read.cash Log in
@RoseAnn16 more from that month

Share ko lang noisemates. Kninang hapon around 4, since gloomy naman dito samen, nagpaalam ang anak kong pnganay na magbabike daw sila nung kalaro nya, bike ko daw gagamitin nya at ung bike nya ipapahiram nya daw don sa playmate nya. Ako nakahiga pa non, tapos walang pang ilang minuto bumalik sken at nagtanong. "Mama nagpaalam po ba sayo si **** na mahiram ng bike? (Ung extrang bike ng kapatid nya) Sabi ko "hindi po kasi tulog naman tayo." "Ah okay po" sabi nya; Tapos na umalis ulit at naglaro, after maglaro habang nagpapahinga nagkwento sken, tinanong nya daw ung bata na kapitbahay namen na kung kanino sya nagsabi na hihiramin ung bike?(nasa bakuran lang kasi namen ang mga bike pero may gate at nakasarado ang gate kasi nap time namen knina) sagot daw nung bata "wala kinuha ko lng" saka daw nya sinabi na "next time magpapaalam ka muna kasi bad ung basta2 kukunin ung gamit o basta2 papasok sa ibang bahay ng walang paalam" Nakakatuwa lang ang anak ko, 9yrs old lang pero very professional na mag isip. Ung hindi nya basta2 pinagsabihan agad ung bata nag ask muna sya sken. Hindi kasi madadamot mga anak ko, pero alam nila na hindi tama na kukuha ka ng gamit ng hindi sayo at walang paalam🙂

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.