Maari ba

0 6
Avatar for Ruby.rubi
3 years ago

Palagi kong inaalala ang iyong mga ngiti.

Palagi kong ninanamnam ang bawat sandali.
Mga sandaling kasama ka pa.
Mga sandaling masaya pa tayong dalawa .
Kasi baka bukas o makalawa, mawala ka na.

Wala tayong kasiguraduhan.
Di tulad ng agos ng ilog na walang katapusan.
Di tulad ng isang dagat na sobrang lawak
Dahil di kita pag-aari na aking hawak.
Di ako isang Puto,
Di rin ikaw ang kapares kong dinuguan.

Maaring pinagtagpo tayo at nakatadhana..
Nakatadhanang paghiwalayin,
At nakatadhanang limutin.
Nais ko mang sabihing wag kang umalis,
Alam ko sa sarili ko, kailangan ko na ring lumihis.

Di kita pwedeng angkinin.
Di kita pwedeng mahalin.
Pero nagawa ko na.
Nagawa kong mahalin ka.
Nagawa kong lumimot..
Nagawa nating sandaling makalimot .

Sa huling sandali, bago ako kumawala
Maaari bang mayakap ka?
Yakapin mo ako ng kay higpit,
Yakapin mo ako sa huling saglit.
Ipadama mo sa akin ang sinasabi mong pagmamahal,
At hayaan mong ang luha sa mga mata ay umulan.
Hayaan mong lumabas ang lahat ng aking hinanakit.
Hayaan mong dumaloy ang luha ng pasakit.
At pagkatapos nun, tsaka na tayo bumitaw.

2
$ 0.00

Comments