Laban muna bago bitaw

0 17
Avatar for Ruby.rubi
3 years ago

Binitawan mo? Bibitawan mo? Dahil ano? Dahil pagod ka na at sawa ka na? Wag mo sukuan dahil lang di na kayo masaya o dahil lang napapagod ka na. Bakit mo pagsasawaan kung ginawa naman niya halos ang lahat para sayo?

Bakit ganun lang kadaling sukuan siya? Baka siguro ganun lang kababaw pagmamahal mo para sakanya.

Kasi pag mahal mo ipaglalaban mo. PANININDIGAN MO.

Ipaglalaban mo yung nararamdaman mo para sa kanya kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon nyong dalawa.

Bakit? Kasi in the first place palang ikaw na yung pumasok sa buhay niya..

Ikaw yung nangakong ipaglalaban mo siya hanggang dulo, pero ikaw yung unang sumuko.

Hindi mo alam bakit ka nagsawa?

Hindi mo alam kung bakit di ka na naging masaya?

Baka kasi hindi mo din ginawan ng paraan para mabalik yung saya sa relasyon niyong dalawa. Baka kasi pinili mo na talagang sukuan siya dahil nahihirapan ka na.

Wag mong sayangin yung taong ginawa ang lahat para sayo, pinahalagahan ka ng sobra. Kasi hindi lahat ng tao kayang gawin yun, hindi lahat ng tao kaya kang ipaglaban.

Pahalagahan mo hanggang may chance pa. Wag mong sukuan kung alam mong in the first place palang hindi ka naman iniwan, kasi hindi naman ikaw yung hindi binigyan ng halaga.

Hanggang hindi ka pa sinusukuan ng tao, wag mo nang hayaang mawala.

Wag mong sukuan yung mga taong nandyan pa rin kahit nakita na lahat ng negative sides mo.

Kasi in the end of the day, pipiliin nya pa rin mag-stay kahit sobrang hirap mo nang mahalin.

Dun tayo sa taong mamahalin tayo kahit maging kumplikado na ang lahat.

Let’s be thankful na may mga taong kaya kang mahalin kahit hindi ka na kamahal-mahal, na kahit pinagtatabuyan mo na siya pero nagsta-stay padin siya kasi siya yung taong worth it mahalin, siya yung dapat hindi iniiwan, siya yung hindi dapat sinusukuan at pinagsasawaan.

Madaming iba dyan o makakahanap kapa ng mas okay sa kanya pero hindi lahat kaya kang mahalin na katulad nang pagmamahal na binibigay niya sayo. Hanggang nandyan pa, hanggang mahal ka pa at handang magpakatanga sayo, walang rason para sukuan at pagsawaan mo siya. Iparamdam mo kung gaano siya kahalaga.

Kung nagsasawa ka na at napapagod ka na wag mo iwan, much better kung kakausapin mo muna hindi yung iiwanan mo nalang at magiging cold ka.

Wag kang maghanap sa iba ng totoong pagmamahal na binibigay na ng taong nandyan na sa harap mo.

Wag mong sukuan dahil nahihirapan ka lang at pagod na.

Magpahinga ka. Ayusin nyo muna.

Bumalik kayo sa kung saan kayo nag-umpisa. At isipin nyo lang kung bakit nyo piniling mahalin ang isa't-isa.

2
$ 0.00
Avatar for Ruby.rubi
3 years ago

Comments