Mahalin mo hindi dahil sa standards mo

0 18
Avatar for Ruby.rubi
4 years ago

Kailangan ba kapag nagmahal ka nakabase sa gusto o standards mo? Hindi ba pwedeng minahal mo yung isang tao kasi pinakita nya sayo kung sino talaga sya? Lahat tayo may standards na sinusunod para sa taong tingin natin ay makakasama na natin for lifetime. Pero minsan kasi parang ang OA na ng standards ng iba eh. Hindi naman kagwapuhan/­kagandahan ang itsura pero ang gustong maging girlfriend/­boyfriend eh yung gwapo/maganda, sexy, mayaman, matalino, maputi, o yung tipong head-turner. Nobody is perfect. Hindi lahat binibigay ni Lord. Kapag ba nasunod lahat ng standards mo magiging masaya kayong dalawa? Magiging okay ba yung relasyon nyo? Di ba parang ikaw lang ang sobrang nagbenefit kasi nakuha mo yung gusto mo. Masaya kaya sya? Minsan dapat i-appreciate na lang natin kung sino yung nakadestined para sa atin. Kadalasan kasi nasa harap mo na, naghahanap ka pa ng iba. Sa kagustuhan mong masunod yung standards mo kausap mo na pala iba pa rin yung nasa isip mo. Sya na pala yung nagpapasaya sayo pero hindi mo alam kasi nakatutok ka sa iba. Try mo rin mag-observe sa mga taong nakakasalamuha mo. Tignan mo kung sino yung taong tumanggap sayo kahit minsan hindi kagandahan ang ugali mo. Yung nagtitiis sa kayabangan ng bibig mo. Yung taong hindi ka iniiwan kahit anong mangyari. Yung taong kapag binigyan ka never humingi ng kapalit. Yung kuntento na sa kung ano ka at kung sino ka talaga. Yung taong tanggap ka at mamahalin ka ng buo. Maghanap ka ng iintindihin ka sa lahat ng bagay na gusto at ayaw mo. Wag kang maghanap ng maganda/gwapo para lang may maipagmayabang ka sa friends mo o kaya para hindi ka mapahiya sa parents mo. Wag mong intindihin ang sasabihin ng iba, ang mahalaga mahal nyo at masaya kayo sa isa't isa."

2
$ 0.00

Comments