog ka na, saka naman sila nawawala at walang balak na saluhin ka.
Yung papakiligin ka lang at papa-ibigin pero hindi ka naman papanindigan.

Ako lang ba yung takot na magmahal ulit ng iba dahil baka sa maling tao naman ako mapunta?

Yung takot na naman ako maiwan.
Yung takot na ako masabihan na "HINDI KITA IIWAN" pero sa huli, siya pa pala ang unang bibitaw.
Yung takot na akong magmahal dahil baka wasakin na naman ako ng taong akala ko bubuo ulit sakin.
Yung takot na ako maniwala sa mga pangako na bigla na lang maglalaho.
Yung di mo na alam kung anong totoo o yung kasinungalingan sa mga salitang binibitawan nila sayo.

Yung ang hirap ng magtiwala ulit,
Dahil minsan yung taong inaakala mong mag-iistay, aalis din pala.

Yung mapapatanong ka na lang sa sarili mo,
"Ilang maling tao pa ba ang dadaan sa buhay ko bago ako mapunta sa tamang tao?"

3
$ 0.00

Comments

Kaya mo yan ate

$ 0.00
3 years ago